Chapter Fifteen

2746 Words
MULING itinutok ni Kali ang mata sa isang nilalang na naroon at binasa ang mukha nito.He seemed so serious and staring intently at the couple.Pero mas nakatitig ito sa babae. Mukhang hindi lang sila ni Xander ang may sikreto.Pero hindi pa rin naman malinaw sa kanya ang nasa isip.Kailangan pa niyang patuloy na magmasid at makiramdam. Medyo nanibago siya sa ate niya.Yes,she was smiling but she also saw something in her eyes.At ngayon niya lang nakita iyon mula nang umuwi ito ng Pilipinas. "Ninang,I missed you!Mukhang hiyang ka po dito sa atin ah.Lalo kang gumanda.",si Trish na niyakap ang ate niya.Mukhang nakabawi na ito. "Naku,nambola ka pa jan.Ikaw nga ang blooming na blooming.Hmmmm,at balita ko extended daw ang honeymoon niyo ha?",tukso ng ate niya.Nagsama na naman ang dalawang luka- luka. "Hindi naman po,medyo sinulit lang namin ang bakasyon kasi back to work na ulit pareho.",kunwariy nahihiya pa ang bruha niyang kaibigan.Napangiti tuloy siya. "Well,congratulations pare!",ani Ram."Pleased to meet you,future Mrs. Perez..",nakangiting inilahad nito ang palad kay Seana. Alanganin ang ngiti ni Xander,alam niya kung bakit.Naiilang ito sa sitwasyon lalo pa at halos lahat sila na naroon ay alam ang tungkol sa nakaraan pwera sa ate niya. And speaking of Seana,hindi pa rin nito inaabot ang kamay ni Ram na kanina pa nakalahad.Hindiniya alam kung siya lang ang nakapuna pero parang namutla ang ate niya. "Honey?",saka pa lang tila natauhan ito nang magsalita ang nobyo.Tinaggap nito ang pakikipagkamay ng matalik na kaibigan ng fiance nito.Nakasunod ang mga mata ni Kali sa magkadaupang palad ng dalawa. Hindi niya alam kung napa- paranoid lang ba siya dahil kanina pa siya nagmamasid sa paligid.Pakiramdam tuloy niya ay mas marami pang di inaasahang magaganap ngayong gabi. "Pleased to meet you,too-" "It's Ramgen,I bet your fiance forgot to tell you my name.But you can call me Ram...",diretsong nakatitig ito kay Seana. "Pleased to meet you,too,R-ram",Seana said,stammering.Ram smiled pero hindi umabot sa mata."Your fiancee is very beautiful,Xander.Napakaswerte mo sa kanya.Masaya ako dahil finally magse- settle down ka na,bestriend." Sigurado si Kali na siya lang ang nakapansin at nakaramdam sa tensyong namumuo sa paligid.Kahit yata si Xander ay clueless din."I know pare,salamat.Imbitado kayo sa kasal namin soon!" Nakita niya ang pagsungaw ng sari- saring emosyon sa gwapong mukha ng dating coach nina Troy at Tyler mula nang lumapit sa pwesto nila ang magnobyo.Pagkasabik,pagkagulat,pagkalito,sakit,lungkot at panghihinayang. Nang biglang maghiyawan ang mga kabatch nila ay napalingon sila lahat.Nahawi ang daan para magbigay pugay ang lahat sa campus queen na walang iba kundi si Anastacia Ylagan. Dramatic ang entrance nito as always.Ibig niya tuloy matawa.Siniko siya ni Trish.Pero aaminin niyang tila reyna ito sa suot nitong gown. Litaw na litaw ang kagandahan nito.Masyado nga lang attention- seeker ang babae. As usual,ayaw na naman nito magpahuli sa eksena.And just like the old times,kasunod na naman nito ang dalawang alipores na sina Krislie at Zia.Katulad ni Stacey,bonggang bongga din ang attires. Napansin ni Kali na sa direksyon nila ito patungo.Bumaba agad ang mga mata nito sa kamay ni Troy na nakayakap sa bewang niya.Hindi maitago ang pain at disgust sa magandang mukha nito. Pero agad ding naglaho ang mga naunang emosyong bumalatay sa mukha nito.Habang papalapit sa kanila ay may nakaplaster ng matamis na ngiti sa mga labi ng babae. "Hey guys,I'm so glad nakarating kayo lahat.This night is going to be very special...",makahulugang wika nito.Tiningnan nito ang nobyo niya na puno ng pang- aakit.Bumangon ang inis sa dibdib niya pero hindi niya ito papatulan ngayon. Ang buong akala nila ay matagal na itong sumuko kay Troy at kay Xander na nahumaling.Pero mukhang fake news lang yata iyon.Dahil kitang- kita naman ang matinding pagtatangi nito para sa boyfriend niya. "Of course naman Stacey,batch reunion kaya malamang aattend ang whole batch natin..,"si Trish na hindi itinago ang sarcasm pero in a very nice way. "You haven't change, Beatris.Napakasweet mo pa rin until now.",ganti naman ng babae.Matamis na ngiti lang ang naging sagot ng kaibigan niya. "Hello Troy, I missed you already,you know?Kahit ilang araw lang tayong hindi nagkita...",a devilish smile was formed on Stacey's lips.Naramdamanniyang tila nanigas ang nobyo niyang nasa tabi niya. Napatingala tuloy siya rito ng wala sa oras,nagtatanong ang mga mata.Bakas ang matinding galit sa gwapong mukha ni Troy. "Balita ko official na ang relasyon niyo,right Kali?Congrats then.Pero alam mo,if I were you,wag ka maging masyadong kampante.Bantayan mo din yang boyfriend mo paminsan- minsan." Alam ni Kali na may ibig ipahiwatig si Stacey at iyon ang aalamin niya mamaya.Nagbabanta ang tingin ni Troy sa babae kaya nakumpirma niyang may itinatago ang mga ito.Nakaramdam tuloy siya ng discomfort. Hindi maiwasan ng dalaga na dumilim ang mukha sa mga sinabi ng karibal na si Stacey.Nakipagtagisan siya ng titig dito pero taas noo lang ang babae. Nang biglang mapagawi ang atensyon nito sa mga katabi nila roon,partikular na kay Xander at Seana. "Sir Xander?Oh my God,you're here,too!What a surprise!"Lumapit ito sa dati nilang propesor at humalik sa pisnge."I hope you don't mind,Miss?,baling nito sa ate niya."Seana Morales.",sagot ng huli na nakangiti.Sport ang ate niya kahit saang pagkakataon. "And don't worry,it's okay.So you and my sister were classmates before?"sumenyas ang kamay ni Seana para ituro si Kali.Kumunot ang noo ni Stacey halatang nabigla.Nagkatinginan naman sina Xander,Troy,at ang mag- asawang Collins. "You mean,Kaliana Morales?Kapatid mo siya?"may mapaglarong ngiting gumuhit sa labi nito.At alam ni Kali na hindi niya magusgustuhan ang mga susunod na lalabas sa bibig ng dating kaklase."Really?Kapatid mo pala si Kali,at fiance mo si Sir Xander kasi kayo ang magkasama,right?" "Yes,sweetie.Tama ang lahat ng sinabi mo.Why,is there any problem?",medyo nabubuhay na ang kuryosidad ni Seana pero kalmante pa rin ito.Gusto nang maglaho ni Kali sa kinatatayuan niya ng mga oras na yun. "Hmmm,wala naman.I just discovered something very interesting tonight."kay Kali na nakatuon ang mata ni Stacey."Why do I have this feeling na you're not aware about your fiance's past?" "What do you mean?",si Seana na nakakunot na ang noo."Well,naisip ko lang napakagandang plot.But I find it a bit.......let's say,awkward?So Kali,anong naging reaksyon mo nung nalaman mo na ang ate mo pala ang new love of Sir Xander's life,hmmm?" Ramdam ni Kali na tinakasan ng dugo ang mukha niya.Pero pinisil ni Troy ang palad niya na tila pinakakalma siya.Halata naman ang pagkataranta sa mukha ni Trish. "Ah,Stacey,hindi pa ba magsisimula ang program?Mukhang naiinip na ang lahat.",si Xander na dina nakatiis.Pilit nito pinagaan ang ang mood. Anastacia.....",ani Troy sa mapanganib na tinig.Nakakalokong tingin at ngiti ang naging tugon rito ng babae. "Samahan na kitang batiin ang iba pa nating kabatch,let's go!",marahang hinila nito ang babae.Lumingon muna sa kanila bilang pamamaalam bago tuluyang inilayo si Stacey.Mukhang ikinatuwa naman iyon ng huli dahil iniangkla pa ang kamay sa nobyo niya. Nakahinga naman ng maluwag si Kali."Honey,ikot muna tayo.Ipapakilala rin kita sa iba pang mga bisita.Excuse us...",paalam naman ni Xander na obviously ay gusto ring ilayo ang ate niya roon.Alam din siguro nitong mag- uusisa si Seana. "Beb,muntik na kayo don,ha?Grabe,halos hindi ako huminga kanina.Impakta talaga yung babaeng iyon!,"Pilit kinakalma pa rin ni Trish ang sarili."I'm just fine,beb.Wag ka na masyado mag- alala at bawal ka ma- stress."Malungkot na tiningnan sya ng kaibigan. "I still couldn't believe everything,Kali.As in sila na talaga ni Sir Xander?"Gusto niya mapikon sa patuloy na pangungulit nito."Yes,Beatris,what you see is wahat you get."Nagpakawala siya ng isang malalim na paghinga. "Kailan mo pa nalaman?Nagkausap na ba kayo ni Sir?Bakit hindi niyo ipinagtapat sa ate mo ang lahat?",sunud sunod na naman ang tanong nito. "Ayoko siyang masaktan,Trish.Hindi ko kayang masaktan si ate lalo na kung ako ang dahilan.Oo nagkausap na kami ni Xander." "Tama ba ang narinig ko,walang alam ang ate mo tungkol sa nakaraan ninyo ng kaibigan ko?".Parehong nagulat ang magkaibigan nang biglang may magsalita."Sir Ram!" "Bakit Kali,bakit inilihim niyo ni Xander ang tungkol sa inyo ni Xander?"Nagtataka si Trish,alam niya yun.Pero iniisip marahil nito na concern lang ang lalaki sa kaibigan nito.Kay Xander.Pero iba ang nasa isip ng dalaga. Unti- unting lumilinaw ang hinalang nabubuo sa isip niya. "I think it's better to just leave everything in the past, sir Ram.Baka sakali,kapag kasal na sila masabi ko na kay ate.Pero sa ngayon kasi ay wala pa akong sapat na lakas ng loob para gawin iyon." Matamang tinitigan siya ng kaharap na tila ina- analisa ang sinabi niya."I understand your reasons,pero hindi niyo iyon habambuhay na maililihim sa kanya."Seryosong wika ni Ram.Hindi na nakatiis ang dalaga.It's now or never,sabi niya sa isip. Medyo nakalayo na rin pala ang mag- asawang Tyler at Trish kaya sila na lamang dalawa ni Ram ang naroroon.Pagkakataon nga naman."Do you know each other,sir Ram?I mean kayo ng ate ko...??"Natigilan ang lalaki sa naging tanong niya.Halatang hindi nito iyon inaasahan. "You know what,Kali.. Sometimes,some things should be better left unknown and unsaid.",matalingahagang sagot nito. "Katulad ng kasabihang "what you don't know wont hurt you?",right sir?Exactly the same reason why I never wanted my sister to know about our past." "Pero depende pa rin iyon sa sitwasyon.Mabait ang ate mo,I'm sure she'll understand."Napataas ang kilay ng dalaga."Seemed like you knew her well,sir Ram.May kasabihan din tayo na "ang isda ay sa bibig nahuhuli",remember? " Hindi na nagkomento pa ang kausap sa parunggit niya."We don't want to miss the fun,do we?Nice to see you again,Kali."he smiled.This time she knew it's a genuine smile."Same here,sir Ram.See you around.",ginantihan niya ito ng isa ding matamis na ngiti. Hinanap ng mga mata niya ang nobyo pero biglang may yumakap sa kanya mula sa likuran."Looking for me?"he whispered to her ear."Babe!"Nahampas niya ito nang lumingon siya."The one and only.No,lemme rephrase that,you're one and only BABE." Napangiti siya sa kalokohan nito."Conceited!"Ngumisi naman ang binata."At least gwapo!",sabay kindat sa kanya.Inirapan ni Kali ang nobyo.Magkukulitan pa sana sila pero narinig na nila ang musika,hudyat na magsisimula na ang programa. Isa sa Stacey sa mga emcee palibhasa ay ang grandfather nito ay isa sa mga owners ng OU.Kaya nga sikat at malakas ito sa buong campus. Masaya ang naging reunion nila at hindi na niya namalayan ang pagtakbo ng oras.Naging thankful siya dahil busy na ang lahat at hindi na naulit ang maiinit na eksena kanina. Kanya- kanyang take ng pictures at videos.Talagang namissed din naman nila ang kanilang Alma Mater.Kahit pa doon sila nagtuturo nina Trish at Ty ay iba pa rin ngayong nakita at nakasama din nila ang iba pa nilang kaklase after some years. At siyempre hindi din nawala ang sayawan at inuman.May tama na si Stacey kaya malakas na lalo ang loob nito.Niyaya nitong magsayaw si Troy at hinayaan na lamang niya.Ayaw ng huli pero siya na mismo ang nag- push sa nobyo.Minsan lang naman,eh,katwiran niya sa isip. Alam niyang labis pa ring naninibugho sa kanya ang babae.At sa totoo lang,naaawa siya rito.Sa kabila ng karangyaan at kasikatan ay parang napakalungkot ng buhay nito. Mas maswerte pa rin siya dahil may mababait siyang kaibigan,mapagmahal na at ubod ng lambing na ate Seana,butihing yaya Nora at tapat na lalaking gaya ni Troy sa buhay niya. Everyone was busy and enjoying the party.Kainuman ni Tyler si Xander at mga ka- team nito noon.Si Troy ay di pa rin ibinabalik ni Stacey. Nakasimangot na nga ang nobyo niya at panay ang senyas sa kanya pero tinawanan lang niya. Medyo nakaramdam siya ng lamig dahil halos madaling araw na rin.Backless pa naman ang suot niyang gown.Magpapasama sana siya kay Trish na kumuha ng jacket sa kotse niya pero busy din ito.Kausap ang mga dati nilang guro. Nagpasya siyang pumunta na lang sa parking lot mag- isa.Pero ilang hakbang pa bago ang kotse niya ay napatigil ang dalaga.May narinig siyang tila palihim na nag- uusap sa isa sa mga sasakyang nakahanay doon. At napakunot ang noo niya nang may marinig na mahihinang hikbi ng isang babae.At pamilyar sa kanya ang boses nito.Lalong sumidhi ang kuryosidad na nadarama niya. Dahan- dahan siyang naglakad patungo sa kinaroroonan ng mga tinig.May hinala nang nabubuo sa isip niya pero ibig niya pa rin makasiguro. Malakas ang kabog ng dibdib ni Kali.Habang palapit siya nang palapit sa mga ito ay pabilis din nang pabilis ang t***k ng puso niya. Maingat na sumilip siya sa espasyong kinaroroonan ng mga ito,nasa pagitan ng mga nakaparadang kotse.Wala na siyang marinig na hikbi.Napalitan iyon ng mga impit na ungol. Tama ang hinala niya na hindi lang isa ang naroon kundi dalawa.Nasa labas ng kotse ang mga ito.Nakatalikod sa kanya ang lalaking napakapamilyar ang pigura pati na ang suot nito. Hindi niya maaninag ang babae dahil natatakpan iyon ng lalaki pero malakas ang pakiramdam ni Kali na nakasandal ang babae sa kotse. Napatakip siya sa bibig nang marealize kung anong ginagawa ng mga ito.They were kissing!Damn,Kali,kelan ka pa natutong mamboso?,kastigo niya sa sarili. Naramdaman niyang nag- init ang pisnge niya.She felt so embarrassed!Nakalimutan na niya ang pakay niya roon at ang tumatakbo kanina sa isip niya. Masyado siyang nadistract sa nasaksihan.Pakiramdam niya ay nakakaistorbo siya sa privacy ng mga ito.So she decided na bumalik na lamang sa party. Pero nang akmang tatalikod na siya ay biglang naghiwalay ang dalawang gumagawa ng milagro sa parking lot!Hinabol ng lalaki ang umiiyak pa ring babae.At labis na nanggilalas si Kali nang makilala niya ang mga ito.Shock was an understatement. Para siyang itinulos sa kinatatayuan ng mga sandaling iyon.Anong nangyayari?Bakit ang daming sorpresa? Muntik na mapasigaw si Kali nang biglang may humila sa kanya at isinandal din siya sa isa sa mga kotseng naroon.Agad nitong tinakpan ang bibig niya. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang mapagsino ang humila sa kanya."Xander!"Seryosong tinitigan lang siya nito habang inaalis ang kamay sa bibig niya."Anong ginagawa mo rito?Kanina ka pa ba?"nagpapanic na tanong ng dalaga. "I was looking for Seana. And yes,kanina pa ako rito,sweetheart.",halos pabulong na sagot ng binata.Nagtayuan na naman ang mga balahibo ng dalaga .Napaka- husky namn kasi ng boses nito at tinawag na naman siya sa paborito nitong endearment .Nawawala na naman tuloy siya sa sarili. "Oh my God!Don't tell me nakita mo rin ang- - -?"Hindi niya maituloy ang nais sabihin.Marahang tumango lang si Xander."No!",puno ng takot na wika niya.Hindi pa rin siya makapaniwala sa nasaksihan. " It's okay sweetheart,everything's gonna be fine.For now,balik na muna tayo sa party.Baka nandoon na ang ate mo at sigurado akog hinahanap ka na rin ni Troy." Masuyong pinahid ni Xander ang tubig na nasa pisnge niya.Hindi niya pala namalayan na umiyak na siya."Let's go?Habang kaya ko pa pigilan ang sarili ko...",paanas na wika ng binata sa halos magkalapit na nilang mukha. Pero masyadong maraming gumugulo sa isip niya ngayon kaya marahan na lang siyang tumango sa binata.Hudyat na payag na siyang bumalik sila sa kasiyahan. "Give me your car's key..",anito.Nalilito siyang napatingin rito.Hindi niya namalayang nasa tapat na pala sila ng kotse niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD