Chapter 10 Away Bati

2000 Words
Carmelita * * " Babe Bakit nakasimangot ka?" Malambing na tanong ni Vaughn habang nagmamaniho Ilang oras na kami nasa byahe kung ano ano na ang pinagsasabi ni Vaughn ngunit nakasimangot lang ako. Pakiramdam ko kasi Naisahan ako, Binastid ko siya ngunit dinaanan ako sa halik niya. Ang sing-sing na pendant ng kwentas ko Engagement Ring may pangalan pa pa niya ang Sing-sing at date kung kilan kami nagpakilala " Ibig sabihin Unang pagtatagpo pa lang namin Pag-aari na niya ako. Hinintay ba niya na dumating ako sa tamang Edad? Nakakatakot ang lalaking to mabuti nalang nasa legal age na ako kung hindi baka child abuse ang gagong to. Kainis hindi manlang nanligaw halik agad. " Naiinis na sambit ko " Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo! Lakasan mo kasi." Nakangisi na wika ni Vaughn Alam kong naririnig niya ang sinasabi ko kanina. " Break na tayo ayaw ko makipag Relasyon." Inis na wika ko " Walang tayo kaya paano tayo maghihiwalay? Mahalikan lang e Jowa na agad?" Nakangisi na Tugon ni Vaughn Kumindat siya saakin napairap naman ako Magsasalita sana ako pero tumunog cellphone ni Vaughn agad naman niya sinagot " Yes Boss?" Bungad na sagot ni Vaughn sa cellphone Tumahimik si Vaughn nakikinig sa sinasabi ng kausap " No! Boss ibigay mo sa iba ang trabaho. Tatlong taon ako nagtrabaho muntikan na ako mamatay. Aba Ang Hindi masugpo na Sindikato nalutas ko tatlong taon ako nagtrabaho. Kung ano-anong Trabaho pinasok ko para makakuha lang ng impormasyon sa target ko. Alam mo bang nagkargador ako sa palingki. Naging Bartender sa club sa ibang bansa. Naging Family driver din ako Hindi nga sulit ang Bayad saakin napakahirap ng mission na binigay mo." Mahabang salaysay ni Vaughn Tumahimik siya bumuntong hininga " Tatlong million? Hehe ikaw naman Boss hindi kana mabiro! Bigyan mo ako ng Tatlong araw susulitin ko lang kasama ang mahal ko. Oo ako bahala Advance mo na sahod ko at least mamatay man ako Bayad na ako." Nakangisi na wika ni Vaughn Napailing ako kanila lang grabe makatanggi ayaw tanggapin ang trabaho ngayon nakarinig lang ng tatlong million nagbago ang pasya. " Mukhang pera ka din.". Naiiling na wika ko " Yup! Kailangan ko makaipon ng malaking halaga mabibili ko din ang pangarap kong Beach Resort. Gusto ko Pagdating ko ng 30s Hindi na ako nagtrabaho naghihintay nalang ako ng pera. Magpapakasaya nalang ako kasama ang Asawa at Anak ko." Nakangiti na Paliwanag ni Vaughn " Ayaw ko ng marangya na buhay. Sempling bahay lang ako kasama si Papa. Sapat na saakin ang makakakain ng tatlong beses sa isang Araw. Para saakin Hindi mahalaga ang Ano mang kayamanan, Mas mahalaga para saakin ang makasama ang Mahal ko sa buhay Ligtas at walang panganib. Malusog at walang sakit. Aanin ko naman ang milliones na pera kung nasa panganib naman ang buhay ng mahal ko." Mahabang paliwanag ko " Mahalaga ang pera para saakin para mabigyan ko ng maayos na buhay ang future wife And Kids ko." Seryoso na tugon ni Vaughn " Mayaman na ako hindi ko kailangan ng maraming pera. Sa kalagayan mo ngayon malaki ang income sa Hacienda at may ibang Business ka din. Hindi mona kailangan itaya ang buhay mo dahil lang sa pera." Naiinis na wika ko " Mukhang magkaiba ang pananaw natin. Hindi pa tayo mag-asawa nagtatalo na tayo." Nakasimangot na wika ni Vaughn " Kung ako ang gusto mong Asawahin Ngayon pa lang sasabihin ko na sayo ang mga ayaw ko. Dapat kung gusto mo ako ngayon pa lang Iwasan mo na ang mga ayaw ko." Seryoso na wika ko " Ano ang mga ayaw mo saakin? Handa ako magbago at handa ako maghintay." Excited na tanong ni Vaughn " Pakikipag inuman mo sa tambay sa kanto ng baryo, Pakikibasag Ulo sa kainuman mo. Paninigarilyo, Ayaw ko ng mahabang buhok mo at buhok d'yan sa mukha mo. Ayaw ko ng umuuwi ka ng Umaga na lasing. Ayaw ko nakasuot ka lang ng boxer pag nasa bahay. Mahiya ka naman! Kape sa Umaga ang inumin mo Hindi alak. Gusto ko pag naging mag-asawa tayo papaalam ka kung anong oras ka Uuwi para hindi nagmumukhang tanga ang mga kasama mo sa bahay. Ano pa ba? Pagpasok sa Nightclub at pagdala ng babae sa bahay, Gusto ko kung Asawahin mo ako Dapat maging Loyal ka saakin isang pagkakamali na malaman ko na may ibang babae ka Hiwalay na agad tayo." Mahabang paliwanag ko " What the Heck? Ang dami naman bawal, Mag move on nalang ako! Makakalimutan din kita, Aba parang ginawa mo akong sunod-sunoran sayo, Dapat kung talagang Mahal mo ako dapat tanggapin mo kahit ang kapintasan ko. Ang lahat ng pangit na pag-uugali ko." Seryoso na wika ni Vaughn " Ngayon pa lang mag move-on kana. Ayaw ko mag-asawa ng barumbado at babaero." Wika ko " Hey! seryoso?" Tanong ni Vaughn " Yup! Pagkauwi natin sa Hacienda mag-aayos na ako ng Mga damit ko Uuwi nalang ako sa Papa ko. Bahala na manganib ang buhay Ayaw ko manatili sa poder mo baka mamalayan ko nalang Mainlove na pala ako sayo. Aba hindi katulad mo ang pangarap ko." Nakasimangot na wika ko " Hey! Nagbibiro ka lang diba? Huwag ka umalis nasanay na ako na pinapanood ka sa CCTV footage araw-araw. Kahit na malayo ako kahit nasa panganib ang buhay ko sa tuwing nasisilayan kita nagkakaroon ako ng lakas ng Loob. " Seryoso na wika ni Vaughn Huminga ako ng malalim hindi ko talaga alam kung bakit napunta sa pag-aasawa ang usapan namin. " Tatlong taon! Pagkatapos ng tatlong taon Aalis na ako. Kailangan ko Hawakan ang Business ng Lolo ko. Ako kasi Ang Tagapagmana kailangan ko lang Ayusin para makapamuhay kami ng Papa ko ng tahimik. Sa ngayon yan lang plano ko walang magbabago kaya makakabuti kung Kalimutan mo ang nararamdaman mo para saakin. " Seryoso na wika ko " Tatlong taon may Anak na tayo non." Nakangisi na bulong ni Vaughn Kahit na pabulong ang pagkakasabi niya malinaw ko yon narinig Ang dating inosente na utak ko nabahiran ng kalaswaan. Pumasok sa isipan ko ang Matigas niyang Abs Ang nakakaakit na ngiti niya namumungay na mga mata na para bang laging nangungusap. Ang malambot niyang labi " Babe." Tawag ni Vaughn Napasinghap ako ng tawagin ako ni Vaughn napangiti ako ng alanganin Nanlilisik ang mga mata ko Tinaas ko ang kamay ko magkabilang sampal ang binigay ko kay Vaughn napahinto siya sa pagmamaniho tulala na nakatitig sa Unahan hinaplos ang pisngi " Bakit mo ako sinampal?" tanong ni Vaughn " Huwag na Huwag mo ako maakit-akit papatayin kita sa Oras na Akitin mo ako. Inosente ako pero dahil sa putanginang halik mo naging madumi utak ko. Pinapaalala ko lang sayo! Ayaw ko mag Boyfriend." Galit na sabi ko " Pambihira naman Carmelita! Muntikan na tayo sumalpok sa Truck dahil sa sampal mo. Kasalanan ko bang kaakit-akit ako? Aba magandang lalaki talaga lahi namin! Masarap din ako humalik." naiinis na wika ni Vaughn " A Basta! Huwag mo ako aakitin." Inis na wika ko " Mukhang kailangan ko mag move-on sayo! Hindi ka kasi mawala sa isipan ko! Simula ng Magkakilala tayo Para kang bangungot na dumadalaw gabi-gabi sa Panaginip ko." Inis na wika ni Vaughn " Gusto ko matulog Wala kang kwenta kausap." Inis na wika ko " Pa kiss." Pabulong na wika ni Vaughn " Manigas ka! Matanda kana para sa katulad ko maghanap ka ng kaedad mo." Masungit na wika ko Sumimangot si Vaughn " 28 lang ako hindi pa ako matanda." Pabulong na wika ni Vaughn Umirap lang ako hindi na ako kinausap ni Vaughn. Halatang nagtatampo siya napangiti ako Cute pala siya magtampo Madaling araw na kami Nakarating sa Beach Resort na tutuloyan namin. " Sir Meron po tayong Hotel Room na available para sainyo meron din Cottage with Queen size Bed May Small Kitchen na po yon Depende po sa laki ng Cottage ang Price. Medyo mahal ang Cottage dahil sa ganda ng view. " Nakangiti na wika ng Isang babae na staff sa Resort " Babe Anong Gusto mo? Hotel room Or Bahay kubo malapit sa dagat?" tanong ni Vaughn Napangiwi ako ang pumapasok sa isipan ko na Cottage Open at ang bahay kubo ganon din. Kung may Kama at kusina bahay na yon Hindi na Bahay kubo o Cottage. Unang gagawin ko pag nakabalik kami kay lolo pag-aaralan ko mamuhay ng Rich kids para hindi naman ako tatanga-tanga lumaki pa naman ako sa langsangan. Swerte na kung makakain ng Tatlong beses sa isang araw. Mabuti na nga ngayon ang kalagayan namin. Kahit paano nalaman na namin na hindi naman talaga masama ang lolo ko. " Kaunting pagtitiis nalang makakapag tapos na ako. Pagdating ng araw na yon uunahin ko linisin ang Business ni Lolo Tatanggalin ko ang mga employee na walang silbi. Bibigyan ko ng magandang buhay si Lolo at Papa. Kaunting pagtitiis nalang mababahiran na ng dugo ang kamay ko." Pabulong na sambit ko " Sa Cottage kami with two Bed's." Wika ni Vaughn Napangiwi ako ang layo ng naabot ng isip ko. Pagkatapos magbayad ni Vaughn sinamahan kami ng Babae sa tutuloyan na namin na Bahay kubo napangiti ako ng alanganin " Bahay na to Hindi Cottage. May Cottage ba na may sukat na 60 sqm house? " Naiiling na wika ko Napapalgiran ng halaman ang bahay may sukat na 60 sqm May kitchen small living room two Single bed in One Room. Sampong libo ang isang araw ang Renta sa bahay. Inilapag ko ang bag ko sa sofa pumasok ako sa kwarto hinubad ko ang Sapatos ko dumapa ako sa kama agad na nakatulog. Kinabukasan dahan-dahan ko minulat ang mga mata ko napansin ko agad ang Namumutok na abs ni Vaughn napangiti ako Agad ako bumangon nilapitan ko si Vaughn nakatapis ng Tuwalya nagpupunas ng Buhok Agad ko hinaplos ang dibdib niya pababa sa Abs. " Wow! Isa dalawa tatlo apat lima anim pito Walo! hehe 8 pack abs kana Vaughn. Hehe kasing Hot kana ng Papa ko. Pangarap ko mapangasawa ng katulad ng Papa ko. Gwapo matangkad sweet namutok sa Abs. Sabi kasi ni papa kung mag boboyfriend ako sa katulad na niyang gwapo para daw Masaktan at umiyak man ako at least ang iniyakan ko gwapo kaysa iniyakan ko pangit nakakahiya daw yon." Nakangiti na wika ko Napasinghap ako biglang hinawakan ni Vaughn ang kamay ko napatingin ako sa mukha ni Vaughn napangiti ng Alanganin nanlilisik ang mga mata niya. " Lahat pa ng may Abs na lalaki nilalapitan mo?" Tanong ni Vaughn sa galit na Boses " Hehe bukod kay Homer at sayo wala na promise. " Napapangiti na wika ko " What? kay Homer?" Galit na tanong ni Vaughn " Masarap kausap si Homer madalas kami tumambay sa kubo Nagkwentohan ng kung ano-ano." Tugon ko Binata si Homer kaedad lang niya si Vaughn ngunit mahiyain ito. " Hinawakan mo ang Abs ni Homer?" Muling tanong ni Vaughn " Oo kaso nagagalit hinahamplas ang kamay ko. " Tugon ko Napasinghap ko ng biglang hawakan ni Vaughn ang magkabilang balikat ko " Huwag mo nang gagawin yan! Ang paghaplos sa Katawan ng lalaki ay hindi maganda. " Mahinahon na wika ni Vaughn " Wala naman masama don! normal lang naman na kiligin sa tuwing nakakasilay ng gwapo at namumutok ang Abs. Ang masama makipag lampungan sa iba't ibang babae tulad ng ginagawa mo. Aba'y kahit paano dalaga naman ako natural lang na humanga sa lalaking kahanga-hanga. Hindi naman ako nagpapaligaw Ikaw lang naman ang Siraulo na humalik saakin." Naiinis na Paliwanag ko " Kaya nga dalaga kana Hindi kana bata kailangan mo kumilos ng maayos." Inis na wika ni Vaughn " Kung may pagtingin ka saakin Kalimutan mo na! Hindi ka magiging masaya saakin. Pag-isipan mo ng maigi kung handa ka bang makasama habang buhay ang katulad ko. Ang pagiging babaero mo tatapatan ko yan! Sa Tuwing mambabae ka manlalaki din ako " Nakangisi na wika ko " Manigas ka kaya ko pagtiyagaan ang Ugali mo." Nakangisi na tugon ni Vaughn
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD