bc

Embrace of Time

book_age16+
3
FOLLOW
1K
READ
goodgirl
student
tragedy
twisted
ambitious
female lead
male lead
highschool
small town
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Do you believe in childhood love? Margel does, but maybe, no. Many believe it's just puppy love. 

Once upon a time, Margel met someone in her childhood, named Cades. After spending a lot of days with each other, Cades left to go back to the country where he belongs. Margel was left alone and continued her life, hoping for his comeback. What would you do if a lot of years passed and the one you loved in your childhood is still not coming back? Would you still believe that it's real love? Or maybe, not? 

When Margel is starting to forget the memories they had, he shows up. The love that started in their childhood continues. Not until Cades has to go back to his country again. Everything was okay, and Margel was already content in her life not until it happened again. 

Are you ready to wait for the man you love? 

As they both continued their lives separately, in different countries, Margel's life became painful without Cades knowing. When he comes back again, the old Margel he met is gone as Margel was filled with pain. 

As their story continues, they will realize that time matters as it becomes the conflict in their love. 

There's a right time for everything. The question is, is there really a right time for Cades and Margel? 

clarixass

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue "Celencio, Maria Angel Rivera, Valedictorian!" Napakaraming mga iba't ibang kamay ang pumalakpak nang tawagin ang aking pangalan. Patuloy sa pagsasabi ng mga awards at achievements ko sa paaralan ang isang teacher habang naglalakad kami nila Mama at Papa paakyat sa stage. I'm finally done in Senior High school, at kolehiyo naman ang gagawin kong pakikipaglaban sa susunod na taon. Hindi pa ako nakakatapos ng Senior High ay marami na ang eskwelahan na nagbigay ng offer sa akin. Marami rin scholarships ang dumarating. "Congratulations, Margel! I'm so proud of you," pahayag ni Ma'am Rosales, ang adviser ko. Malapad akong ngumiti sa kanya at mahinang tumawa nang makita ko ang pagiging emosyonal niya. Ma'am Rosales is a great teacher. Isa siya sa pinakamagaling na teachers sa school na ito at simula dati na kahit hindi ko pa siya adviser ay ginagabayan niya ako. She's my second mother here. At masasabi ko naman na nagkaroon ako ng mga pangalawang magulang sa paaralan na ito. "Thank you, Ma'am! You're part of this success," ani ko. "Napaka swerte po ninyo sa anak niyo," pahayag niya kila Mama at Papa sa aking tabi na suot ang abot tainga nilang mga ngiti sa kanilang mga labi. "We're very proud to hear that," pahayag ni Mama. "1,2,3…" Sabay sabay kaming ngumiti sa camera pagkatapos iabot sa akin ni Ma'am Rosales ang diploma at ang mga medalya na isinabit isa isa sa akin nila Papa. Tumatawa pa kami habang nasa stage sa dami ng mga medalya at halinhinan sila ni Papa sa pagsasabit ng mga iyon. "THAT'S MY GIRL!" Malakas na tumawa ang mga kapwa kong mag-aaral nang sumigaw ng malakas si Cades at patuloy ang pagpalakpak. Kasama niya sila Tita at Tito na mga magulang nila Audrey at Adrianna na mga pinsan ko rin dahil sa nasa Canada ang mga magulang niya. "BEST FRIEND KO 'YAN!" Hindi nagpatalo na sigaw ni Gale at malakas na pumalakpak. Mas lalo pang nagtawanan ang mga estudyante at pati ang mga magulang at mga guro ay natatawa na lang sa kanila. "PINSAN KO 'YAN!" Sunod na sigaw ni Audrey. Ngumiwi ako at at napailing sa ginagawa nila. Minsan talaga ay may pagka isip bata sila at walang pakialam sa kanilang ginagawa. "Pagpasensyahan niyo na po," ani ko sa mga teachers na tumatawa lang. "You have a lot of supporters," ani Ma'am Rosales at humagikhik. "Let us hear some words from this school year's valedictorian!" Nag palakpakan ang lahat bago ko kunin ang mic. Sandali akong tumahimik at pinagmasdan silang lahat. All of them are wearing their happiest smiles on their lips. "Good afternoon to my fellow students, to my beloved teachers, to one of the best principals, and of course to all of the parents who are here," sandali akong ngumiti at pinagmasdan silang lahat. Nagagalak ako ngayon lalo pa at lahat kami ay makakausad na at walang maiiwan, "I can see the smiles of students who cried in their subjects, " pahayag ko at binalot ang buong gym ng mahinang tawa ng mga estudyante, "First of all, to make this short, I want to thank God because I cannot make it right here without His guidance. I also want to thank my parents because to be a valedictorian is one of our dreams and for supporting me in everything," nag-init ang gilid ng aking mga mata at sandaling pinahid ang gilid ng aking mga mata, "Of course, I will never forget to thank all the teachers here and the principal who thought us a lot of things and became our second parents and lastly, I want to thank all the students, especially my beloved Student Councils who supported and help me achieve what I want in this school," Malungkot at masaya. Dahil aalis na ako sa paaralan na ito, at pupunta sa panibagong paaralan. "In this school, I met my first love again when I was a child," mabilis na inasar ng lahat si Cades na hindi mawala ang ngiti sa labi at nahihiya pang nagtakip ng mukha, "In this school, I met my best friend who always nagged me for being busy," malakas na tumawa ang mga estudyante habang si Gale ay nagkakamot lang ng kanyang ulo, "I have learned and grow in this school and I have spent a lot of happy memories here that I couldn't even picture to leave," natahimik ang lahat at naramdaman ang lungkot ng pagpapaalam naming lahat na ga-graduate at hindi lang ako, "To my fellow students, I want to tell you not to fear failure, because failure is part of the process of success, " iyon ang palagi kong sinasabi sa aking sarili simula umpisa. "Now that we are going to leave this school and proceed to the different paths of our lives, good luck! I can't wait to see us, wearing the uniforms of the job we dreamed of, padayon mahal kong kapwa mag-aaral!" The whole crowd cheered each other as I said that, "Again, I am Maria Angel Celencio, your valedictorian!" Napuno ng palakpakan ang buong gym at ng iba't ibang ngiti mul sa bawat labi ng bawat isa. Masaya akong bumaba ng stage at agad na sinalubong nila Mama at Papa. "We're so proud of you, Margel!" Ani Mama habang nagiging emosyonal na. "Thank you po," ani ko at niyakap siya at ganoon din naman kay Papa. "Margel!" Mabilis na tumakbo sa akin si Gale at niyakap agad ako, "I'm so proud of you!" Aniya at umiiyak pa na akala mo ay magulang ko. Mahina akong tumawa sa itsura nito at pinahid ang luha sa kanyang mga mata. "Stop crying, nakatingin ang crush mo," ani ko at itinuro ang matagal na niyang crush na nakatingin naman talaga sa kanya. Nawala ang pagiging emosyonal niya at tila ba ay nagningning ang mga mata at nag-init ang pisngi. "Am I pretty?" Aniya at inayos pa ang buhok. "Very beautiful," ani ko at kinindatan siya. "Congrats, Margel!" Ani Audrey at niyakap ako. "Congrats sa atin!" I happily said while hugging each other. "Congrats ate Margel, " bati ni Adrianna sa akin. "Thank you, Adrianna!" Ani ko at hinalikan siya sa kanyang pisngi. Agad na umikot ang mga mata niya at pinunasan pa ang pisngi niya. Napailing na lang ako at mahinang tumawa. "Let's go to our house, doon na natin i-celebrate ang pag graduate ng mga bata," pahayag ni Mama kay Tita at Tito, na mga magulang nila Audrey at Adrianna. "Hello po," mas lumawak ang malapad na ngiti sa aking mga labi ng sumulpot si Cades at nagmano kay Mama at Papa. "Oh, eto na pala ang son-in-law ko!" Malakas silang tumawa kay Papa. "Tito naman, pinapakilig niyo ako," biro ni Cades kaya agad ko siyang hinampas sa kanyang braso. "Oh, ano? Tara na sa bahay? Si Gale ba?" tanong ni Mama at hinanap si Gale. Ngumiwi ako nang makita ko na magkausap na sila ng crush niya. "Ang sabi niya sa akin kanina hindi siya makakasama kasi may celebration din daw po sa bahay nila," pahayag ni Audrey. "Sayang naman," ani Tita. "Let's go, at gutom na ako!" Ani Tito at humawak sa kanyang tiyan. Masaya kaming umalis ng school at sa bahay ay nag-ihaw sandali sila Mama at Tita. May mga nakahain na rin naman sa lamesa at wala pa man din ay sumasabak na kaming magpipinsan sa mga pagkain. "Ano? Saang school ka kukuha ng BS Psychology?" Tanong ni Audrey habang pinapapak ang inihaw na kaluluto lang. "Baka diyan lang naman sa Cabanatuan, sa AU? Mas gusto ko doon," ani ko. "Bakit hindi sa Wesleyan?" Cades asked. "I don't know, parang mas gusto ko sa AU, e." Doon din kasi nagtapos sila Mama at Papa kaya siguro doon ko gusto. "Doon na rin ako," ani Audrey. "As if naman na papayagan ka nila Mommy ng hindi kasama si ate Margel," ani Adrianna na nagbabasa lang ng libro. Umikot ang mga mata ni Audrey sa kapatid. "Shut up," maldita niyang saad. "How about you, Cades?" I asked. Dahil ang sabi niya noon ay wala pa siyang planong pasukan na school. Nawala ang ngiti sa kanyang labi. Kunot noo ko siyang tiningnan nang natigilan siya. "K-Kuha lang ako ng juice, halika muna!" Biglang saad ni Audrey at hinila si Adrianna paalis. "Can we talk?" Aniya. Mahina akong tumawa, "We're talking right now?" Biro ko sa kanya. Ngunit nahinto ako nang hindi siya tumawa. I feel like he's hiding something. "What is it?" Seryoso kong tanong. Sa mga mata pa lang niya ay alam ko ng may gusto siyang sabihin na hindi ko pa alam. Hinawakan nito ang aking kamay at tiningnan ako ng diretso. "I'm going back to Canada," tuluyan naglaho ang konti pang ngiti sa aking labi nang sabihin niya iyon. Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko at lahat ng saya ay nawala. Pumungay ang mga mata nitong kulay tsokolate at yumuko, "I lied, I lied when I told you that I will not come back there anymore," nag-init ang gilid ng aking mga mata at umiwas ng tingin sa kanya. Hindi ko alam ang dapat kong gawin at sabihin. Parang piniga ang aking dibdib sa kirot na nararamdaman ko. "Bakit hindi mo sinabi agad?" Tanong ko at kinakalma ang aking sarili. Mahigpit ang hawak niya sa aking kamay at naramdaman ko ang pagpatak ng tubig mula sa kanyang mga mata. "Natakot ako, because I can't even look at you sad and destroying the happiness we built again, hindi ko kaya, Margel." Binawi ko ang aking kamay sa kanya at napa hilamos sa aking mukha. Pilit kong pinapahid ang mga luha na patuloy sa pagbagsak kahit na ano pa ang pag pigil na gawin ko. "Am I going to wait again, Cades?" "I'm sorry, Ma--" "I'm going to wait again and then you will not contact me again, pagkatapos ay aakalain mo na ayos pa ako?" Umiling-iling siya sa akin, "How about us?" Pumiyok ang aking boses at wala na akong pakialam pa sa mga luha na walang tigil sa pagbagsak. Natatakot ako. Natatakot ako na sa pangalawang pag-alis niyang muli ay hindi na ulit kami maging maayos. It's risky, and I don't know if I can take the risk. "I promise to contact you, don't wo--" "Let's see, Cades," tumayo ako at pinahid ang aking mga matang basa ng luha, "Let's see if you will do that or not," When he left, he broke his promise just like I expected. He left, and never contacted me. clarixass

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.6K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.0K
bc

ISAGAD MO, OH ISMAEL (SSPG)

read
5.7K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook