"Saan ba tayo pupunta at kailangan ko pang mag-impake ng mga damit ha? Tsaka si Khurt? Hindi ko kayang iwanan ang anak ko Ollie. Ngayon pa nga lang ito gumagaling e." "Ano ka ba, three days lang naman tayong mawawala. Kayang-kaya na ni nanay Madel iyon. Isa pa ay may private nurse naman si Khurt kaya hindi mo na siya dapat pang alalahanin ng sobra. Tsaka sabi mo nga rin ay gumagaling na ito kaya naman ano pa ba ang inaalala mo? Bigyan mo naman ng time ang sarili mo. Tingnan mo oh, losyang na losyang ka na. Tsk. Ano bang klaseng suot iyan. Halika nga dito." Sinimulan siyang hilahin ng kaibigan papunta sa kwarto nito at inaabot sa kaniya ang isang paper bag. Alinlangan pa niya iyong tinanggap. Pagbukas niya noon ay isang simpleng t-shirt lang naman ang laman noon na sa tantiya ay parang m

