NAIILING si Nathan habang pinagmamasdan ang pinsan na pinipilit tumayo mula sa kinauupuan nitong wheelchair. "Don't force yourself. Pasasaan ba't gagaling din yang nga binti mo. Makakapaglakad ka rin ulit. Huwag mo munang pilitin igalaw ang mga binti mo kung hindi mo pa kaya." Hindi na nakatiis at tuluyan na siyang lumapit sa pinsan ng makita itong natumba. Inalalayan niya itong umupo muli sa inuupuan nitong wheelchair kanina. "Putcha! Ayaw ko ng ganito," inis naman na mura ni Adam sa sarili. "Well, what can I say? Who's fault is this?" may panunuya na turan ni Nathan. "What are you doing here? Nandito ka ba para ipamukha sa akin ang kawalan ko ng silbi?" may inis naman na tanong ni Adam sa pinsan. Sinubukan pa nga nito tanggalin ang pagkakaalalay sa kanya ni Nathan. Sa lahat ng aya

