MAINIT ang ulo ni Troy habang nagmamaneho,pero mas matindi ang init ng katawan na kanyang nararamdaman.He was so disgusted with what happened inside his office a while ago.Nagi- guilty tuloy siya ngayon.
Mahal na mahal niya si Kaliana,he was very sure of that,at sobrang saya niya dahil sa wakas ay binigyan na siya nito ng chance para patunayan ang pagmamahal niya rito.
Pero kanina lamang ay muntik na siyang makagawa ng isang bagay na ikasisira ng relasyon nilang nagsisimula pa lamang.What was he thingking?!Nagtagis ang bagang niya nang maalala ang unexpected visitor niya kanina.
Hindi pa rin talaga siya nito tininitigilan.Pero kung may nararamdaman man siya para sa taong iyon ay walang iba kundi awa.Yes,that's all he felt for her.Dahil ang puso niya ay pagmamay- ari na ng kanyang nobya.
Pagdating niya sa bahay ng mga Morales ay agad siyang ipinagbukas ng gate ni Mang Dante.Mukhang kanina pa ito roon at inaabangan talaga siya.
Natanaw niya si Kali na palabas ng pinto para salubungin siya.Medyo nanigas siya sa kinatatayuan,at napalunok.Hindi lang dahil naalala niya ang nangyari sa opisina kanina kundi dahil sa suot ng nobya.
Sanay na siya sa mga outfit nito noon pero hanggang maaari ay iniwasan niyang makaramdam ng kakaiba.Ayaw niyang mailang ito sa kanya kaya abot abot ang naging pagpipigil niya.
Pero iba na kasi ang sitwasyon ngayon.Alam niyang may karapatan na siya sa dalaga at hindi na niya kailangang itago ang mga totoong emosyon niya.Ang totoo,hindi pa humuhupa ang init na nararamdaman niya mula pa kanina,at lalo lamang sumidhi iyon ngayong naaamoy niya ang nobya habang palapit sa kanya.
Alam niyang yayakapin siya nito kaya mabilis siyang umiwas.Damn!
Hindi niya napigilang magmura ng mahina nang mabasa ang pagtataka at pagkadismaya sa mukha ng dalaga.
Wala siyang choice.Kailangan niyang gawin iyon dahil kapag hinayaan niyang magdikit ang mga balat nila ay baka kung ano pa ang magawa niya rito.Nasa garahe pa mandin sila at naroon lang sa loob ang ate nito at si yaya.
Binuksan niya ang pinto ng kotse at may kinuha mula sa loob.Nakamasid lang sa kanya si Kali,mabuti na lamang at naiwan sa opisina niya ang isa pang pasalubong niya rito kaya mayroon siyang magagamit na alibi.
Nang medyo kalmado na siya pati na ang katawan niya ay nakangiting nilapitan niya ang nobya at hinalikan sa noo.Nagtaka siya nang bigla itong humalakhak.
Nakakunot- noong tiningnan niya si Kali.Tinaasan naman siya nito ng kilay."Bakit para kang nakakita ng multo,babe?Hindi mo ba ako na- missed,hmmm?"
Nanlamig si Troy sa naging tanong ng nobya.Inaasahan siguro nitong sa labi niya hahalikan pero sa halip ay sa noo niya lang ito hinagkan.Wala na kasi siyang tiwala sa kanyang sarili.
"Babe,may nakalimutan pala akong ibigay sayo kahapon.",iniba niya ang usapan habang iniaabot rito ang dala niya.Sinilip nito ang laman niyon at lumiwanag ang mukha.
"Wow!My favorite kisses!Thank you so much,babe!",bago pa siya nakaiwas ay mabilis na nahalikan na siya nito sa labi.Dahil doon,gumapang ang init sa buong katawan niya.
Walang kamalay- malay ang nobya sa nangyayari sa kanya.Pero napangiti siya nang makita ang reaksyon nito.Napakasimpleng babae pa rin talaga nito sa kabila ng mga pagbabagong pilit nitong ginawa sa sarili.
Ito pa rin ang babaeng nakilala niya- simple at humble.Hindi na siya nag-abalang ibili ito ng ibang klase ng tsokolate dahil hindi rin naman nito magugustuhan.Kisses lang ang paborito nito sa lahat.
"Ang dami nito,babe,pinakyaw mo na yata lahat ng chocolates sa Malaysia.Baka naman sumakit na ang ngipin namin ni yaya..",biro nito pero nakangiti.Pero napansin niyang ang mga ngiting iyon ay hindi umabot sa mga mata nito.Parang may kumislap na lungkot doon.
Mamaya na niya ito uusisain kapag sila na lamang dalawa."Babe,hindi mo ba ako papasukin?I'm starving already.Kaya nga ako nagmadaling pumunta dito kase diba may usapan kami ni yaya?"
Totoong nagugutom na siya.
Tila natauhan naman ang nobya."Oh God,I'm sorry babe.Masyado kasi ako naexcite dito sa pasalubong mo.Tara,siguradong nakapagluto na si yaya.Nagugutom na rin nga ako eh.Hinintay lang kita para sabay tayong kumain."
Kinilig naman ang binata sa tinuran ng nobya.Inakbayan niya si Kali at naglakad na sila papasok sa kabahayan,diretso sa kusina.Lumiwanag ang mukha ng matandang Nora pagkakita sa kanya.
"Troy,hijo,naririto ka na pala.Tamang- tama,katatapos ko lang maghain.Alam kong gutom na kayo pareho lalo na itong si Kali.Sa pagkakatanda ko ay hindi pa iyan kumakain ng hapunan.",mahabang paglilitanya ni yaya.
Nagatatanong ang mga matang binalingan niya ang nobya.Nakuha naman agad nito ang nasa isip niya."Nakatulog kasi ako pagkaalis mo kagabi.Umaga na ako nagising..",paliwanag nito.
"Tsk,hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom,babe.",nag- aalalang wika naman niya.Iningusan siya nito."I know,napagod lang kasi ako kahapon."May sumilay na pilyong ngiti sa labi ng binata.
"Napagod ka na agad wala pa tayong ginagawa,babe."Pinanlakihan siya nito ng mata at inginuso si yaya na busy naman sa paghahanda ng mesa."Stop that,Castro.Puro ka kalokohan.",medyo namumula ang pisngi nito na ikinatawa niya.
"Let's help yaya,para makakain na tayo.",sabi niya sa dalaga at sumunod naman ito.Lalo siyang nagutom pagkaamoy sa mga putaheng nakahain.Namissed niya talaga ang mga luto ng matanda.
"Hindi ko nakalimutan ang paborito mo,anak."si yaya na nakangiti habang pinagmamasdan siya.Mas matamis na ngiti ang iginanti niya rito.Naroon nga ang paborito niya,caldereta ala Nora.
Mayroon ding pritong tilapia na may katabing sawsawan na paborito ni Kali,gulay na pinakbet,pritong talong na may bagoong at garden salad.At may isa pang putahe siyang napansin,adobong manok.
"Nagrequest si Xander na ipagluto ko siya ng pinakbet at adobo.",anang matanda na ikinabigla nilang pareho ng dalaga.Si Kali ay saglit na natigilan habang siya ay nagtagis muli ang mga bagang.
"Tatawagin ko na muna sila sa taas para sabay sabay na tayong kakain",paalam ng matanda nang maramdamang nagbago ang mood nila."You didn't tell me he's here,babe.",binalingan niya ang nobya na biglang naging seryoso.
"Dito siya natulog kagabi,dito na siya pinatulog ni ate...",ani Kali at umiwas ng tingin.May naramdamang hindi maganda ang binata sa inakto ng nobya.
You mean hindi pa siya umaalis dito mula kahapon?",hindi maitago ng binata ang inis na nararamdaman.Marahang tumango lang si Kali."That bastard, kung alam ko lang na hindi siya aalis kagabi I should have stayed here,too."
"Anong ibig mong sabihin?Nagseselos ka pa rin talaga?He's my sister's fiance,Troy,for God's sake!"nagulat siya sa biglang pagtaas ng boses ng dalaga."So ipinagtatanggol mo siya?",mahina pero madiin niyang wika.
Hindi makapaniwalang tingin ang ibinigay ni Kali sa kanya."What's happening to you?You're being childish, Troy.Na- missed lang siguro nila ni ate ang isa't isa kaya they can't their eyes off each other.",medyo kalamdo na ito nang muling magsalita.
"Si ate nga ba ang namissed niya,o may iba pa?"lalong nasira ang mood ng binata nang malamang naroon pa ang karibal niya.Hindi nakakibo si Kali sa huling sinabi niya."I don't know what he's really up to,but I won't let him win again this time.Kung gusto niyang maglaro,fine!Makikipaglaro ako sa kanya."he smirked.
Sumakit ang puso niya nang maalala ang pinakamatinding lihim ng dalawa.And yes he knew about it,Kali told him everything. Pero tanggap niya naman ito sa kabila ng lahat.
"Alam mong nandito pa siya pero ganyan ang suot mo?",puno ng disgust niyang patuloy."Alam mo namang ganto na ako manamit,diba?Pati ba ito magiging issue din?",alam ni Troy na napipikon na rin si Kali.
Baka pag nainis ito ay biglang makipagbreak sa kanya at ayaw niyang mangyari iyon.Pero mayroon lang siyang gustong malaman at marinig mula mismo sa bibig nito.
"Tell me,babe,nagkausap na ba kayong dalawa ni Xander?Yung kayong dalawa lang?",seryosong wika niya habang hinuhuli ang mga mata ng nobya.Halo- halong emosyon ang nabasa niya sa mukha ng dalaga.Hindi pa man ito sumasagot ay kumirot na ang puso niya.
Kali POV
Kali tried her best to avoid Xander the following days.Halos araw- araw ay naroon ito sa kanila.Nakakahinga lang siya nang maluwag kapag umaalis ito at si Seana para asikasuhin ang iba pang detalye ng nalalapit na kasal ng dalawa.
Paminsan minsan ay di pa rin maiwasang pagselosan ito ni Troy.Hindi raw ito mapapanatag hangga't hindi pa tuluyang naikakasal ang dalawa.Naging maayos ang relasyon nila ng binata at bumalik na ito sa dati.Sweet at masayahin.
Isang araw,nakatanggap silang lahat ng mensahe mula sa Ohana University at imbitasyon din para sa reunion ng batch nila.
Kabilang si Xander sa imbitado dahil naging propesor nila ito noon.Sa Ohana din nagtapos si Seana ibang batch nga lang ito.Pero dadalo din ito bilang date ni Xander.
Nang sumapit ang espesyal na araw ay walang itulak- kabigin sa magkapatid.Parehong produkto ng isang sikat na fashion designer ang suot nila,at lutang na lutang na ang mga angkin nilang kagandahan.Minsan lamang naman sila magluluho kaya lulubus- lubusin na nila.
Dahil parehong sikat noon sina Kali at Troy sa OU ay grand entrance ang nangyari pagdating nila sa venue. Gwapong- gwapo rin ang nobyo niya sa suot nitong tuxedo.Natawa na lamang siya ng may marinig siyang malakas na tilian.Wala pa rin palang kupas ang appeal nito sa mga babae.
Buti na lamang at kampante siyang hindi ito basta maaagaw sa kanya at hindi rin naman siya gaanong selosa.Bakas na bakas ang kasiyahan sa bawat mukha ng mga taong naroon.
Naging mainit din ang pagsalubong ng mga ito sa dating propesor.Ang iba ay hindi magkamayaw sa pagtatanong palibhasa ay napaka- friendly nito noon sa mga estudyante.
Kilalang- kilala pa rin ito ng buong batch nila.At hindi rin maitago sa mga mata ng naroroon ang paghanga sa date nito.Napakaganda naman kasi talaga ng ate niya.
Matapos makipagkumustahan sa mga kaklase at kaibigan ay agad nilang hinanap ni Troy ang mag- asawang Trish at Tyler.
Natagpuan nila itong kasama si Ramgen Agoncillo,dating coach nina Tyler at Troy,naging propesor din nila at bestfriend ni Xander.
Halos wala ding nagbago sa hitsura nito.Gwapo pa rin at macho.Pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang nakikitang babae na kasama nito.Imposible namang bakla ito dahil wala namang sintomas na makikita rito.
Masayang- masaya ito habang kausap ang mag- asawa.Dapat ay ninong din ito pero hindi ito nakarating sa kasal ng dalawa.Napatuon ang tingin nito sa kanilang magnobyo kapagdaka.
"I thought itong dalawa lang ang may happy ending?pati pala ikaw ,Troy?Congrats!",Ram genuinely smiled at them.Mahigpit na nagyakap ito at si Troy pagkatapos.Nagkamay naman ito at si Tyler sa pamamagitan ng isang hand sign na ang tatlong lalaki lang ang nakakaalam.
Madrama din ang naging pagkikitang muli ng magbestfriend na Kaliana at Beatris.Alam ng mag- asawa na sila na ni Troy at tuwang- tuwa ang mga ito.
Pero ni isa sa kanila ng nobyo ay walang bumanggit ng tungkol kay Xander.Kaya inaasahan na ni Kali ang magiging reaksyon ng mga kaibigan nila sa oras na malamang ang dati nilang propesor ang fiance ng ate niya.
"Oh beb,sobrang na- missed kita.As in to the highest level! ",madramang wika ni Trish nang bumitaw sa dalaga.Ibang- iba ang aura nito.Blooming masyado.Hiyang sa honeymoon.
Napangiti tuloy siya."Same here,beb.Ikaw ha,masyadong mahaba yata ang bakasyon niyo ni Ty..",kinindatan niya ito senyales na may nais siya ipahiwatig.Natawa siya nang mamula ito bigla.
Pa- virgin ang bruha samantalang dati kung maasar siya nito ay wagas.Napakaberde pa ng utak nito noon.Anyareee???
"Actually beb,may ibabalita ako sa'yo...",Trish paused and smiled shyly.Naghintay naman si Kali sa next sentence nito."Magiging ninang ka na...",mahina pero puno ng excitement na dagdag nito.
Napaawang ang labi ng dalaga at nanlaki ang mata sa narinig."You mean you're already- - -"
" Yes beb,I'm two weeks pregnant!",may kislap sa mga mata ng kaibigan niya.Muli niya itong niyakap."Oh my God,Trish!Masyado niyong ginalingan ni Tyler.Congrats anyway,I'm really really happy for you.",puno ng sinseridad niyang tugon sa kaibigan.
Masayang masaya din kami ni Ty para sa inyo ni Troy,finally sinagot mo na rin siya.Aba eh balak yata nun na magsoltero na lang kung di ikaw ang makakatuluyan.",malapad ang ngiting wika nito.
"Magpakasal na rin kayo at habol na habol pa.Para may makalaro itong inaanak mo."Talagang excited na maging nanay ang kaibigan niya.Tiyak na kukulitin nito ang nobyo niya mamaya tungkol sa kasal at anak.
"Ano ka ba,hindi pa naman namin
napag- uusapan ang tungkol sa bagay na iyan.At saka diba ikakasal pa si ate?".
"Oo nga pala beb,hindi pa namin nami- meet ang fiance ni ate Seana.Nakilala mo na ba?Ano,gwapo din ba at hot tulad ng mga partners natin?",nagsimula na naman ang bibig ni Beatris.
But unlike before,hindi na ito eskandalosa.Mahina lang ang boses nito pero hindi pa rin maitago ang kilig kapag ganoon ang topic.
Natigilan naman si Kali sa sinabi nito.Hindi pa man siya nakakapagreact ay napansin niyang biglang nanlaki ang mga mata ng kaibigan.Dahil doon ay napabaling ang mga mata niya sa tinitingnan ni Trish. At lalo siyang hindi nakagalaw sa kinatatayuan dahil papalapit na sa kanila ang magkapareha- ang ate niya at si Xander.
Maging ang tatlong lalaki ay napatingin din sa paparating.Bakas din ang gulat sa mukha ni Tyler.At hindi niya maipaliwanag ang emosyong nasa mukha ng isa pa nilang kasama roon na si Ram.He was looking at her sister.
Nang ilipat ni Kali ang mata sa ate niya ay tila saglit ding natigilan ito.She looked uneasy,pero bakit?Something's not right. Bahagyang nalito ang dalaga pero nang muli niyang paglipatin ang mga mata sa dalawa ay normal na ulit ang ekspresyon ng mga ito.
Nakangiting sinalubong ni Ram si Xander.Wala pa ring imik si Trish at napakapit sa asawa habang nagtitinginan ang mga ito.Medyo nagulat pa siya nang maramdaman ang paghawak ni Troy sa mga nanlalamig niyang kamay.
"It's alright,babe.I'm just here..",he said and smiled sweetly.Somehow,she felt relief and her heartbeat went back to normal.Medyo may kaunting agwat sa kanila ang tatlo,sina Seana,Xander at Ram kaya pasimple niyang dinikitan ang bestfriend niya.
"Trish, alam ko nagulat ka.But please,kontrolin mo yang bibig mo.Walang alam si ate tungkol sa nakaraan namin ni Xander..
"Puno ng pakiusap ang kanyang tinig.
"Beb,paanong?Oh my God!",tanging nasabi nito.Nagsusumamong muli niya itong tiningnan at marahang napatango na lang ang babae kahit lito pa rin.Kahit papaano eh naaasahan din naman niya ito sa mga seryosong sitwasyon kahit lukaret ito.
May ibinulong si Tyler sa asawa nito at biglang napatingin pareho kay Troy.Noon lang narealize na maaaring maapektuhan din ang binata kapag nag- open sila ng topic.Parehong nanahimik na lang ang mga ito at nagmasid.
Ganoon din ang ginawa ni Kali,pero may isang partikular na tao ang tila nais niyang subaybayan ngayon.
May naramdaman talaga siyang kakaiba at naniniwala siya sa instincts niya.Naputol ang pagmumuni- muni niya nang biglang nagsalita si Xander.
"Kumusta na kayong dalawa?Congratulations nga pala kahit late na ang greetings ko.I'm really happy for you both",nakangiti ito sa mag- asawa.At dahil nasa state of shock pa rin si Beatris, ang asawa na nito ang sumagot.
"Maraming salamat po,Sir.Mabuti po at nakarating kayo ngayon.Medyo matagal din po tayong hindi nagkita at nagkabalitaan.Kumusta naman po kayo?"
Noon lang tila naalala ni Xander na ipakilala ang kasama nito."Oh,I almost forgot,guys.Alam kong kilala niyo na siya,but still I want to introduce her,Seana Morales,my fiancee!"
Inaasahan na ni Kali ang ganoong eksena pero hindi na naman niya mapigilan na di maapektuhan.Mabuti na lamang at naroon sa tabi niya si Troy at laging nakaalalay.Na- guilty na naman tuloy siya.