DAHIL maghahapon na ng dumating sila sa San Vicente. Napagdesisyunan nilang dalawa na magpicnic nalang sa tabing dagat at huwag nang lumayo sa pamamasyal. Pakiramdam ni Tamara ay siya na ang pinaka maswerte sa mundo. Sa piling ni Nathan ay wala na siyang mahihiling pa. Kaya naman sobrang saya ang nararamdaman niya ngayon. Ngunit may takot sa puso niya na hindi niya maintindihan kung para saan. "Are you sleeping?" tanong ni Nathan sa kanya. Nakapikit kasi siya habang nakaunan sa isang braso nito habang pareho silang nakahiga sa nakalatag na beach towel sa ilalim ng malaking puno sa dulong bahagi ng dalampasigan. "Nope. Why?" "Bakit ang tahimik mo?" Umiling si Tamara. "Hindi ko kasi alam pero parang natatakot ako na hindi ko maintindihan..." "Takot saan?" "Masyado kasi akong masaya nga

