Hindi ako makatulog. Hindi ako makahinga ng maayos. Tapos bawat segundo ay naririnig ko ang mabigat, galit, at tila nagpupuyos na paghinga ni Kuya Red sa tabi ko. Parang sobrang si-kip ng tent ngayon kahiyt na may space naman sa pagitan naming dalawa. Napa-upo ako. Tahimik na kinuha ko ang makapal na jacket ko. Lalabas na lang muna siguro ako. Hindi pa kasi ako inaantok at magpapahangin na muna saglit. Alam kong may mga gising pa sa ilang kasama namin dahil naririnig ko rin ang mga boses nila, hindi ko lang maintindihan ang pinag-uusapan nila. Sinuot ko na ang jacket at marahan kong binuksan ang zipper ng tent dahil ayaw ko rin gisingin ang kasama ko kung tulog man siya o hindi. "Saan ka pupunta?" ang mababa, paos, at awtoritatibong boses ni Kuya Red ang napatigip sa akin sa pagl

