Chapter 11 Rejected

2000 Words
Carmelita * * " Nakaupo ako sa harapan ng tinutuluyan namin hawak ang sketch pad at pencil panay tingin ko kay Vaughn may hawak na kape habang nakatayo sa ilalim ng puno ng niyog nakasuot siya ng swim trunks walang damit pang-itaas nakapalugay ang mahaba at kulot niyang buhok na abot hanggang balikat may kaunting buhok siya sa mukha. May kaunting buhok sa dibdib Matiyaga ko siyang inukit sa papel na hawak ko. " Talagang napakagandang lalaki mo Vaughn. Pero wala pa talaga ako interes pumasok sa relasyon Uunahin ko muna ang pamilya ko bago ang sarili kong kaligayahan. " Piping sambit ko " Hey! Kanina ka pa tingin ng tingin." Sita ni Vaughn Hindi ko siya pinansin naglakad siya palapit saakin pinagpatuloy ko lang ang pagtingin sa mata niya tapos ibabalin ko ang paningin ko sa pag drawing " Hey! Bakit seryoso ka makatitig saakin?" Tanong ni Vaughn Dumungaw siya sa ginagawa ko Nakangiti na binigay ko sakanya ang sketch pad " Drawing ko yan simula ng magkakilala tayo. Gusto ko iukit ka sa aking Alaala bilang pagtanaw ng utang na loob sa kabutihan na ginawa mo saakin. Kahit pasaway ako at madalas sakit sa Ulo marunong ako magtanaw ng utang na Loob. Pagdating ng pahanon pag okay na ang pamilya ko babalik ako para magpasalamat sayo. Hinding-hindi ka mawawala sa alaala ko Vaughn habang buhay kong tatanawin na utang na loob ang lahat ng kabutihan ginawa mo saakin." Nakangiti na wika ko Hindi siya umimik isa-isa niyang Pinagmamasdan ang drawing ko lahat yon mukha niya. Libangan ko ang pagdrawing. " Gusto mo mag pinta? " Nakangiti na tanong ni Vaughn " May gamit ako sa pagpipinta. Nasa kwarto ko ang ibang gawa ko naka display sa hacienda sa bahay mo hindi mo lang napapansin. " Nakangiti na Tugon ko Napakunot noo siya hindi niya napansin na may mga Naipinta ako. Mahilig din kasi ako mag pinta sa Painting ang isa sa talent ko. 3D ang mga gawa ko minsan umaabot ng Buwan bago ko matapos ang isang painting kaya nga sa Bahay kubo ako madalas tumambay. Bukod sa pagsasanay sa pakikipaglaban magpipinta ako " Akin nalang to." nakangiti na wika ni Vaughn Tumango lang ako humigop ako ng kape na malamig na. " Tara mamasyal tayo maraming activities dito na pwede natin gawin. May bonfire mamaya masaya yon maraming Pagkain at inumin." nakangiti na aya ni Vaughn Maghapon nga kami naging abala nag scuba diving din kami first time ko mag enjoy ng husto. Sumali kami sa Beach volleyball nakakatuwa nalibang ako ng husto. Kinagabihan kahit pagod sa maghapon nandito kami sa Bonfire nakikipag Kilala sa ibang Turista. First time ko maranasan ang night life masaya pala. Nakaramdam ko ang paghawak ni Vaughn sa kamay ko inabot niya saakin ang baso na may laman alak. Nakangisi na tinanggap ko yon nagulat siya ng maubos ng laman. " Martini. " nakangiti na wika ko Sinanay ako ni Chris sa lasa ng alak sinanay niya ako sa iba't-ibang klasing alak. Isa daw sa kailangan ko matutunan ang uminum yon hindi basta-basta nalalasing. Kailangan alam ko din ang amoy ng alak na may drugs o kaya kung anong klasing gamot ang nakalagay. Masama daw kasi ang mundong ginagalawan natin. May mga taong mapagsamantala sa kababaihan kailangan matuto ako sa maraming bagay. Hinila ako ni Vaughn palayo sa mga tao napagpad kami sa tabing dagat naupo ako sa Buhangin nakatanaw sa malayo. " Kailan ka natuto uminum?" tanong ni Vaughn " Kanina lang." Tugon ko Naupo siya sa tabi ko muling nagsalita " Sinungaling! Ang paraan ng pag-inum mo ng alak ay kakaiba. Inamoy mo muna saka mo ininum sinabi mo kung anong klasing alak. " Wika ni Vaughn Oo nga pala ang alam niya sa hacienda at School lang ang daily routine ko. " Alam ko ang bawat amoy at lasa ng alak luxury alcohol hanggang sa Local brand Mga iba't ibang klasing drink's sa Night club's. Beaches. Amoy ng iba't ibang klasi ng Drugs at lahat ng gamot na pinagbabawal. Pinag-aaralan ko yan dahil yan sa Papa ko. Para sa kaligtasan ko sa lahat ng Oras." Paliwanag ko " Tatlong taon na tayo Magkakilala pero hanggang ngayon hindi pa kita Kilala ng lubusan." Wika ni Vaughn " Saya pala ng nightlife kaya pala hanggang ngayon single ka pa mas masaya nga ang ganito walang Nagpipigil sa lahat ng naisin mo." Pag-iiba ko sa usapan " Noong una hindi ka mawala sa isipan ko. Simula ng makilala kita nawalan ako ng gana sa ibang babae. Gabi-gabi laman ka ng panaginip ko. Nagbago ang pagtakbo ng buhay ko sa nakalipas na tatlong taon. Sinusubukan ko ibalin sa iba ang pansin ko. Nagtrabaho ako iba't ibang bansa ang napuntahan ko bago ko natapos ang mission ko ngunit sa panahon na yon Ni Minsan hindi ka mawala sa isipan ko. Kaya naisip ko gusto kita simula ng Unang pagtatagpo natin. " Mahabang wika ni Vaughn Dahan-dahan ako tumayo Hindi ako handa sa mga susunod na mangyayari. Akmang naglalakad na ako hinawakan niya ang kamay ko. Hinila ako paupo napaupo ako sa Lap niya " I think inlove ako sayo. Hindi lang sempling paghanga ang nararamdaman ko. Kasama kana kasi sa pangarap ko nakikita ko ang sarili ko balang araw na kasama ka. Masayang namumuhay may mga anak na naghahabolan sa bakuran ng bahay natin. Gagawin ko ang lahat para maging karapat-dapat sayo. Handa ako maghintay hanggang sa tanggapin mo ang pag-ibig ko. " Malambing na wika ni Vaughn Sobrang lapit ng Mukha niya naaamoy ko ang mabangong hininga niya. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pinipigilan ko ang sarili ko na huwag mahulog sakanya. Marami pa akong gagawin kailangan ko pa iligtas ang Lolo ko sa kamay ng mga kalaban. " Hindi ko alam! Hindi pa ako handa pumasok sa relasyon. Marami pa akong gustong gawin ang pakikipag relasyon ay magiging abala lang saakin. Ibalin mo sa iba ang nararamdaman mo Vaughn. At isa pa wala akong plano mag-asawa gusto ko lang makasama ang lolo at Papa ko. Gusto ko sila alagaan hanggang sa pagtanda nila. Maikl lang ang buhay ng tao gusto ko bawat araw na darating kasama ko ang papa ko. Ayaw ko mawalan ng Nag-iisang magulang! Wala na akong mama Hindi ko na siya maalala Si Papa lang ang meron ako. Patawarin mo ako Vaughn hindi ko matatanggap ang pag-ibig mo." Mahabang paliwanag ko Napahinga ako ng malalim ilang araw na simula ng makauwi kami galing Beach ngunit hanggang ngayon nagsisisi ako sa pagtanggi sa pag-ibig ni Vaughn. Ngunit may mga bagay na dapat Unahin. Dapat kong Unahin ang problema ng sariling kong pamilya kaysa sarili kong kaligayahan. " Pangako Vaughn pagtapos ng lahat ng problema ko babalikan kita. Pagdating ng panahon na yon ako naman ang manliligaw sayo. Sa ngayon buhay ni Lolo at Ni papa ang mahalaga saakin. " Piping sambit ko Napailing ako pinagpatuloy ko ang pag review. Nandito ako sa kubo dito ako natutulog dadaan lang ako sa Malaking bahay pag kakain. Ilang araw na ako dito muli ako napailing sumasakit Ulo ko Hindi ko maintenance ang binabasa ko. Sumasagi sa Isipan ko si Vaughn Iniligpit ko ang mga gamit ko sa school nahiga ako sa Maliit na kama. Pumikit ako biglang tumunog ang cellphone ko sinagot ko ang unknown number na tumatawag " Sabi ni Nanay Amparo ilang araw kana Hindi umuuwi?" Bungad na tanong ni Vaughn sa kabilang linya Agad na kumabog ang dibdib ko muntikan ko pang mabitawan ang cellphone napaupo ako nawala bigla ang antok ko ng marinig ang boses ni Vaughn " Nagrereview kasi ako nalapit na ang Exam namin. " Kalmado na tugon ko Katahimikan ang namagitan pagkatapos ko magsalita " Pasensya na kung nagulo ko ang isipan mo. Kalimutan mo ang pagtatapat ko sayo ng pag-ibig. Ayaw kong umalis ka sa hacienda dahil lang sa Pagtanggi mo saakin. Bibihira naman ako umuwi d'yan may bahay naman ako sa manila may Penthouse din ako. Madalas sa bahay ng mga magulang ko ako umuuwi kaya pinagpatuloy mo lang ang pagtira sa bahay ko. " Mahinahon na wika ni Vaughn " Salamat! Vaughn pasensya kana talaga." Tugon ko " Siguro masasanay na ako. Dalawang beses mo na ako Binastid pero tulad ng sinabi ko maghihintay ako sayo. " Malambing na wika ni Vaughn " Umuwi kana pagkatapos ng mission mo. Mas komportable ako pag nasa bahay ka. Pakiramdam ko sa bahay mo haunted house ang laki tapos walang tao. Kasambahay lang." Tugon ko " Sabi mo yan. Sige Uuwi ako pagtapos ng mission ko maghahanap ako ng nawawalang Bata. " Wika ni Vaughn " Sige! Mag review pa ako Good luck sa Trabaho mo. " Tugon ko Pinatay ko ang Phone " Nasaan kaya si Uncle Ace. Nakauwi na kaya sya galing Italy?" piping sambit ko Nag-iisang Kapatid ng mama ko si Uncle Ace matagal ko na siyang Hindi nakikita Nagtratrabaho siya sa ibang bansa siya ang magpapadala kay Papa ng pera pero matagal na walang contact si Papa kay Uncle. Kinabukasan nagulat ako paglabas ko ng bahay bumungad saakin ang Tatlong Shoun. Napailag ako sunod-sunod ang pag hagis nila ng Dagger napatambling ako ng wala sa Oras tatlong matanda ang kalaban ko. Sinarado ko ang pinto dinampot ko ang limang combat dagger " Natamaan mo ba?" Tanong ni Uncle Ben Binuksan ko ang pinto sabay gulong hinagis ko sakanila ang dagger. Nagulat sila dahilan para madaplisan sila. " I'm Win." Sigaw ko Napatingin sila saakin nakangiti na lumapit " Akala namin hindi ka gaganti kaya naging panatag kami. " nakangiti na wika ni Uncle Brandon " May dala kaming pansit at Burger timpla ka kape dalhin mo dito sa labas maganda mag Almusal dito sa labas presko ang hangin." nakangiti na utos ni Uncle Brayden Sinunod ko ang utos nila lahat sila may Sugat sa braso ginamot ko ang sugat nila si Uncle ben at Brandon sa braso ang sugat si Uncle Brayden sa balikat. Habang kumakain kami ng agahan nakipag kwentohan ako sakanila. " Pwede bang malaman kung bakit nagtatago kayo ng iyong Ama?" tanong ni Uncle Brandon sa seryoso na boses Napatingin ako sa cellphone ko tumatawag si Vaughn napangisi si Uncle Ben dinampot niya ang cellphone ko nakalapag sa table. Huminga ng malalim ngumiti ng nakakaloko " Uhmm! Yesss Baby? Oh God Uhh ugh Yesss." Ungol nito Napatayo ako nanlalaki ang mata ko binatukan ko si Uncle Ben. " Arayyyy." Biglang daing ni Uncle pinatay ang tawag nagtatawanan ang magkakapatid " Hahaha! Nasa Trabaho yon ngayon ngunit mamaya lang nandito nayon." Natatawa na wika ni Uncle Ben Napailing ako naupo ulit ako " Nanginginig sa Selos ang anak ko sigurado." Natatawa na wika ni Uncle Brandon " Hayaan mo maganda nga yan para makita natin siya kung paano magalit. Simula ng Amponin mo si Vaughn hindi ko pa nakitang magalit yan. Hindi rin nakikialam sa problema ng mga Kapatid nya. May sariling Mundo Bibihira nga lang makipag halobilo saatin." Wika ni Uncle Ben " Naku magwawala sa galit yon! Dalawang beses ko nang binasted yon! Kausap ko nga lang papa ko sa Phone paglabas ko ng Kwarto basag na ang mga gamit sa living room." napapailing na wika ko Nagtinginan ang magkakapatid Tumayo sila sabay-sabay na nagsalita " Welcome to our family. " Sabay-sabay na wika nila " Simula ngayon Daddy Brandon na ang itatawag mo saakin." Nakangiti na wika ni Uncle Brandon " Sabi ko binasted ko si Vaughn." Wika ko " Walang kang magagawa! Simula ng sumama ka sa anak ko pauwi ng Hacienda pag-aari kana niya. Sa ayaw at gusto mo mapapangasawa mo sya. Kaya tanggapin mo nalang baka mamalayan mo nalang kasal na kayo ng Hindi mo Nalalaman." Nakangisi na wika ni Uncle Brandon " Ano yon? Pikot?" Tanong ko " May pinirmahan kaba na Papales?" Tanong ni Uncle Ben Napaisip ako " Wala naman." Tugon ko " Sayang." magkakasabay na tugon ng tatlo Kinabahan ako sumilay sa labi ng tatlo ang kakaibang ngiti. " Anong kalokohan ang naiisip nyo?" Kinakabahan na Tanong ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD