Madilim na ng umalis sila sa garden na pinuntahan nila. Dahil may restaurant na roon, ay doon na sila kumain ng hapunan. Habang nagda-drive si Winsley ay panay ang tingin nito sa kaniya habang nangingiti. Para itong sira. "Ano?" asik niya dito. Nagkibit-balikat lang ito. Patulog lang ito sa pagtingin sa dinadaanan nila. Pero sa tantiya niya ay may pumapasok na namang kapilyuhan sa isip nito. Hindi nalang niya ito pinansin. Bumaling nalang siya ng tingin sa labas at pinagmasdan ang mga bahay na nadadaanan nila. Medyo malayo pa sila sa siyudad kaya puro bahay lang ang nakikita niya. Wala man lang malaking gusali na pang komersiyal kaya parang na bo-bored siya. "Iyon, may karatula ng hotel doon. Doon nalang tayo magpalipas ng gabi." Turo niya sa nakita niya. Sinundan naman ni Winsley ang

