Chapter 2

2090 Words
Chapter 2 How did you become friends? "Heto na po, Teacher Olive," ani ko at inilapag sa kanyang lamesa ang mga test papers ng section namin. Kakayari lang namin mag test sa subject niyang POLGOV. Pagkatapos ng klase niya ay lunch break na rin namin pagkatapos ay vacant ulit dahil sa seminar nga. A while ago, we just ate outside. Pero ngayon ay ramdam ko na ulit ang gutom. "Salamat, Margel!" Masaya niyang tugon at ipinatong ang test papers namin sa mga ilang libro niyang dala, "Siya nga pala, paki gabayan niyo mabuti ang mga bago, halos lahat sila ay mga nerds alam niyo na, mabenta sa bullying dito 'yan sa school," pahayag niya sa akin. "We're on it, Ma'am," nakangiti kong sagot bago siya lumabas ng aming classroom. Ang list na binigay sa akin ni Mia ay list ng mga late transferees. Kabilang na si Hezekiah na matagal ng crush ni Gale at kapatid ni Drake. Mas lalong umingay sa school ang balita na dito na rin nag-aaral ang kapatid ni Drake. "What are you doing there, Ms. Salvarez?" Ngumiwi ako nang makita ko si Gale sa labas ng classroom ng section 2, kung saan din naroon si Hezekiah. Sabi na nga ba at hindi siya mapapakali, lalo pa at katabi lang namin ang room nila Hezekiah. "Nagpapahangin lang po, mainit po, eh. " Umakto itong pinaypaypay ang kanyang mga palad at kunwari ay talagang naiinitan. Mariin akong pumikit at agad siyang pinanlakihan ng mga mata. Tinaasan lang niya ako ng kilay habang kaharap si Teacher Olive. "Aircon ang classrooms, Gale," bumuga ng hangin si Teacher Olive at hinayaan na lang si Gale at hindi na lang pinansin ang palusot niya na hindi naman kapani-paniwala. Kinagat niya ang ibaba niyang labi nang ma-realized din niya na mali ang kanyang naging palusot. "I told you not to come out yet," ani ko sa kanya nang makalapit ako. Ngumuso siya at nagkamot ng ulo. "I can't, Margel!" Aniya at nagtatalon pa, "Hindi ko kayang hindi makita si Hezekiah," niyakap nito ang aking braso at itinuro si Hezekiah sa may bintana. Nakapikit ito habang ang ulo ay nakasandal lang naman sa may bintana. He's sleeping peacefully habang itong si Gale ay binubulabog siya. "Sino ba ang may sabi na hindi mo makikita? Alam mo naman na bawal lumabas hangga't may teacher sa loob," pagbubunganga ko. "I got bored, nayari na yung k-drama kong pinapanood, kaya hinanap ko na lang yung oppa ko," aniya at matinis na tumili at isang hampas na naman ang iginawad sa aking braso. Mariin akong pumikit. I saw her test paper earlier, at halos lahat ng sagot niya ay mali. Did I mention? Gale is addicted to k-drama, pati sa k-pop. Sa totoo lang ay halos sa buong Korea ay gusto niya. Now, she's thinking of Hezekiah as her own kind of oppa. "You screwed in our exam," ani ko at umiling. "Yeah, I haven't sleep yet," sumakit yata ang ulo ko sa kanya. Sigurado ako na nagpuyat na naman siya sa panonood ng korean drama sa halip na mag review. "Let's go each lunch," pahayag ni Brent na lumabas din ng classroom, dala ang kanyang bag. Inabot nito sa akin ang bag ko na kinuha na niya sa loob. "Tara, I'm craving sinigang!" Pahayag ko at hinawakan ang aking tiyan. "Bye," bulong ni Gale nang madaanan namin si Hezekiah na tulog pa rin sa gilid. Hindi naman ako na-inform na antukin ang kapatid ni Drake. "Is he always sleeping?" Brent asked, pagkatapos ay umiling. Dahil maingay sa classroom nila dahil sa mga kaklase niya na kumakain na sa loob, at ang iba ay nagtatawanan habang papalabas. "Yeah," ani Gale habang mga mata ay kulang na lang ay maging mga puso. She looks really in love with Hezekiah. "Kabaligtaran kay Drake," natatawa kong saad. Mukha rin kasing tahimik si Hezekiah habang si Drake ay talagang napakadaldal. "Give me your lunch!" Agad akong nahinto nang marinig ko iyon sa gilid nang school habang palabas kami. Kunot noo kong tiningnan ang grupo ng apat na lalaki at may dalawang babae. Tago ang parte na iyon ng school dahil sa gilid pa ito at may malaking puno doon na mula grade 7 kami ay naroon na. May isa rin na bench doon, at minsan ay nag lunch na kami doon nila Brent at Gale. "Hey!" Sigaw ko at mabilis silang pinuntahan. Nanlaki pa ang mga mata nila at itinapon ang mga sigarilyo at ang mga bote ng alak na hindi nakatakas sa aking mga mata mula sa bag ng lalaki. Nakayuko ang babae na may salamin at bakas sa kanya ang takot. "Kakain na lang kami ngayon pa sila gumawa ng kalokohan," reklamo ni Brent. "Argh, bakit ba mga student councils ang mga kaibigan ko?" Reklamo ni Gale. "It's not allowed here," ani ko at kinuha ang isang kahon ng sigarilyo sa kamay ng lalaki na nakatago pa sa kanyang likuran. Matalas ang aking mga mata sa kanila kahit na ayaw pa niya bitawan ang kahon ay pilit ko iyon hinila at ibinigay kay Brent. Kinuha ko rin ang cellphone ko at walang paalam silang kinuhanan. "Ano ba?!" Sigaw ng babae at matalim akong tiningnan. Hindi ako nasisindak ng matalim na titig. Ilang estudyante na ba ang tumitig sa akin ng ganyan? Ngumisi ako at umiling saka ko hinarap sa kanila ang picture. "Come here," hinila ko ang babaeng nakasalamin. Probably, she's a nerd and another victim of bullying again. Kinuha ko rin ang bag niya sa babae at ibinalik ito sa kanya. Agad na hinila ni Gale ang babae sa kanyang tabi. "Open your bag," utos ko sa lalaki kung saan niya tinago ang mga alak. Hindi siya natinag at hindi ako sinunod. "She said, open your bag," matigas na utos ni Brent sa aking tabi. Nang hindi pa rin siya kumilos ay agad kong hinila ang bag niya at binuksan iyon. Mahina akong tumawa nang naroon nga ang mga alak. Mabilis na kinuha ni Brent ang mga iyon at ang isa ay pinahawak pa kay Gale. "Smoking, drinking, and bullying, I have an evidence of everything you did," pahayag ko habang lahat sila ay halos patayin na ako sa kanilang mga titig sa akin, "I will not tolerate any kinds of this. Do this again and I will report you instantly," bumuga ako ng hangin, "You are allowed to drink, smoke, or do whatever you want in your life outside the school, but you're not allowed to do any kind of that here," madiin kong pahayag sa kanila at kinuha ang mga ID nila, "You know what this means," ani ko at nilagay sa bag ko ang mga ID nila. Kapag kinuha ko ang ID, ang ibig sabihin lang nito ay may warning na sila mula sa akin. The school will know about it once they notice that they don't have their ID. "Leave!" Malakas na saad ni Brent at agad naman silang tumakbo paalis. Umiling ako habang pinagmamasdan silang mga nagmamadali. I can't judge them by their actions. Maaaring may malalim silang dahilan, o problema kung bakit nila iyon ginawa. "I can't believe them," ani Gale. "T-Thanks," hindi na kami nakapagsalita nang tumakbo na paalis ang babae. "Come on, I'm hungry!" Singhal ni Brent at agad na lumakad. Iniwan namin mismo sa guard ang alak at mga sigarilyo namin na nakuha. Mamaya ay kung ano ang isipin sa amin sa labas. "May mga pasaway na naman?" Tanong ni Mang Berning. "Opo, kayo na po ulit ang bahala sa mga ito," pahayag ko nang mailapag namin ang mga nakuha namin. "Sige, ako na ang bahala," nakangiti niyang saad. Pagdating namin sa may karinderya ay marami na rin ang kumakain. Pero wala pa rin naka pwesto sa lamesa namin. Lagi talaga iyong nire-reserve sa amin ng may ari dahil alam niya na araw araw ay sa kanya kami kumakain ng tanghalian. "Oh, ayan na pala kayo!" Masayang saad ni Ate Lili nang makita kami. "Ano po ang ulam?" I asked as I smelled different food, na mas tinakam at ginutom pa ako. "Eto may tinumis, papaitan, nilagang baboy, adobong baboy, kalabasa, at kaldereta, ano ang inyo?" Tanong niya matapos mabanggit lahat ng putahe. "Walang sinigang," ani ko at ngumuso. "Hayaan mo, bukas ay iyon ang iluluto ko!" Natatawang pahayag sa akin ni ate Lili. "Papaitan na lang po ako," nakangiti kong saad. Paborito ko naman lahat ng ulam dito dahil talagang masarap ang luto nila. Kaya nga palagi silang dinadagsa ng tao, eh. "Tinumis po ang akin," nakangiting saad ni Brent. "Ikaw, Gale?" "Adobong baboy po, masyado ng nakulayan ni Hezekiah ang buhay ko para mag gulay pa," naningkit ang mga mata namin ni Brent nang sabihin niya iyon. Hanggang sa pagkain ay hindi niya makalimutan si Hezekiah. Kahit si ate Lili ay kilala iyon dahil hanggang dito ay bukambibig niya si Hezekiah. "Ikaw talaga!" Malakas na tumawa si ate Lili at napailing na lang, "Sige, maupo na kayo at ihahanda ko lang ang pagkain niyo," aniya sa amin. "Continue your story about Cades," ani Gale at sinundot-sundot pa ako sa aking braso. Nagkamot ako ng ulo nang mangulit na naman siya. "Come on," aniyang muli sa akin. Bumuga ako ng hangin at walang choice na nagpatuloy na lang ang kwento ko kanina sa kanila. "Taya!" Malakas kong sigaw at sinalat si Audrey at agad din naman aking tumakbo palayo dahil siya na ang taya ngayon. "Cades, run!" Ani ko at hinila si Cades na nakatulala pa. Saka lang niya na-realized na si Audrey na ang taya. Wala siyang kaalam-alam sa mga ganitong laro at ngayon lang niya nalaman ito. Mabuti na lang at nakakaintindi at nakakapagsalita siya ng tagalog kahit na sa Canada na raw siya lumaki, sabi ni Audrey. Pawis na pawis na kami, at kahit mainit ay naglalaro pa rin kami. "Taya!" Malakas na sigaw ni Audrey nang masalat niya si Adrianna, "Takbo!" "Aray!" Nadapa ako nang aksidente akong naitulak ni Audrey. "May sugat ka!" Nag-aalala niyang saad nang makita ang tuhod ko na may sugat. Ngumiwi ako nang maramdaman ko ng hapdi ng aking tuhod. "Kukuha ako ng gamot!" Mabilis na tumakbo si Audrey papasok sa loob at sinundan siya ni Adrianna. Ramdam na ramdam ko ang hapdi ng sugat sa tuhod ko, at sigurado ako na papagalitan ako ni Mama kapag nakita niya ito. Ayaw na ayaw pa naman niya na nagkakasugat ako. "Why are you not crying?" Nilingon ko si Cades na nagtataka na nakatingin sa akin. Pawisan din siya katulad ko. "It's just a bruise, I won't die," nakangiti kong saad at maya-maya ay ngumiwi ulit sa hapdi. "Children cries when they are hurt," aniya at pinagmasdan ako. "I don't cry just because of a bruise, bakit? Umiiyak ka ba kapag may sugat ka?" Tanong ko sa kanya. Agad siyang tumango at ngumiti sa akin. "I like you!" He said, with a wide smile on his lips. "I like you, too!" Masaya kong tugon. "Can we be friends?" Tanong niya at inabot ang kanyang hinliliit na daliri. Sumilay ang malawak na ngiti sa aking labi at kahit na mahapdi ang sugat sa aking tuhod ay tumango ako saka iyon tinanggap. "Friends!" "The h*ck? You told him that you like him too?" Natatawang tanong ni Brent sa akin. Mabilis na umikot ang mga mata ko sa kanya. I know it sounds crazy, but we did. Who would have thought that it would really be real? "We're children, ang akala ko noon ay gusto namin ang isa't isa para maging isang kaibigan," paliwanag ko. "Oh, dahan dahan," paalala ni ate Lili nang mahain niya ang mga pagkain. "Salamat po," ani ko at agad na humigop ng sabaw ng papaitan. Napangiti ako nang malasahan ko iyon. Wala pa rin talagang kupas ang sarap nilang magluto! "Tsk, tatanungin ko talaga si Audrey," ani Gale at nagsimulang kumain. Hindi namin kasama si Audrey or si Adrianna kapag lunch. Audrey has her own circle of friends too, at habang si Adrianna naman ay laging may sariling mundo. "Don't," babala ko sa kanya. Kahit kailan ay hindi ako nagtanong sa kanila tungkol kay Cades magmula noong umalis siya at kahit minsan ay hindi nagparamdam sa akin. "Biro lang," aniya at nag peace sign. "So, are you still friends?" Tanong ni Brent. Nahinto ako at sandaling natulala sa aking pagkain. Hindi ko alam kung ano ang sagot doon. Mapakla akong ngumiti at nagkibit balikat na lang. That was how we became friends. Pero ngayon, hindi ko alam kung magkaibigan man lang nga ba kami. I'm mad, I'm mad at him. clarixass
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD