"Pero kagaya pa rin siya ng ibang naging babae ko," pagpapatuloy ni Kuya Red habang "Panandalian. Pampalipas oras. Huwag niyo masyadong bigyan ng meaning, wala nanang special sa babaeng 'yon. Alam niyo naman ako, kapag sawa na, palit na." Naramdaman ko ang biglang pagkirot ng dib-dib ko. Isang pamilyar na hapdi na pilit kong iwinawaglit simula pa noon tuwing may masasakit siyang sinasabi laban sa akin. Kaso, kakaiba ang sakit ngayon. Alam ko naman. Alam ko ang pinasok ko at malinaw ang mga letra sa kontratang pinirmahan ko sa pagitan ng mga halik at luhang hindi ko maipaliwanag. Pero ang marinig iyon mula sa kaniya sa harap ng ibang tao—habang nakatingin siya nang diretso sa akin—ay parang malamig na tubig na nagpabalik sa akin sa reyalidad. "Ouch. Kawawa naman si girl," biro ni Kuya Gai

