GUSTONG-GUSTO na ni Tamara na batukan ang nakangisi paring si Nathan na naghihintay sa kanya sa kotse nito.
''Anong nakakatawa?" napipikon na tanong ni Tamara.
''Wala naman… Masama bang ngumiti?'' nakakaloka parin ang ngisi nito sa kanya.
''Oo lalo kung may ibang ibig sabihin iyang ngiti mo!" Sa totoo lang ay hindi nalang dapat siya papasok at magkukulong nalang siya sa kwarto dahil sigurado siyang aalaskahin lang siya ni Nathan dahil sa pagkadulas niya kanina. At sa iniisip nito na nagseselos nga siya. Ngunit gusto niya pasinungalingan ang sinasabi nito kaya nagbihis siya ng uniform at lumabas na ng kwarto pagkatapos makapag-ayos.
''May nalaman kasi ako na may batang nagseselos dahil akala niya ay may date ako na naghihintay.'' Nilingon pa siya nito sabay kindat bago pinaandar ang kotse.
''Hindi na ako bata at lalong hindi ako nagseselos!'' nanggigil na kinurot niya ito sa tagiliran.
Lalo lang humalakhak si Nathan. ''Ngayon naman nagpapanggap na hindi na daw siya bata. Sagay dalaga ka na nga dahil marunong ka nang magselos..''
Makapamatay na irap ang itinugon ni Tamara. Hindi na niya ito kinurot ulit dahil imbes na ito ang masaktan ay siya pa ang parang nakuryente ng kurutin niya ito dahil naramdaman niya sa daliri niya ang matigas na tagiliran nito. Hindi na rin siya kumibo dahil habang nagsasalita siya ay mas lalo lang siyang nalilibing sa kahihiyan. Hindi niya nalang sinulyapan si Nathan habang nasa daan dahil nakangisi parin ito sa kanya.
''Huwag kang mag-alala my dear little sweetheart dahil hindi naman pakikipag date ang appointment ko, kaya wala kang dapat ipagselos," patuloy pang pang-iinis ni Nathan kay Tamara ng nasa gate na sila ng San Martin High School.
''Bakit naman ako magseselos? E, wala naman akong gusto sayo. Masyado ka lang nag fefeeling pogi diyan. Tito!''
''Bakit pikon ka kung hindi totoo?'' panunudyo ni Nathan at ngiting-ngiti sa kanya.
Kahit gustong-gusto na ni Tamara na lumabas ng kotse nito ay hindi siya makalabas dahil naka auto lock iyon. ''Hindi ako pikon masyado lang nakakainis ang pagiging assuming mo! At buksan mo na nga ang pinto dahil late na ako.''
''Kanina ka pa late my dear little sweetheart dahil sinadya mong magpalate para malate din ako sa appointment ko dahil akala mo babae ang pupuntahan ko. Umamin kana kasi, hindi naman ako magagalit kung aamin ka nalang," tuloy pa rin na panunudyo ni Nathan.
''Tumigil ka nga at hindi kana nakakatuwa! Itigil mo rin iyang pangangarap mo ng gising dahil wala akong gusto sayo. Baka tuloy ikaw pa itong may pagnanasa sa akin kaya ayaw mong buksan ang pinto para makasama mo pa ako dito sa loob ng kotse ng matagal. Kunwari ka pang makapagsabing may gatas pa ako sa labi. Baka nga gustong- gusto mo matikman ang gatas ko sa labi!" balik pang iinis ni Tamara na nagpeke pa ng ngisi.
Mukhang umipekto naman dahil biglang nawala ang ngiti ni Nathan at sumeryoso ito. Pinindot ang lock ng pinto ng kotse. "Huwag mo nanaman akong paghintayin mamayang uwian," naroon ang pagbabanta sa boses nito.
Bago lumabas ng kotse ay parang batang paslit na nagwagi sa isang laro at nagbilat pa siya kay Nathan at nakakalokang ngumisi sa binata.
---
BUONG araw na masaya si Tamara. Minsan nga ay bigla nalang siyang napapangiti kahit mag-isa siya. Para tuloy siyang may sayad sa utak. Paano ay kapag naiisip niya ang reaksiyon ni Nathan kaninang umaga pagkahatid sa kanya nang sabihin niya baka ito ang may pagnanasa sa kanya ay para itong intsik na natalo sa sugal.
Hindi rin naman maiwasan na umasa ang batang puso niya. Na sana may gusto rin ito sa kanya. Dahil siya, ito lang ang lalaking nakikita niya. Ito ang first ever crush niya hanggang sa naging puppy love na yata.
Sino ba naman ang hindi magkaka gusto dito. Para sa kanya ay si Nathan ang perfect example ng tall dark and deliciously handsome. Mapungay ang malalalim na mga mata nito na kapag tumitig ay tagos hanggang laman. Kapag ngumingiti naman ay halos pulutin ang puso niya sa lupa kapag nakikita niya ang beloy nito sa kanang mukha tapos sumasabay pa ang mga mata nito na parang nakangiti rin.
Liban sa physical na mga katangian nito ay mabait din ito at gentleman. Napakabait nito sa kanya. Kahit noong maliit pa siya at pumupunta ito sa bahay nila para makipaglaro sa kuya niya kasama ng mga ibang mga kaibigan ay palagi itong may pasalubong sa kanya na kung ano-ano lang.
Mabait din naman ang iba pang mga kaibigan ng kuya niya sa kanya pero parang iba ang turing sa kanya ni Nathan mas malapit siya dito kaysa iba pang mga kaibigan ng kuya niya. Tuloy ay hindi niya napigilan ang puso niya na magkagusto rito habang lumalaki siya. Noong bago ito pumunta sa London ay ten years old palang siya ay may crush na siya dito.
Noong umuwi naman ito at palaging nakaalalay sa kanya sa burol ng Mommy niya hanggang sa nailibing ay naging puppy love naman ang nararamdaman niya dito.
Napasimangot siya ng maalala niya ang tagpo sa condo nito ilang buwan na ang nakararaan.
''Hoy, napaano ka diyan? Kanina pa kita napapansin na pangiti-ngiti diyan tapos ngayon naman ay bigla kang sumimangot at parang maiiyak.'' Si Katrina iyon ang best friend niya. Nasa maliit na kainan kasi siya ng mga ito na nasa malapit lang sa eskwelahan. Sa tanghali ay hindi na siya umuuwi ng bahay para kumain doon nalang siya kumakain sa kainan ng mag-iina. Liban pa sa masarap ang mga pagkain doon hindi pa siya napapagod sa pabalik-balik na biyahe at isa pa wala rin naman nang magluluto sa bahay nila kasi wala na ang mommy nila at wala na rin silang katulong.
''W-Wala naalala ko lang iyong palabas na napanood ko. Nakakatawa kasi tapos nakakaiyak," pagsisinungling niya. Kahit matalik niyang kaibigan si Katrina ay hindi niya masabi dito ang tungkol sa pagkakagusto niya sa bestfriend ng kuya niya. Hindi naman sa hindi niya pinagkakatiwalaan ito ngunit mas gusto niya lang talagang sarilinin iyon.
''Di nga baka iba na yan? Baka tungkol yan doon sa manliligaw mong si Joey... Nagkakagusto ka narin ba?" pangungulit ni Katrina.
''Hindi ah. Wala akong gusto doon.''
''Mabuti naman kung ganoon. Alam mo naman ang kuya mo parang matandang binata sa higpit sayo at siguradong malalagot ka kapag nalaman na may nagugustuhan ka na.'' Si Katrina at biglang sumama ang mukha nito ng mabanggit ang kuya niya. Hindi kasi magkasundo ang dalawa at palaging nagbabangayan.
Lalong hindi pwedeng malaman ng kahit sino na may gusto siya sa bestfriend ng kuya niya dahil siguradong lagot siya sa kuya niya at hindi na rin nito papalapitin pa sa kanya si Nathan. Paano na siya baka hindi na niya makita pa ang binata.