"That woman is really something." iiling iling na sabi ni Kuya Maru. Iyan na lang ang naintindihan ko sa usapan nila. Nalulutang kasi ako dahil sa nangyari kagabi sa pagitan namin ni Kuya Red at sabay sabay na activities na nakalapag sa harapan ko ngayon. Nasa garden area kasi kami ni Leon dahil punuan sa library. Dito namin napiling kumain ng snacks at gawin na rin ang activities namin pero biglang dumating sila Kuya Red, kasama niya sila Kuya Maru at Kuya Gaio, kaya naman ang ingay na ng paligid. Nag-usap na lang sila. Naging interesado rin si Leon sa topic o wala lang siyang pakialam? Hindi ko alam. Pero dahil sa sinabi ni Kuya Maru ay pareho kaming napatingin sa kaniya. "Oh, akala ko magbu-busy busy-han kayong dalawa riyan," tawang aniya. "anyways, Sage, kilala mo na iyong baba

