NAGTATAKA si Tamara kung bakit ang tahimik ni Nathan sa daan pauwi. Samantalang buong araw naman itong masigla kanina habang namamasyal sila. "Are you okay? May masakit ba sayo? Bakit ang tahimik mo?" hindi niya napigilang itanong. Nilingon naman siya nito saglit at nginitian. "I'm fine. Napagod lang siguro ako," sagot nito. Ngunit hindi parin mapigilan ni Tamara na huwag mag-alala. Nakakapanibago kasi ang biglang pananahimik nito at ang kakaibang lungkot na nakikita niya sa mga mata nito. "Magsabi ka nga sa akin ng totoo. Is there something bothering you na hindi mo sinasabi sa akin?" Umiling lang si Nathan ngunit hindi na muling nagsalita. Nakaramdam naman si Tamara ng inis sa binata kaya hindi na rin siya kumibo. Malakas ang kutob niyang may itinatago ito sa kanya. Na hindi niya

