Carmelita
*
*
" Tika wala kang karapatan magselos Gago walang tayo! Lakas ng amat mo ah." Nakakunot noo na wika ko
Natigilan si Vaughn Tinanggal niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Naglakad palabas pabalibag na sinarado ang pinto kumalabog yon ng malakas.
" Naku magsisisi ka pag ako napangasawa mo Si papa at Uncle na nakakatikim ng flying kick saakin. Yang pagiging barumbado mo tanggal yan sa Oras na ako ang pinili mo mapangasawa.." Nakangiti na sambit ko
Mabait ako sa Mabait kaso masama talaga ako magalit.
Napangiwi ako ng maalala ang nilagang manok kanina sa bahay ni Papa. Sa labas kasi kami kumain kanina kaya pinatay ko lang ang apoy at saka nagbihis umalis agad kami hapon na kami nakabalik
Agad ko tinawagan si Papa
" Baby Bakit ang putla ng manok mo?" Bungad na tanong ni Papa
" Chris iprito mo yang manok lamasin mo lang ng paminta na pino at Asin Pag nag golden brown na luto na yan! Light brown lang ha baka masunog mo pa yan Magprito ka lang." Mahinahon na wika ko
" Sign gagawin ko na ngayon." Tugon ni Papa sa kabilang linya
" Naku Masarap yon pritong manok pagkatapos ilaga lalamasin lang sa paminta at asin tsaka iprito. Malutong sa labas at malambot sa loob. Hayst okay lang kaya ang luto ni Chris baka mauwi na naman sa Suntokan ang dalawang yon. Parang Aso at pusa ang dalawa nakakainis pagsamahin.
Naupo ako huminga ako ng malalim bibisitahin ko nalang ang dalawa bukas.
Kinalma ko ang sarili ko pilit kong Kinalimutan si Uncle Ace at Papa.
Binuksan ko ang Laptop na regalo ni Vaughn binasa ko ang Email na pinadala ni Papa. nakasaad dito ang Bawat lugar at Kung sino-sino ang mga Tauhan ni Mr Hendrick pinag-aaralan kong mubuti ang bawat impormasyon ng Tauhan kung sino-sino ang sa kanila ang dapat pagbigyan ng pagkakataon magbago at kung sino sakanila ang Dapat nang Iligpit kasama ang buong Angkan.
Madaling araw na ng matapos ko pag-aaralan ang mga impormasyon ng Tauhan ni Mr Hendrick
" Baby! Bakit?" Bungad na tanong ni Chris sa kabilang linya
" Pinadala ko sayo ang Listahan ng inosente na katauhan ni Hendrick. 30% sakanila walang pagpipilian napipilitan sumunod sa kagustohan ni Hendrick Kapalit ng pera. Ngunit kung magbibigyan sila ng pagkamatay magbagong buhay sigurado ako tatalikuran nila ang masama Trabaho nila. Takot sila kay Mr Hendrick labag sa loob ang pagsunod nila sa Utos. Ngunit Sa 100% na Tauhan ni Hendrick 30% ang pwede natin baguhin ang buhay. 70% ang kailangan nang Iligpit kasama ang buong Angkan. Karamihan kasi sakanila ginawa nang Hanap buhay ang pagpatay ng tao mga bayaran mamatay tao Wala patawad bata, Matanda Inosente kahit sanggol pinapatay nila. Kailangan nila mawala sa mundong ito ng tuloyan para hindi na dumami ang katulad nila. " Mahabang paliwanag ko
" Good! Paunti-unti na ako Kikilos.. Babayaran ko ang 30% para lumayo at bigyan ng pangalawang pagkakataon magbagong buhay. Then Unti-unti ko na babawasan ang Tauhan ni Mr Hendrick magpaparamdam na ako sakanila." Tugon ni Chris
" Sige! Mag-ingat ka.". tugon ko
" Goodnight baby Love you Sweet dream's." Malambing na wika ni Chris sakabilang linya
" Love you too Papa. Kumusta pala ang luto mo?" Inaantok na tanong ko
Nahiga ako sa kama pumikit na ako pero nasa kabilang linya parin si Papa
" Ayun Nagalit si Ace hindi daw yon Golden brown Sunog daw yon. Arte-arte sa labas lang naman ang sunog masarap naman ang loob ng Manok." nagtatampo na Paliwanag nito
" Goodnight." Tugon ko sabay patay ng tawag
" Pambihira matalino si Papa nasa sakanya na nga ang lahat. Gwapo Macho, Lalaking lalaki ang dating gentleman. Ano paba malambing at sweet marunong sa gawain bahay maglinis. Groceries, Laba. Oo nga pala sa pagluluto lang talaga siya Palpak." Kausap ko sa sarili ko
Kinabukasan paglabas ko ng Campus natanaw ko si Vaughn nakaparada ang Jeep Wrangler sa harapan ng Gate nakasandal ito nakapamulsa habang Nakakunot ang Noo na nakatitig sa bawat lumalabas
Nagkunwari ako na hindi napansin naglakad ako sinadya ko siya lagpasan. Napatili ako bigla niya ako hawakan sa kamay walang Emosyon ang kanyang mga mata hinila ako papunta sa sasakyan na dala niya
Hindi na ako nagpumiglas sumakay ako sa Tabi ng driver Seat.
Hindi niya ako kinausap basta nagmaniho lang pauwi. Hindi ko rin siya kinausap Hanggang sa makauwi kami sa bahay.
Kinagabihan nakausap ko si Papa sa Phone sinabi niya saakin na pansamantala Mawawalan kami ng contact sa isat-isa, Habang nag-aaral daw ako kikilos siya at babawasan ang bilang ng kalaban. Kailangan ko lang gawin ay ituon ang Atensyon ko sa pag-aaral at pagsasanay sa pakikipaglaban.
Lumipas ang mga buwan wala akong ginawa kundi ang pumasok sa School at magtrabaho sa Hacienda pag walang pasok. Araw-araw parin ako masaya ngunit hindi katulad ng dati Ngayon bawat araw na dumadaan purong kalungkutan ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako sa bawat oras na lumilipas Nag-aalala ako sa kaligtasan ng Papa ko.
Simula ng isilang ako si Papa na ang nag-iisang nag-aalaga saakin kaya naman Sobrang close kami ni Papa hindi talaga kompleto ang araw ko na hindi kakausap si Papa Hindi rin ako makatulog ng maayos nasanay ako sa Goodnight at I love you ni Papa bago ako matulog.
" Happy birthday Litaaaa! Happy birthday, Happy birthday Happy birthday Lita. Make A wish."
Masayang kanta ng mga kasamahan ko sa bahay hawak ni Vaughn ang Cake na may candle na nakasindi. Kararating ko lang galing school nag pa enroll ako second year College na ako dalawang taon na nalang matatapos na ako.
Yumuko ako nagpalakpakan sila pagkatapos ko e blow ang Candle..
Inabot saakin si Vaughn ang isang Sports watch halatang mamahalin.
" Happy birthday." nakangiti na wika ni Vaughn
" Salamat sainyong lahat. " Naiiyak na Sabi ko
Kinuha ni Julie ang dala kong bag
" Ako na ang naglalagay nito sa kwarto mo. Pumunta kana sa Dining masarap ang ihinanda namin. May lechon cebu pa binili ni Sir Gamit ang Chopper. " Nakangiti na wika ni Julie
" Salamat." Nakangiti na wika ko
Hinawakan ni Vaughn ang kamay ko napatingala ako sakanya Hanggang balikat nya lang ako matangkad si Vaughn samantalang maliit lang ako na babae nakuha ko kasi ang High ko kay Mama
Agad na lumakas ang kabog ng dibdib ko. Yumuko siya pasemple na hinalikan ang Ulo ko..
" Can i kiss?" pabulong na tanong niya
Namula ang mukha ko matagal narin simula ng hinalikan niya ako ng nakasakay pa kami non sa kabayo galing kami sa Kubo. Madalas siyang galit saakin mainit ang Ulo lalo na pag nakikipag usap ako sa ibang Trabahodor nagseselos agad Kahit na nga na ilang beses ko pinaliwanag na wala kaming relasyon at Hindi ko siya gusto. Para sakanya Kasintahan na daw nya ako Fiance daw niya ako simula ng Tanggapin ko ang Sing-sing na bigay niya.
" Hey! Don't Try to say No."Bulong ni Vaughn
" Diyos ko Hindi ko makalimutan ang halik niya. Para bang huhubaran ako kung makahalik naglalakbay pa ang kamay. Naku kailangan ko umiwas sa Tukso baka mabuntis ako nito ng wala sa oras. Masarap pa naman siya humalik. Nitong mga nakalipas na buwan ginagawa ko ang lahat para makaiwas sakanya. Hindi ako sumasama sakanya sa tuwing inaaya niya ako mamasyal Alam ko gagawin niya ang lahat para makaisa saakin.
Kumain kami Masaya namin Pinagdiwang ang Birthday ko. Sa gitna ng kasiyahan bigla ako hinila ni Vaughn
" Nanay Aalis kami ni Lita ang gamit niya nasa kotse naba?" Paalam ni Vaughn
" Tika lang bakit ngayon tayo Aalis?" Tanong ko
" Gusto kita dalhin sa bagong Beach Resort na nabili ko. Sa Susunod na linggo ang Opening kaya gusto ko ipakita sayo. May Bahay ako doon tanaw ang dagat at magandang tanawin sa paligid. " Pabulong na Paliwanag ni Vaughn
" Talaga? Wow Congrats Sayo Vaughn sana mag business ka nalang huwag kana magtrabaho dilikado Trabaho mo. Alalahanin mo Walang katumbas na halaga ang buhay ng tao." Nakangiti na wika ko
Hinawakan niya ang kamay ko nakangiti na hinila ako palabas ng bahay binuksan niya ang Pinto sa front seat. Pagkalipas ng Ilan sandali nagmamaniho na siya nakangiti parin siya
" Gusto mo tumigil ako sa Trabaho ko bilang Agent? Ilang taon palang ako sa Trabaho." Wika niya
" Yup! Mayaman kana! Sa Hacienda pa lang malaki na income mo Idagdag pa ang Restaurant mo. Ngayon may Beach Resort ka Hindi mo na kailangan ng Trabaho pagtuonan mo nalang ang Business mo. Ligtas kapa." Seryoso na wika ko
" Merry me! Titigil ako sa Trabaho business nalang ang pagtutuonan ko ng pansin." Wika niya
Natigilan ako seryoso ba talaga siya saakin
Hindi ako nakaimik tahimik lang ako.
" Hayst! Parang pumasok ako sa bilangguan a." Sambit ko
" Yup! Habang buhay kang nakabilanggo saakin. " nakangisi na wika ni Vaughn
" Maikli lang ang buhay anak. Enjoy mo ang bawat sandali ng buhay mo. Kung gusto mo si Vaughn pwede mo naman siya maging Nobyo. Sa pagtatapos mo ng College Hindi natin sigurado kung mabubuhay pa tayo. Si Mr Hendrick Halang ang Kaluluwa niya Pati mga Tauhan niya walang awa kung pumatay. Kaya enjoy mo na ang mga sandaling kasama mo si Vaughn. Huwag kang matakot kung magdalang tao ka blessing yon sa pamilya natin. Sa lahi natin iisa lang ang anak Nagmula pa sa mga ninuno natin si Daddy Nag-iisang anak ako at Ikaw Nag-iisang anak. Sinusubukan ko naman mangbuntis ng ibang babae kaso Hindi ako pinalad Nag-iisa ka lang talaga."
Napahinga ako ng malalim hanggang ngayon iniisip ko parin ang sabi ni Papa
" Kung magkakaroon ako ng anak habang college ako pwede naman ako mag-aral Kahit buntis Sa school na pinapasukan ko may mga kapwa ko mag-aaral na buntis walang bullying na nangyayari. Maganda ang School malawak ang pag unawa ng bawat mag-aaral. Saan ko iiwan ang bata kung mabuntis ako? Kay Vaughn? Kay Uncle Ace?"
" Ano iniisip mo kanina kapa Tahimik panay buntong hininga mo?" Tanong ni Vaughn
Nagulat ako sa biglang pagsasalita nya naputol ang iniisip ko.
Ako kasi ang klase ng tao na pinag-iisipan ang posebling mangyayari sa bawat desisyon na gagawin ko.
" Kape muna tayo." Aya ni Vaughn
Napatingin ako sa labas nasa parking lot kami ng 24/7 Cafe.
" Takeout ka lang hintayin kita dito. Black Coffee saakin." Nakangiti na wika ko
Nagulat ako sa biglang pagdampi ng labi niya sa labi ko.
Nakatulala ako wala sa sarili na hinawakan ko ang labi ko
" Papa Enjoy ko nalang ang Buhay ko. Pwede naman ako maging Wild bata pa ako. Puro nalang pag-aaral ang laman ng isipan ko. Wala nang Trill Boring ang buhay ko. Hmmmm Gaano ba kasarap magkaroon ng Boyfriend? " Nakangisi na kausap ko sa aking sarili
Pagbalik ni Vaughn agad na binigay saakin ang Kape Iisang kape lang hati daw kami para-paraan din tong gagong to
" Vaughn! " tawag ko
" Kung magiging boyfriend ba kita? Paano kung mabuntis mo ako? Sino mag-aalaga ng Baby ko? Hindi ako hihinto sa pag-aaral." Seryoso na tanong ko
" HAHAHA! boyfriend lang naman paano napunta sa Pagbubuntis? Ang Pagbubuntis para lang yon sa mag-asawa. Pag naging Girlfriend kita Ihaharap kita sa Altar ng Birhin. Hmmm hanggang Kiss lang ang gagawin ko sayo." Natatawa na wika ni Vaughn
" Diba pag magkasintahan kasama ang pagtatalik?" Tanong ko
" Hahaha! Saan mo ba nalaman yan?" Tanong ni Vaughn panay tawa parin
" Sa nakikita ko Ikaw may kasintahan ka dati nagtatalik naman kayo. Mga kaklase ko lahat ng kasintahan nila nakakatalik nila Normal daw yon. " Wika ko
" Nakikipag talik ako sa mga babaeng matipuhan ko. Flirting ang tawag don walang romantikong relasyon. Gusto kita at hindi katawan ang habol ko sayo. Gusto kita pakasalan. " Seryoso na Paliwanag ni Vaughn
" Di pakasalan mo na ako Gusto ko kasi agad ng Anak." Biglang Sabi ko
Napaprino si Vaughn ng wala sa oras.
" What? What did you say? Say it Again? " Gulat na tanong ni Vaughn