Vaughn
*
*
" Nakasimangot ako nanginginig sa galit si Kenzo sa kaharapan namin Nakaupo naman ang tatlong matanda sa harapan ko nakatayo si Kenzo pinapagalitan ang tatlong matanda
" Alam nyo naman na pag Sinabi na Percy hindi basta-basta. Kabilang sila sa magagaling makipag laban. Dito sa pilipinas kabilang sila sa pamilya na hindi mo pwede maging kalaban. Hindi sila basta-basta kumikilos pinag-aaralan nila ang bawat kalaban nila. Sa oras na matapos ang Imbistigasyon nila Saka sila kikilos. Kung halang ang kaluluwa natin mas malala sila. Walang makakaligtas ultimo Sanggol papatayin nila sisiguradohin nilang Mawawala ang buong Angkan ng kalaban nila. Tapos kayong tatlo dinala nyo sa Kuta ko ang Isang Percy? Hindi sila mahina huwag kayo papalinlang sa maamong mukha nila. Dahil pag nakalaban mo sila Ubos lahi nyo." Galit na galit na wika ni Kenzo
" Mabait naman si Lita." sabat ko
" Gago ka pala eh. Kaya sya lumapit sayo dahil ligtas siya sa poder mo. Hintayin mo na matapos ang Imbistigasyon nila makikita mo kung gaano kasama ang Palaboy na pinulot mo. Hindi mo ba napansin na walang gustong tumulong sakanila Dahil ayaw nila makialam sa pamilya ng Percy kaunti lang ang bilang ng kanilang Angkan pero kaya nilang mapabagsak ng higanting kalaban. " Galit na bulyaw ni Kenzo
Nag umpisa magbilang ng mga apilyedo si Uncle Ben
" Sila ang Angkan na kabilang sa kinakatakutan. Kaunti lang ang nakakaalam kabilang sa Angkan na yon ang Percy. hmmm kaya pala hinayaan ni Christopher ang kanyang Ama Hindi manlang natakot na mapatay ang nag-iisang Ama. Naintindihan ko na." Wika ni Uncle Ben
" Pero paano nangyari na ang Kinakatukan Angkan nakikitira kung saan-saan?" Tanong ko Hindi ako Naniniwala sa sinabi ni Kenzo
" Alam mo bang 15 years old lang ni Christopher noon ng ubusin niya ang Angkan ng Pumatay sa kanyang Ina. Naging palaboy din siya noon natutulog sa kalsada nanglilimos pa nga. Ngunit pagkatapos niya ubusin ang lahat ng Angkan na kabilang sa pumatay sa kanyang ina bigla siya bumalik sa kanyang ama na parang walang nangyari. Vaughn Hindi lang agent ang magaling mag disguise. Sa pakikipaglaban kailangan mo maging matalino. " Wika ni Kenzo
" Iniisip ko kung ano ang iniingatan ni Mr Percy na Gustong-gusto makuha ni Mr Hendrick? " Tanong ni Daddy
" Baka may kinalaman sa Nakatagong kayamanan may sabi-sabi kasi dati na hawak ni Mr Percy ang mapa sa Nakatagong kayamanan naglalaman ito ng Gold bar at iba't-ibang Sinaunang kagamitan nagkakalahaga ng Million or billions ngunit wala pang nakakapag patunay sa sabi-sabi." Paliwanag ni Uncle Ben
" Tika ang dami nyo alam bakit wala akong alam sa mga yan?" tanong ni Uncle Brayden
" Uncle bilang mafia boss kailangan ko alamin kung sino-sino ang dapat kung Iwasan nakalaban. Hindi ibig sabihin na malakas ako ay wala na akong kinakatakutan. Minsan ang pagiging pabaya maaari ikamatay natin. Kaya kung wala naman kasalanan sayo ang tao huwag mo sila hahamakin. " Paliwanag ni Kenzo
Napatahimik kami narinig namin ang pagbukas ng pinto sa kwarto ni Lita.
" Good Christopher! Lintik ka bakit hindi ka nag goodnight saakin kagabi. Hindi ka ang I love you nanbabae ka naman Ano?" Galit na wika nito sa kausap sa Cellphone
" Good morning Everyone! Hey Kanino ka anak? Mas gwapo ka kaysa Kay Vaughn." Magiliw na wika ni Lita habang bumababa sa hagdan
" Tahimik! Galit ako sayo Chris. Pag nanbabae ka nakakalimutan mong may anak ka. " bulyaw nito sa kausap sa Cellphone
Napangiwi ako binatukan ako ni Kenzo
" Nakita mo kung paano magbago ang Ugali niya sa isang iglap? Nagagalit tapos biglang ang bait. May saltik na nga lahi natin pumulot kapa ng may saltik. Hindi ka manlang pumili ng pangkaraniwan babae. " Pabulong na paninirmon ni Kenzo
Pigil na tawa ang pinakawalan ng tatlong matanda
" Hi I am Carmelita Percy." Pakilala ni Lita kay Kenzo
" Kenzo Pinsan ako ni Kuya Vaughn anak ni Ben. Kinagagalak kitang makilala Lita." Nakangiti na wika ni Kenzo nakipagkamay sila sa isat-isa
" Nag Almusal naba kayo? Ipaghahanda ko kayo ng Almusal. Maganda kumain sa Veranda Doon ko dadalhin ang Pagkain nyo." nakangiti na wika ni Lita
" Arayyyy." Daing ko binatukan ako ni Lita
" Ngayon mo ilabas ang Tapang mo gago ka! Akala mo ba tulog ako kagabi? Ninakawan mo na naman ako ng Halik. " Mataray na wika ni Lita
Napakamot ako sa batok namula ang pisngi ko nagtawan naman sila. Umirap si Lita naglakad papunta sa Kusina
" Good morning Homer sama ka saakin mamaya pagtapos Kumain. " Magiliw na wika ni Lita
" Saan mo na naman ako dadalhin? Ng nakaraan na sumama ako sayo hinababol tayo ng tatlong malalaking Aso. Tumigil ka Lita hindi ako sasama sayo." Pagalit na Tugon ni Homer
" Bibili tayo ng bagong damit mo. Tapos papagupit ka din tapos bibili tayo ng Bulaklak at Chocolate Aakyat tayo ng Ligaw sa dalaga diyan sa bungad ng baryo. Kaunting Makeover lang kikiligin sayo si Tika ano bang pangalan non? Mering mikay. Basta yon na yon! Dapat magmadali ka sa paghahanap ng mapapangasawa 30 kana pagdating mo ng 40 plus kinder pa lang anak mo. Aba kilos-kilos din Hindi yong puro kabayo ang inaatupag mo. Mukhang kana tuloy Kabayo.'"mahabang Daldal ni Lita
" WAAAAAAH nagsasabi lang ako ng Totoo Homer. Sorry na masakit yan." Sigaw ni Lita sa kusina
Tahimik lang kami nakikinig sa nangyayari
Nasipat namin si Lita tumatakbo papunta labas hinahabol ni Homer ng Walis tambo galit na galit si Homer
" Lintik ka ng nakaraan hinababol tayo ng Aso kinagat ako sa Pwet tapos ng nakaraan buwan inaya ko ako mag club tapos nagising ako nakahubad katabi ang babaeng may Edad na. Huwag kang lalapit saakin Lita malilintikan ka." Galit na galit na wika ni Homer
Napasilip kami sa bintana
" Ang aga-aga Homer, Lita araw-araw nalang kayo ganyan. Nakahanda na ang Pagkain Kumain muna kayo ng Almusal." pasigaw na wika ni Nanay Amparo
" Nakakatuwa naman pala si Lita. Nakapa pasaway naalala ko tuloy sakanya si Mommy." nakangiti na wika ni Kenzo
" Tara na Almusal tayo tapos uuwi na tayo namiss ko bigla si Laura." Nakangiti na wika ni Uncle Ben
Pagkatapos namin mag Almusal nag paalam na sila Daddy nakangiti na nagpaalam si Lita sakanila
" Vaughn bahala ka sa buhay mo. Paalala ko lang huwag mong paglalaruan ang puso ng dalaga na yan! Nag-iisang anak yan at Nag-iisang Apo sa Angkan ng Percy. " pabulong na pag-aalala ni Kenzo saakin
" Homer saan ka pupunta? Huwag mo ako takasan ayaw mo ba talaga mabago ang itchura mo? Kamukha mo na yang mga kabayo. Bilisan mo maligo at magbihis ka, Mag shopping tayo libre ko." Pasigaw na wika ni Lita
Napahinga ako ng malalim ang ibang dalaga mahinhin kumilos pero si Lita maangas magsalita pati kilos. Para bang Gangster kung umasta.
Nakatayo lang ako sa Balcony ng Kwarto ko Pinagmamasdan ang mga nangyayari sa paligid. Pagkalipas ng ilang sandali nasipat ko si Homer nakapamulsa habang naglalakad kasama si Lita.
" Gago huwag kana magkotse maglakad nalang tayo malapit lang naman ang baryo 20 to 30 minutes na lakaran." maaagas na Wika ni Lita
Hinila sa braso si Homer napatayo ako ng tuwid huminto sa paglalakad so Lita tumingala saakin
" Vaughn aalis lang kami. Babalik kami mamayang hapon. " pasigaw na paalam ni Lita tinaas ko lang ang kamay ko
*
*
Carmelita
*
*
" Gago ako lang ang mamimili? saan ka pupunta?" Naiinis na tanong ni Homer
" Hi." Mahinhin na bati ng dalagang may lihim na pagtingin kay Homer
Natigilan si Homer napatingin saakin habang Nakakunot ang Noo.
" May crush si Kate sayo. Tatawagan nalang kita mamayang gabi pag pauwi na ako para sabay tayo. " Pabulong na wika ko
" Ano ang gagawin ko?" Pabulong na tanong ni Homer
" Manood kayo ng sine. Ipag shopping mo. Pakainin mo sa restaurant at ipasyal mo. Bigyan mo ng Bulaklak sigurado mapapasagot mo yan. Pag-asa mo nang mapapangasawa kaya galingan mo." Pabulong na Tugon ko
Pagkalipas ng Ilan sandali pakanta-kanta na ako habang naglalakad papasok sa bakuran ng bahay ni Chris
" Chris! Yahoo Morning." Masaya na sigaw ko
Biglang bumukas ang pinto napatigil ako sa paglalakad bumungad sa paningin ko ang matangkad na lalaki kulot na blonde ang buhok. Malaki ang pangangatawan naka half naked.
" Darling!." Sigaw nito
" Uncle! Uncle! Ikaw nga Uncle. " Hindi makapaniwala na tugon ko
Tumakbo ako palapit sa lalaki niyakap niya ako pinulupot ko ang magkabilang binti ko sa bewang ni Uncle nagpaikot-ikot siya habang tumatawa
" We haven't seen each other for four years. You're beautiful Darling. Don't worry, the next time I won't leave I'll stay here in the Philippines. I'll quit my job and stay here. I want to marry a Filipina." Magiliw na wika ni Uncle Ace
Ibinaba ako ni Uncle binatukan siya si Daddy
" Grabe ka makabuhat sa anak ko. Dalaga na yan hindi na bata. " Paninirmon ni Papa kay Uncle Ace
Kapatid si Uncle Ace ni Mama
" She's still my little baby." Tugon ni Uncle
Inakbayan ako at hinalikan sa pisngi sinuntok ni Chris si Uncle nagpambuno silang dalawa. Ganito sila pagmagkasama palagi nag-aaway Magkaibigan din kasi ang dalawa Hindi matanggap ni Uncle na naanakan ni Papa ang nag-iisang Kapatid niya Kaya mainit. ang dugo nila sa isat-isa. Pero mamaya lang nagtatawanan na yan.
Naglakad ako papasok sa bahay nagtungo ako sa Kusina wala pang sinaing kahit na mainit na tubig wala. Nagsalang ako ng bigas sa Rice Cooker pagkatapos naglabas ako ng Buong manok sa Ref. Naglagay ako ng Isin Tanglad at paminta sa malaking kaldero nilagay ko ang buong manok. Habang nilalaga ako ang manok naghiwa ako ng Hanging na saba at kamoteng baging prinito ko ang mga ito Pagkatapos ko magprito nagtimpla ako ng tatlong tasa ng kape Nilagay ko lahat sa Tray bitbit ang tray naglakad ako palabas ng bahay nilagay ko sa table sa veranda ang tray nagpapambuno parin ang dalawa.
Huminga ako ng malalim naglakad ako palapit sa dalawa
" Titigil na kami." Magkasabay na wika ng dalawa
Tumalon ako sabay ikot sa iri pagbagsak ng binti ko tumama ito sa mukha ni Papa sininod ko si Uncle bumagsak silang dalawa namimilipit sa sakit
" Kulang pa? Mag-almusal tayo o babalian ko kayo ng binti?" Walang Emosyon tanong ko
" Baby! Kakain na nagugutom na nga ako. Nagbibiroan lang naman kami ng Uncle mo." Paliwanag ni Papa
" Darling tama ang Papa mo nagbibiroan lang kami. " Sabat ni Uncle Ace
Sinamaan ko sila ng tingin. Mahirap talaga sila kasama malingat lang ako nag-aaway na nakakainis sila kasama pero nasanay na ako. Alam ko saakin lang din umiikot ang mundo nila Nag-iisang anak ako at Nag-iisang Apo kaya ganon nalang sila kung magprotikta saakin.
Maghapon ako nakipag kwentohan sa Uncle at Papa ko Kumain din kami sa labas.
Gabi na ng makauwi kami ni Homer
" What? Seryoso ka? May namagitan agad sainyo? Asawahin mo na agad." hindi makapaniwala na tanong ko habang naglalakad kami papasok ng bahay
" Nakainum kami. Hindi ko nakontrol sarili ko namalayan ko nalang napatong na ako nakapasok na ang Manoy ko. Nataunan ako sa iyak niya masakit daw." Napapakamot sa ulo na Paliwanag ni Homer
Magsasalita pa sana ako pero hinila ako ni Vaughn papasok sa kwarto niya
" Bakit amoy lalaki ka? Hindi yan amoy ni Homer Luxury perfume ang naaamoy ko." Nagpipigil sa galit na tanong ni Vaughn
" Amoy lalaki ako? Kanino kaya pabango ang kumapit sa damit ko? Kay Chris kaya o kay Ace? Baka kay Ace yakap ng yakap yon saakin. Pati sa pagkain sinusubuan pa ako." Wala sa sarili na sambit ko
" Sino si Ace?" Galit na tanong ni Vaughn
Napangiti ako ng nakakaloko nagseselos si Vaughn
" Si Ace kaibigan siya ni Papa binata at galing sa Ibang bansa. " Paliwanag ko
Nagulat ako ng suntukin ni Vaughn ang pader sa likod ko