Sumapit na ang gabi, at kasabay ng pagdilim ng langit ay ang pag-igting ng liwanag mula sa mga fairy lights at banderitas na maagang inayos ng mga bata. Ang buong field ay napuno ng ingay, tawanan, at pananabik. Ang mga bata mula sa ampunan ay nakaupo sa pinaka-unahan ng damuhan, may hawak na mga glow sticks, masayang masaya at handa ng makinig sa musika, habang ang mga sponsors, madre, at mga volunteers naman ay nakapuwesto sa mga plastic chairs sa likod. Sa gitna ng dilim, ang makeshift stage ay nag-ningning sa tindi ng mga makukulay na spotlight. Napangiti ako. Ang ganda ng nagawa naming nga desinyo. Nang magsimula ang charity concert, nagsimulang tumugtog ang banda ni Kuya Red. Nakatayo ako sa may gilid ng sound booth, medyo malayo sa karamihan, kasama sina Leon at Harvey. Mula

