Nanatili akong nakatayo sa tapat ng lababo habang pinupunasan ang basa kong kamay gamit ang basahan. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, hindi dahil sa lamig ng tubig kundi dahil sa huling sinabi ng bwisit na lalakeng ito. "Actually, good idea." Ga-go talaga. Siraulo. Kung inaakala niyang madadaan niya ako sa mga ganiyang linyahan niya pagkatapos niyang makipag-ngitian nang wagas kay Lavender, nagkakamali siya. Hindi ako marupok. O sige, medyo marupok, pero pinipigilan ko! "Umalis ka nga sa harap ko, Kuya Red. Magluluto pa ako," asik ko sa kaniya sabay tulak sa matigas niyang dibdib. Para lang akong tumulak ng pader dahil hindi man lang siya natitinag. Nananatili siyang nakatayo roon, nakapamulsa, at ang mapang-asar na ngiti ay nakadikit pa rin sa mukha niya. "Sino bang nagsabing maglut

