Nakakahilo ang patay sinding ilaw ng bar, isama mo pang maraming tao at naghalo halong amoy ng alak at usok ng sigarilyo. Hindi naman ito ang unang beses na nakapasok ako sa bar pero ito ang unang beses na magtatagal ako. "Sage! You look so good!" si Kuya Maru ang unang kumausap sa akin mula sa kabilang table. "Bakit nakahiwalay kayo ng table? Ayaw niyong makisalo sa amin?" halos sumigaw na siya dahil maingay talaga ang musika. "Nah, we're good. I'm with Leon," turo ko sa kaibigan ko na tumayo at lumapit sa akin, inakbayan pa talaga ako. Inilibot ko naman ang kamay ko sa beywang niya. "Kaibigan ko." sabi ko. Tinaasan ako ng kilay ni Kuya Maru, hindi naniniwala sa sinabi ko. Pinagsadaan pa niya ng tingin ang pustura namin ni Leon. I can say that I am comfortable with Leon that's why

