Chapter 2

1453 Words
MAG-AALAS otso ng tumunog nanaman ang telepono sa bahay nila Tamara. Halos kabababa niya lang niyon dahil sinagot niya ang tawag ng kuya Bryan niya. Nangangamusta at nagcheck na rin sa kanya at siyempre pa ay ang walang kasawa-sawa sa paulit-ulit na pagbibilin. Para lang siyang nakikinig ng rewind sa mga bilin nito kaninang umaga. "Hello!" naiiritang sagot ni Tamara. Sumakit kasi ang ulo niya matapos nilang mag-usap ng kuya niya at naibunton niya sa kung sino mang nasa kabilang linya ang inis niya. "Good evening, little sweetheart! Bakit masama na naman ang templa mo?" Kilala na agad ni Tamara kung sino ang tumawag. "Anong kailangan mo?" inis na tanong niya dito. "Relaks! Gusto lang kitang kamustahin." Kahit hindi niya ito nakikita ay alam niyang nakangiti ito. "Pwes mabuti naman ako at huwag mong sasabihin na uulitin mo nanaman ang mga bilin ni kuya dahil katatawag niya lang at parang voice record lang naman iyon ng mga sinabi niya kaninang umaga," litanya niya dito. "Ang haba naman ng sinabi mo nangangamusta lang naman ako," pagrereklamo ni Nathan sa kabilang linya. "Babe, sino ba yang kausap mo? Minsan na ngalang tayong magkita bibitinin mo pa ako," maarting boses ng babae na naririnig ni Tamara mula sa kabilang linya at hindi na siya magtataka kung isa ito sa mga bed playmate ni Nathan at mukhang may balak na   gawing milagro ang dalawa. Nag-init ang ulo ni Tamara. "Hindi kana nahiya at naririnig ko pa ang mga kalandian niyo!" hindi na niya hinintay na makapagsalita pa ang lalaki sa kabilang linya at ibinagsak niya ang telepono. Kinabukasan ay mas maaga siyang umalis ng bahay para hindi siya maabutan ng lalaki sa bahay at maihatid sa eskwela. Kung pagiging mahigpit ang pag-uusapan ay pumapangalawa ito sa kuya Bryan niya pagdating sa kanya. Bagay talagang mag bestfriend ang mga ito parehong mga diktador at kinokontrol ang buhay niya. Nang maglabasan naman ay sinadya niyang huwag munang umuwi at magbabad sa library kasama si Katrina. Wala siyang pakialam kung mamuti man ang mata nito sa kakahintay sa kanya sa labas ng gate ng eskwelahan. Kanina ay ilang tawag ang ginawa nito matapos sigurong malaman na nakaalis na siya ng bahay at ngayon naman ay kanina pa ring ng ring ang cellphone niya. Wala siyang pakialam kung magsumbong man ito sa kuya niya basta ayaw niya itong makita.  Paglabas niya ng library ay mag-aalas siyete na. Sa tingin niya ay hindi naman siguro magtitiis na maghintay sa kanya si Nathan ng dalawang oras sa labas ng gate ng eskwelahan. "Hi, Tamara! Ngayon ka palang ba uuwi?" salubong sa kanya ni Joey ka batch niya ito pero nasa lower section. Player ito ng baseball at sa tingin niya ay katatapos lang ng practice ng mga ito. Matagal na rin  itong nanliligaw sa kanya ngunit tulad ng iba pa ay matagal na rin niya itong sinabihan na hindi pa siya pwede magka boyfriend ngunit makulit ito at patuloy pa rin sa panliligaw sa kanya. Gusto niya sanang sagutin ang tanong nito ng, "Hindi ba obvious nakita mo nang narito pa ako at wala pa sa bahay," ngunit hindi naman siya bastos kaya sumagot siya ng maayos at nginitian pa ito. "Galing kasi ako sa library at nag research kaya ngayon lang ako uuwi." "Sabay kana sa akin total on the way naman ang sa inyo," aya ng lalaki sa kanya. Ang alam niya ay my driver ito na naghahatid sundo at naghihintay lang sa labas ng gate. Nag-isip muna si tamara. Hindi masama kung sasabay nalang siya kay Joey. Hindi na niya na kakailanganing makipag siksikan sa jeep pauwi lalo na at medyo madilim narin. "So sabay ka sa akin?" ulit na tanong ni Joey. Sasagot na sana siya ng oo ng may sumagot para sa kanya. "May sundo rin siya at kanina pa naghihintay sa kanya," boses iyon ni Nathan at sa boses nito ay mahahalatang galit ito. Nagkamot nalang si Joey sa batok at nagpaalam na mauna na sa kanya. Mukhang naitimidate ito kay Nathan. Totoy kasi ito kung ikukumpara kay Nathan na mukha na talagang mama. "Kanina pa kita tinatawagan. Bakit hindi mo sinasagot ang cellphone mo?" galit na tanong ni Nathan kay Tamara.  "Nakasilent ang cellphone ko kasi nasa library ako kaya hindi ko naririnig na may tumatawag," palusot ni Tamara. Hindi niya rin pinansin ang galit nito sa kanya at tinalikuran ito at naglakad na palabas ng gate ng eskwelahan. "Alam mong naghihintay ako sa labas sana manlang ay nagtext ka at sinabing nasa library ka lang pala. Hindi mo manlang ba naisip na kanina pa ako paikot-ikot sa kakahanap kung nasaan ka at nag-aalala ako at baka kung napano kana?" "Sinabi ko naman sayo na hindi mo na ako kailangan sunduin at kaya ko naman umuwi mag-isa. Hindi ka nakinig tapos ngayon ako pa ang may kasalanan kung bakit naghintay ka sa akin ng matagal." Alam ni Tamara na may kasalanan siya dahil sinadya niya na huwag sagutin ang mga tawag nito at pinaghintay ito ng matagal pero hindi siya aamin. Hanggang ngayon ay inis pa rin siya sa narinig niya sa telepono kagabi. "Sinabi ko naman sayo na ipinagbilin ka sa akin ng kuya mo at ako ang mananagot kapag may nangyari sayo dahil sa katigasan ng ulo mo!" “Problema mo na yon,” naka smirked niyang bulong.  Nakarating na sila sa pinagpaparkingan ng kotse nito pagalit na binuksan nito ang pinto ng passenger seat. "Pasok bago pa kita padapain at paluin ng sinturon, Tamara! Kung hindi ka pa nakakatikim sa kuya mo, pwes  makakatikim ka talaga sa akin dahil sa katigasan ng ulo mo." Kahit ayaw sanang sumunod ni Tamara ay napilitan siya. Galit nga talaga ito sa kanya dahil wala na ang endearment na palagi nitong itinatawag sa kanya kundi malutong na Tamara nalang. "Wala kang karapatan na gawin iyon dahil hindi ka naman si kuya. Hindi kita kaano-ano kaya huwag mo akong diktahan kung ano ang gagawin ko sa buhay ko at wala din naman akong ginagawang masama." "Anong tawag mo doon sa pakikipag ligawan mo sa lalaki iyon kanina? Kapag isinumbong kita sa kuya mo siguradong grounded ka ng isang Linggo.'' Pinaandar na nito ang sasakyan ng makita na ikinabit niya na ang seatbelt. "Magsumbong ka! Sa ginagawa niyong dalawa sa akin para na rin akong grounded niyon." Natameme si Nathan kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Hindi niyo ba naiisip na sinasakal niyo na ako? Nakikisali ka pa... Eh hindi naman kita kapatid. Kaibigan ka lang naman ni kuya. Kung makapaghigpit kayo sa akin kulang nalang talian niyo ako at gawing aso na susunod lang kung ano ang sasabihin ninyo.'' Ayaw niya manumbat ngunit nakakasakal na talaga ang ginagawa ng dalawa sa kanya huwag nang isali ang iba pa nitong mga kaibigan na sina Adam, Austin, Gregory at Jaden. Mula ng munti pa siyang bata ay lagi nang nasa paligid niya lang ang mga ito at nagsusumbong sa kuya niya kapag may ginagawa siyang kalokohan bilang bata. "Pinoprotektahan kalang naman namin. Ayaw lang naman namin na may mangyaring masama sa'yo," medyo mahinahon na si Nathan ng magsalita. "Ilang beses ko ba kailangan ulit-ulitin sa inyo na hindi na nga ako bata. Sixteen na ako dalaga na ako. Alam ko na ang makakasama at hindi sa akin!'' inis na sagot ni Tamara. "Sixteen ka palang at hindi kapa pwede magpaligaw! May gatas ka pa sa labi,'' sagot naman ni Nathan sa kanya at sa kalsada ang tingin. "Argg, whatever!" Nag-anyo pa si Tamara na sasabunutan ito sa sobrang inis niya. Sa totoo lang ay hindi naman ang pagiging mahigpit nito ang kinaiinis niya. Naiinis siya dahil parin sa narinig niyang malanding boses ng babae kagabi at siguradong katabi nitong natulog magdamag at ayaw na niyang isipin kung ano ang ginawa ng mga ito sa ibabaw ng kama.  Hindi naman siya pinansin ni Nathan at tuloy lang itong nagdrive hanggang makarating sa gate ng bahay nila. Nang huminto ang kotse nito sa tapat ng bahay nila ay walang sabi-sabi na lumabas siya ng kotse nito at nagmartsa papunta sa gate at binuksan ang lock niyon. ''Little sweetheart...'' ''Ano na naman?" inis na lingon niya dito. Halos malaglag ang puso niya ng makita ang ngiti nito sa kanya at nakalitaw ang beloy sa kanang pisngi. Parang tinutunaw ng ngiting iyon ang lahat ng nararamdaman niyang inis sa katawan. ''Goodnight and sweet dreams!'' sabi sa kanya ni Nathan. Inirapan niya ito. Matapos siyang sungitan nito kanina dadaanin siya sa makalaglag panty na ngiti nito? ''Hoy Tamara sixteen ka palang may nalalaman ka nang makalaglag panty diyan!" saway ng isip niya. Isinara niya ang gate at hindi na siya sumulyap kay Nathan. Baka nga sa lupa niya pulutin ang panty niya este ang puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD