Maaga akong nagising. May bigat sa dib-dib ko, hindi ko alam kung para saan. Nakahiga lang ako sa kama at nanatili akong nakatitig sa kisame ng kwarto ko. Napapaisip ako kung panaginip lang ba ang lahat o totoong nangyari. Pero ang mabigat na t***k ng puso ko at ang bahagyang pananakit ng mga braso ko kung saan ako idiniin ni Kuya Red sa pader kagabi ay sapat nang ebidensya. “I don’t like sharing you because I. . . I like you, okay?” Paulit-ulit na umalingawngaw ang boses niya sa utak ko. Ang paos na pag-amin na 'yon na amoy alak, ang higpit ng yakap niya na tila ba natatakot siyang bigla akong mawala, at ang init ng kaniyang hininga sa balikat ko bago siya tuluyang nakatulog sa sofa dahil sa kalasingan. Buong gabi kong binuo ang tapang ko, iniisip kung paano ko siya haharapin ngayon

