SIMULA:
"Kateey, I'm begging you. Please don't leave me. I love you so much."
Alam ko, hindi dapat ginagawa ng isang lalaki ang pagluhod sa harap ng babae at pagmamakaawa na 'wag iwanan dahil nakakabawas iyon ng self esteem. But I'm desperate now. I don't wanna lose Kate. God knows how much I love her. And I'm willing to do anything for her.
Anything.
Even eating my own f*****g pride.
Dahil nakaluhod ako ay kinailangan ko pang tumingala para lang makita ang maamong mukha ng babaeng minamahal ko. Her eyes were emotionless. She was looking straight to me like she was looking on someone who means nothing to her.
And damn it hurts! Pakiramdam ko ay unti-unti niyang pinupunit ang dibdib ko at dinunudurog ang puso ko.
Makailang ulit umiling si Kate, pagkatapos ay malakas niyang tinabig ang kamay ko na nakahawak sa braso niya.
"Winsley, you don't have to do this. This won't change anything. At kahit ano pa ang gawin mo, hindi na magbabago ang pasya ko. I don't love you anymore. So please, pabayaan mo na akong umalis." Sigaw niya sa akin.
Sa narinig ko ay napayuko ako. Sobrang bigat sa dibdib ng mga katagang binitiwan niya.
I don't love you anymore.
That word coming from her precious mouth. It was like a knife, slowly stabbing my whole body. Specially my f*****g heart.
Nagsimula ng lumakad si Kate, palayo sa akin. Mabilis akong tumayo at muli siyang hinabol. Sa bilis ng takbo ko ay nagawa kong harangan ang pintuan na lalabasan niya. Muli ay tumitig ako sa mga mata niya. Umaasang mali lahat ng narinig ko. Lahat ng sinabi niya tungkol sa aming dalawa.
But her eyes were still the same.
"Kateey," muling tawag ko sa pangalan niya. Ngayon ay sobrang hina na ng boses na pinakawalan ko. Sobrang hina, dahil narin siguro hinang-hina na ako. "Please. Gave me a chance. Maayos pa natin 'to. If you need more of my time, I will gave you more. Ok. Just. Just. Just don't go. I f*****g need you baby."
"NO!" matigas na sagot niya. Marahas niya akong tinabig at nilampasan.
Ilang segundo lang ay nagawa niya nang tuluyang makalabas sa condo namin. Dire-diretso siyang naglakad patungo sa elevator. Habang ako naman ay tila napako nalang sa kinatatayuan ko. Gustuhin ko man na muli siyang habulin ay hindi ko na magawa dahil tila may pumako sa mga paa ko sa sahig.
Bakit parang biglang naging matigas ang puso niya? Bakit bigla na lang nawala ang pagmamahal niya para sa akin? O minahal ba talaga niya ako?
I mean, after all this time ay totoo ba ang sinasabi ni daddy tungkol sa kaniya? Na paglalaruan niya lang ako at gagamitin.
But I'm willing to.
Handa naman akong magpagamit sa kaniya ah. Pero bakit?
Bakit kailangan niya parin akong iwanan?
---×××---
Woooop! This is the second story under BLACK EMPIRE SERIES
Ito po ay kwento ng buhay pag-ibig ni Winsley Quinn.
Ire-revise ko lang po. Sa mga nakabasa na nito noon, asahan ninyo na marami na ang magiging pagbabago nito. ☺️ Pwede ninyo ulit basahin. Just be patient. Ok?
I love you all.
Huwag ninyo sanang kalimutan na i-follow ako ha. Para mas marami pa tayong pagsaluhan na kwento.
Thank you!