bc

The Heartbreaker

book_age18+
20.2K
FOLLOW
92.4K
READ
possessive
second chance
friends to lovers
playboy
bxg
humorous
childhood crush
first love
friendship
passionate
like
intro-logo
Blurb

Nathan Ocampo is a charming, hot and skilled cardiologist. He is expert at treating and preventing diseases of the heart and blood vessels but also as expert in breaking a woman's heart and the reason why he's called the heartbreaker member of the San Martin Romeos.

Growing up and as a little sister of Nathan's bestfriend Bryan Wong, Tamara knows it all but still didn't help herself from falling hard to him. And just like the other girls, Nathan had Tamara's young heart broken. He went back to London without saying goodbye.

Years later Nathan comes back and just like the old days-- Tamara's heart goes into overdrive every time he's near her. But this time a mature Tamara is determined to protect her heart from getting broken again.

chap-preview
Free preview
Prologue
NAGISING si Tamara na hubad at nasa isang hindi kilalang silid at kama. Masakit ang ulo niya at ang buong katawan at higit sa lahat ay masakit ang bagay na nasa pagitan ng mga hita niya. Pinilit niyang alalahanin kung ano ang nangyari ng nakaraang gabi. Ang natatandaan niya ay nasa Blue Eyed Pub siya na pag-aari ng isa sa mga kaibigan ng kuya Bryan niya na si Austin Andrews. Kasama niya ang ilan sa mga kaibigan niya sa ospital na pinagtatrabahuan at nagsasaya. Actually ang mga kaibigan niya ay nagsasaya ngunit siya ay nagpapakalango sa alak. Nahuli niya ang lalaking pinakamamahal niya at ang isang babae sa isang malaswang tagpo. Sa sobrang sakit ng nararamdaman niya ay gusto niyang makalimot. Kung may alak lang na pwedeng magbura ng alaala ng isang tao ay iyon ang ordirin niya o kaya kung may alak na pwedeng magpabago ng nararamdaman ng puso ay iyon ang lalaklakin niya makalimutan lang ng puso niya ang lalaking tinitibok nito mula pa noong bata siya. Sayaw dito sayaw doon. Lasing na lasing na siya ngunit hindi siya tumitigil sa pag-inom at pagsasayaw at the same time. Alam niyang lagot siya sa kuya niya kapag may nakakita sa kanyang kaibigan nito ngunit wala na siyang pakialam. Bahala na bukas… Basta sa ngayon ay gusto niyang maglasing at sumayaw ng sumayaw. ''Tama na iyan lasing ka na! Hindi ka ba nahihiya at para kang pakawala na babae?" Malabo na sa kanya ang hitsura ng lalaki dahil sa iba't ibang kulay ng ilaw at nahihilo na rin siya dahil sa nainom ngunit kilalang kilala niya ang boses nito. Dr. Nathan Ocampo ang dahilan ng pagpapaka lasing niya. ''G-Go away! Wala kang pakialam sa a-akin. H-Hindi kita kapatid at lalong ayaw kitang maging kapatid,'' itinulak niya ito ngunit parang wala lang dito ang ginawa niya. ''Magpasalamat ka at hindi ako ang kapatid mo at kanina pa sana kita pinadapa at pinalo ng sinturon!'' matigas ang boses nito at parang nagtitimpi lang ng galit sa kanya. ''L-Lagi mo nalang sinasabi yan. Bakit hindi mo totohanin?" paghahamon niya sa lalaki. ''Tamara huwag mong sagarin ang pasensya ko at halika na iuuwi na kita sa inyo.'' ''B-Bitawan mo nga ako! D-Doon ka nalang sa mga babae mo at huwag mo akong pakialaman!'' pinagpapalo niya sa dibdib ang binata. Imbes na iwan siya ni Nathan ay para siyang isang sakong bigas na pinasan nito sa balikat at nang magpapalag siya ay pinalo siya nito sa pwet. Ipinasok siya sa loob ng kotse nito ng makarating sila sa parking lot ng Pub. Hindi rin nito pinansin ang pagwawala niya at pananakit niya dito habang kinakabit nito ang seatbelt niya. Walang sabi sabing pinasibad nito ang sasakyan matapos maikabit ang seatbelt niya. ''Kahit kailan ay napaka pakialamero mo talaga! Hindi kita kapatid kaya hindi mo ako dapat pakialaman.'' ''Say whatever you want to say. Pero hindi mo ako mapipigilang iuwi ka sa inyo kahit gapusin pa kita na parang biik ay gagawin ko kung hindi ka titigil sa pagwawala mo diyan.'' ''Ang yabang mo talaga! Ano bang ginawa kong mali? Nagsasaya lang naman kami ng mga kaibigan ko! Masama bang mag enjoy paminsan? Wala ba akong karapatang gawin iyon?" hindi niya na napigilan ang pag-agos ng mga luha niya. Masama talaga ang loob niya dito. Hindi na nga siya nito makita bilang isang babae at kung sinu sino ang pinapatulan nito. Pati ba naman ang paraan niya ng paglimot ng panandalian dito ay hindi rin pwede? Hindi naman siya pinansin ng binata at nakatutok ito sa daan. Dahil naman sa napasobra ang nainom ni Tamara ay bigla itong sumuka. Kaya itinigil ng binata ang kotse sa at  umikot sa side ni Tamara. Binuksan nito ang pinto sa side ng dalaga para makasagap ito ng sariwang hangin at hinagod ang likod nito. ''Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Nathan ng tumigil sa pagsuka si Tamara. Niyuko niya ito at tinulungan pahiran ng tissue ang mga suka sa may bibig nito at ang mga luha at sipon ay naghalo halo na rin. ''I-Ikaw ang may kasalanan nito!'' galit na pinagpapalo ni Tamara ang binata. Niyakap siya ni Nathan. Kaya ng muling makaramdam ng pagduwal ay sa dibdib ni Nathan iyon  napunta.  ''Oh, f**k!'' mahinang daing ni Nathan. "Pasaway talaga!" napailing nalang ito at pinahiran ang sarili ng tissue. Nang tingnan niya si Tamara ay nakatulog na ito. "Thanks God!" pagpapasalamat nito. At least ay hindi na ito magwawala.  Ngunit bigla siyang napamura ng maalala na hindi niya pala nakuha ang bag ni Tamara sa kung saan man nito inilagay kanina sa Pub. ''Shit...shit!" napalo niya ang manibela ng kotse. ''Paano kami makakapasok ng bahay nila kung wala kaming dalang susi?" kausap ni Nathan sa sarili. Wala siyang magagawa kundi ang iuwi si Tamara sa condo niya. At tatawagan nalang niya ang manager ng Blue Eyed Pub para makisuyong ipatabi ang mga gamit ni Tamara na naiwan sa doon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.6K
bc

Taz Ezra Westaria

read
107.0K
bc

Faithfully

read
266.2K
bc

Unloved by the billionaire

read
397.2K
bc

Paid By The Billionaire (ZL Lounge Series 03)

read
237.0K
bc

I Married A Stranger (Tagalog)

read
1.5M
bc

My Last (Tagalog)

read
486.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook