Kung hiya at inis ang naramdaman ko kanina kay Kuya Red. Pure na kahihiyan ang nararamdaman ko ngayon habang nakatingin kay Leon na hindi ko alam kung pinagtatawanan ba ako sa isip niya ngayon dahil ngiting ngiti siya sa akin, iyong ngiti nang nang-aasar. Nasa klase na kasi kami ngayon at talagang hindi ako umupo sa dating pwesto ko, sa tabi niya. Tang Ina. Pakiramdam ko nag-iinit ang buong mukha ko sa kahihiyan? "Edi papatigasin ko!" Napapikit ako nang maalala ko ang eksaktong salita na sinabi ko sa kaniya. "Oh, putcha. Asan na ang tapang mo, Sage?" si Leon ang unang lumapit sa akin nang matapos na ang klase. "Huwag mo nga akong asarin," nahihiyang sabi ko. "Naalala mo lahat ng ginawa mo?" tawang tanong niya at naupo sa tabi ko. "grabe. . . ang wild mo pala kapag lasing." ii

