Chapter 1

1415 Words
NAGSALUBONG ang mga kilay ni Tamara ng makita kung sino ang naghihintay sa kanya sa labas ng gate ng San Martin High School kung saan siya nag-aaral at graduating na. "What are you doing here?" salubong na tanong niya sa binatang naghihintay sa kanya. "Hi too, little sweetheart!" nakangising sabi ng binata at hindi pinansin ang pagtataray niya. "Kaya kong umuwi mag-isa, hindi mo na kailangan sundin ang pakiusap sayo ni kuya na sunduin ako. At saka ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag mo akong matawag tawag ng little sweetheart dahil hindi maganda sa pandinig ko," pagtataray parin niya dito. Mula ng munting bata siya ay ganoon na ang tawag sa kanya ng matalik na kaibigan ng kuya niya. Lima ang malalapit na kaibigang lalaki ng kuya Bryan nia, sI Austin Andrews na may kulay asul na mga mata, si Adam na ang tingin sa sarili ay regalo ng Diyos sa mga lahi ni Eva, Si Gregory na mukhang prince charming sa mga Koreanovela sa television, Jaden na napaka-womanizer at si Nathan na itinuturing bestfriend ng kuya Bryan niya at ang tanging tumatawag sa kanya ng malutong na little sweetheart. Mas matutuwa pa sana siya kung sweetheart nalang ang tawag nito sa kanya at tatanggalin ang little sa unahan. Ang little sweetheart kasi para sa kanya ay nangangahulugan na nakababatang kapatid lang ang turing nito sa kanya. "Hindi pwede malalagot ako sa kuya mo. Bago siya umalis kaninang umaga ay ipinagbilin ka niya sa akin. Kaya kung may mangyari sayong hindi maganda dahil lang hindi kita sinusundo, ako ang mananagot sa kuya mo." Binuksan nito ang pinto ng kotse at pinapasakay na siya sa passenger seat. "Nathan Ocampo, walang mangyayaring masama sa akin dahil lang sa nag-commute ako. Masyado lang paranoid si kuya at kung anu-ano ang iniisip at saka one week lang naman siya sa Cebu," nakasimangot niyang wika dito. Pero echos niya lang iyon. Ang totoo kasi ay nagsasayaw ang puso niya sa tuwa at dito siya ipinagbilin ng kuya niya. Ibig sabihin kasi noon ay isang linggo niya rin itong araw-araw na makakasama. Kaya niya lang naman ito tinatarayan ay dahil ayaw niyang mahalata nito ang pagkagusto niya dito. "Well, wala kang choice, my dear little sweetheart dahil sa ayaw at sa gusto mo ako muna ang driver mo ng isang Linggo. Abah ang swerte mo yata ang pogi at macho ng driver mo. Kung tutuusin nga ay malaking karangalan sayo na ako ang driver mo. Saan ka ba makakahanap ng driver na kasing gwapo na tulad ko?" nakangising pagyayabang nito. Sa totoo lang ay tama naman ito. Maraming mga babae ang nangangarap na maipagdrive manlang nito at makasakay sa mamahaling kotse ni Nathan Ocampo at makatabi ito. Maswerte siya dahil siya ang nakakaranas na maihatid at sunduin nito kapag busy ang kuya niya sa trabaho. "How humble of you, my dear second big brother. Hindi kana nahiya magbuhat ng sariling mong banko!" Umirap pa si Tamara dito. Nagulat si Tamara ng biglang yumuko si Nathan at halos nakadikit na ang mukha nito sa mukha niya. "A-Anong gagawin mo?" "Huwag kang mag-alala dahil wala naman akong planong halikan ka kung iyon ang iniisip mo. Hindi ako humahalik ng may gatas pa sa labi," inabot nito ang seatbelt sa may tagiliran ni Tamara at kinabit. “Tsk. Amoy baby cologne ka pa nga rin eh.” Kumindat pa ito at pinaandar na ang kotse pagkatapos. At saka lang nakahinga ng maluwag si Tamara ng matapos nang ikabit ni Nathan ang seatbelt niya at umalis na sila.  Inirapan niya ito para pagtakpan ang pagkapahiya. "Eh ano naman kung amoy baby cologne pa ako? Tsaka hindi rin ako nagpapahalik sa matandang katulad mo. Tito!" ganting pang-iinis niya dito. "Ako? Tito? May lagnat ka ba? Sa babyface kong ito tatawagin mo akong tito?" "Diyos ko Lord. Ano po ang naisip niyo at binigyan niyo ng sobra-sobrang self confidence ang matandang mama sa tabi ko?" kunway nakatingala pa si Tamara sa langit habang kunwaring kinakausap ang Diyos. .  Humalakhak naman ng malakas si Nathan. "Magbebente dos palang ako, little sweetheart. Hindi pa ako matanda." "Matanda ka parin sa akin ng anim na taon!" agad na sagot ni Tamara bago pa siya matameme sa halakhak nito na parang musika sa pandinig niya. Kindat lang at nang aakit na ngiti ang itinugon ni Nathan sa kanya. Halos malaglag ang puso niya dahil sa kindat nito sa kanya. Inismiran niya naman ito para matakpan ang kilig na nararamdaman. "Bakit pala hindi kapa lumalayas at bumalik na sa London?" "Bakit ayaw mo na ba akong makita at pinapaalis mo na ako?" "Oo sana!" sagot ni Tamara ngunit kabaliktaran naman niyon ang nararamdaman niya." Kung alam lang nito kung gaano siya nalulungkot sa tuwing maalala niya na babalik na ito ng ibang bansa para ipagpatuloy ang pag-aaral doon.  "Hayaan mo at malapit na akong umalis," naging seryoso at malungkot ang boses nitong sagot. "Matagal mo din akong hindi makikita." Hindi naman alam ni Tamara kung ano ang isasagot sa sinabi nito. Para pang biglang gusto niyang umiyak. Kaya nanahimik nalang siya hanggang makarating sila sa harap ng gate ng bahay nila. "Are you sure na kaya mong mag-isa dito?" nag-aalalang tanong ni Nathan. "Diyos ko po. Hindi na nga ako bata. Matanda na ako at kaya ko na ang sarili ko," naiinis niyang wika dito. Paano naman ay kung ituring siya nito parang bata na pitong taon gulang lang.   "Isip bata ka pa rin at hindi ka naman lumalaki!" pang iinis naman nito sa kanya. Hindi na niya hinintay na pagbuksan siya nito ng pinto at siya nalang ang gumawa niyon. Napipikon siya dito lalo kapag sinasabihan siya nitong isip bata siya at hindi daw siya lumalaki. Petite kasi siya. Hindi tulad nito na matangkad at malaki ang pangangatawan.  Diretso siyang naglakad papunta sa gate ng bahay nila at hindi manlang ito nililingon. "Lock mo nang mabuti ang pinto at huwag ka basta-basta magbubukas ng pinto kapag may kumatok. Huwag kana rin lalabas at sabi ng kuya mo ay hindi ka pwedeng maglakwatsa lalo at wala siya dito," habol na bilin nito sa kanya.  "Yes po, lolo Nathan. Alam ko na yan lahat. Rewind lang yan sa lahat ng bilin sa akin kanina ni kuya bago siya umalis." Ngisi lang ang itinugon nito sa kanya at hinintay siya na mailock ang gate bago nito pinaandar ang kotse. Malalim na napabuntong hininga nalang si Tamara habang tinatanaw ang papalayong likod ng kotse nito. Nang mamatay ang mga magulang nila ng kuya Bryan niya mahigit limang buwan na ang nakakaraan ay umuwi ng Pilipinas si Nathan. Nagulat pa siya ng makita ito sa burol ng Mommy niya. Ang alam niya ay nasa London eto at nag-aaral ng pagka doctor. Ito ang isa sa naging sandigan niya noong mga panahon na nasa pinaka lowest point sila ng kuya niya ng buhay nila. Ang kuya Bryan niya ay kahit nagpapakita ng katatagan ay alam niyang nahihirapan din sa nangyari sa mga magulang nila. Madalas na tahimik ito sa isang tabi at lumilipad ang isip. Maliban sa Kaibigang si Katrina ay balikat ni Nathan ang sumalo sa kanya sa tuwing halos bibigay na siya sa sobrang pag-iyak at kalungkutan. "Sige iiyak mo lang yan. Nandito lang ako at hindi kita iiwan!" bulong ni Nathan habang hawak nito ang kamay niya at nakadapa sa kama niya. Sa sementeryo ay si Nathan din ang sumalo sa kanya ng mahimatay siya habang inililibing ang Mommy niya. Pagdating nila sa bahay ay dumeretso siya sa kwarto. Ang kuya niya nalang at ang matalik na kaibigan niyang si Katrina ang humarap at nag asikaso sa mga taong nakilibing sa Mommy niya. "Leave me alone. Gusto kong mapag-isa," umiiyak na taboy niya dito.  "No. Dito lang ako at hindi kita iiwan!" matigas naman na sagot ni Nathan sa kanya at wala talagang planong iwan siya. "Bakit sa amin nangyari ito, Nath? Ano bang masamang nagawa ng pamilya namin at sa amin nangyari ito?" umiiyak na tanong ni Tamara. Naaksidente ang mga magulang niya. Dead on the spot ang Daddy niya habang two months comatose naman ang Mommy niya bago ito tuluyang binawian ng buhay. "I wish I knew the answer. Pero wala na tayong magagawa kundi ang mag move on. Kailangan mong magpakatatag, little sweetheart." Bumangon si Tamara at yumakap kay Nathan. Malaking bagay para sa kanya na nasa tabi niya ito at laging naka alalay sa kanya katulad din ng kuya Bryan niya at matalik na kaibigan na si Katrina. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD