"WHY are you here? Masyado nang malamig ang simoy ng hangin- dagat, baka sipunin ka." Nilingon ni Tamara ang may ari ng boses na iyon. Lumayo siya ng konti sa mga kasama at lumabas ng restaurant para bigyan ng space ang sarili dahil pakiramdam niya ay masikip ang lugar para sa kanila ni Nathan ngunit sinundan pala siya nito. "I'm fine here," turan ni Tamara at tinanggihan ang jacket na ilalagay sana ni Nathan sa balikat niya. "Pumasok ka nalang baka kung ano pa ang isipin nila." Taimtim niyang nahiling na sana ay iwan nalang siya nito at gusto niya munang mapag-isa. Ngunit hindi dininig ang hiling niya. Napapikit siya ng muli itong magsalita. "Are you okay?" "I'm fine. Bakit naman ako hindi magiging okay?" sagot niya at tumanaw sa kadiliman ng malawak na dagat ng San Martin sa harap n

