KABILANG BUHAY ( Short Story )
Simula
Ako si Caroline 19 years old, doctorate ang kinuha kong degree dito sa U.P. pagdodoktor ang kinuha ko kasi yun ang napupusuhan ko, hindi kami mahirap at hindi din sobrang yaman kumbaga sakto lang, doctor ang mama ko at isang Philippine army si papa, may mga kapatid akong dalawa nasa state silang pareho at doon nagtratrabaho kaya laging kami lang ni mommy ang magkasama sa bahay.
Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip ng may tumawag sa pangalan ko, nandito kasi ako sa cafeteria at kumakain na ng lunch.
" Carimine!" Tumingin ako sa lalaking tumawag ng pangalan ko, ilang beses ko bang sasabihin na 'Carolane' ang pangalan ko. Laging carimine ang itinatawag sa akin ni Alas, so Alas Isang 4th year engineering mas matanda ito sa akin ng 2 taon. Makulit ito, gwapo siya maraming nagkakagusto sa kanya, matangkad, at maganda ang pangangatawan nito.
" Kuya Alas, it's CAROLINE, not Carimine. Ilang beses ko bang sasabihin iyon sayo?" Tanong ko dito at inirapan siya, umupo naman siya sa may harap ko at itinukod ang dalawang siko sa mesa.
" Ilang ulit ko din bang sasabihin sayo na wag mo akong tawaging kuya, Hindi magkalayo ang agwat natin" aburido nitong turan.
" Mas matanda ka parin...." Pag uulit kong aniya.
" Kumusta na yung tinatanong ko sayo carimine?" Tanong nito sa akin ng titig na titig sa mga mata ko, tinanong kasi nito kung pwede ba siyang manligaw noong una ayoko kasi baka maging sagabal lang siya sa pag-aaral hanggang sa hindi na siya tumigil kakabuntot sa akin, kaya naman ngayon tinatanong niya ulit ako.
" Sabi ko sayo nung isang araw na naman pag iisipan ko diba?" Pagsusungit na sabi ko dito.
" Tsk, payagan mo na ako please promise hindi kita sasaktan" nakangiti nitong turan.
" Ang kulit mo din no?" Inirapan ko siya, kung tutuusin mabait naman ito kahit maraming mga babae ang nahuhumaling sa kanya pero hindi nito pinapansin ang mga iyon. Sabi pa ng mga classmates ko maswerte daw ako dahil ako ang gusto niya.
" Please..." Nag puppy eyes ito sa harap ko, napakagat labi ako dahil ang cute niya.
" Ok, pero sinasabi ko sayo ha kapag ikaw talaga nagloko at sinaktan ako ibabalik kita sa sinapupunan ng mama mo" pagbabanta ko dito pero mas lalo lang lumaki ang ngiti niya, masaya siya dahil sa wakas pumayag na ako.
" I promise hindi kita sasaktan" nakataas pa ang kanang kamay nito ng nanunumpa.
Lumipas ang ilang araw, buwan at Ganon parin siya ka-sweet binibigyan ako nito ng paborito kong cookies, inalam niya ang mga bagay na ayaw at gusto ko at ganun din ako sa kanya, lagi niya akong hinahatid sundo, nirerespeto ako nito at laking pasasalamat ko dahil don. Pinakilala ko na din siya kay mama at boto naman ito kay Alas. Sobrang effort ang lahat ng ginagawa niyang panliligaw, birthday niya ngayon sabi ko noon sasagutin ko siya sa mismong kaarawan niya.
" Carimine, may nakalimutan ka ba ngayon?" Tanong nito sa akin nandito kami sa ilalim ng puno ng manga dahil tapos na ang klase naming pareho, umiling ako at nagmaang maangan humahanap pa ako ng tiyempo para sabihing sinasagot ko na siya.
" Talaga, Wala talaga? Baka may nakalimutan kang okasyon ngayon?" Pagpipilit na paalala nito sa akin, kinagat ko ang pang ibabang labi ko dahil sa pagpipigil ng ngiti nakakunot kasi ang noo nito ngayon.
" Ammn, anong meron? Wala naman akong nakalimutan Alas" pag uuyam kong sabi na mas lalo nitong ikinasimangot.
" Tsk ganyan ka na pala carimine?" Nagtatampo nitong sabi sa akin at ngumuso pa.
" Happy birthday Alas" nakangiti kong pagbati dito, lumaki naman ang mata niya dahil ang akala nito nakalimutan ko na ang mismong kaarawan niya.
" Ikaw talaga ha, akala ko nakalimutan mo na..." Nakangiti na ito ngayon at hinila ako payakap sa kanya.
" Alas.... S-inasagot na kita.." nauutal kong sabi sa kanya at bigla ako nitong hinarap at nagulat.
" T-alaga!? Yes!!! Woah for real?" Tanong nitong hindi makapaniwala sa akin, tumango naman ako masaya kaming pareho mahal ko siya mahal niya ako, lumunok ito at unti-unting lumapit ang muka niya sa muka ko then he kiss me with full of passion.
Lumipas ang isang taon at ganun padin lagi parin kaming masaya, kapag nagtatampo siya at nagtatampo ako lagi siya yung sumusuyo. Kahit minsan nasasaktan ko na siya physically and emotionally mahal na mahal parin ako nito, sa loob ng isang taon na iyon lagi niyang sinasabing mahal na mahal niya ako at laging irerespeto.
Dumating ang araw ng pagtapos niya, sa wakas ay natapos na nito ang kursong matagal na niyang gusto.
Nandito kami sa bahay nila ngayon, sineselebrate ang kanyang pagtatapos ng college.
" Baby, mag ccr lang ako ha," paalam nito sa akin at hinalikan Ang noo ko, tumango naman ako dito at nginitian.
Lumipas ang ilang minuto, biglang sumigaw ang mama ni Alas naalarma ang lahat maging ako ay sobrang kabog ng dibdib ko, anong nangyayari? Nasan na ba si Alas?. Naglakad ang mga tao papunta sa Taas at ako rin.
" Oh my god! Please not now!" Humahagulgol na turan ni tita, ano bang nangyayari!? Nasan na si Alas? Bat ang tagal niya. Sumilip ako dahil madaming tao ang nasa paligid pag akyat ko. Napatakip ako ng bibig ng makita kung sino ang nakabulagta ngayon sa sahig habang hawak ni tita.
" Son please wake up! Not now please...oh Marcus ang anak mo!" Hindi na makilala Ang boses ni tita habang hawak si Alas, nagsipaglandasan na din ang luha ko anong nangyayari!?. Lumapit ako sa kanila ang putla na nito, napakagat labi ako dahil sa paghikbi hinawakan ako ang kamay niya habang umiiyak.
" Tita anong nangyari?" Umiiyak kong tanong kay tita na ngayon ay gaya kong humahagulgol na dahil sa labis na panginginig.
" Umatake ang sakit niya carol...." Iyak na pag amin ni tita, ano? Sakit? Hindi! Wala siyang sakit hindi siya nawawalan ng energy kapag kasama ko siya, panong magkakaroon ng sakit!?.
Itinakbo namin siya sa hospital, nandito kami sa labas at naghihintay na lumabas ang doctor, nagdadasal ako ng taimtim na sana maging ok na ang lahat.
" Doc kamusta ang anak ko?" Napatayong tanong ni tita ng makalabas ang doctor, umiling ito sa amin. Lalong sumikip ang dibdib ko dahil sa pagtugon ng doctor, no! Wag please hindi ko kakayanin!.
" Malala na ang luekemia niya nasa stage 4 na ito misis, hindi na kaya ng gamot" napaupo ako dahil sa sinabi ng doctor, no hindi please kung panaginip man ito please gumising ka Caroline!. Pero napahawak ako sa dibdib ko dahil totoo ang mga nangyayari, lumakas ang pag iyak ni tita at si titong taimtim na umiiyak.
Ng magising ito lagi ko siyang binabantayan, lagi nitong sinasabing pumasok na ako at ok lang siya pero nakikita kong mahina ito namayat ng husto wala na ang maganda nitong katawan.
" Ca-rimine, pumasok ka na marami ka ng namissed na lessons" nanghihinang sabi nito sa akin, umiling lang ako sa kanya at hinawakan ang kamay at dinala iyon sa pisngi ko saka iyon hinaplos at hinalikan. Nagpakatatag ako, hindi ko ipinapakitang nasasaktan ako tuwing umaaray ito sa sakit, ginawa ko ang lahat para hindi maiyak sa harapan niya dahil ayokong dumagdag pa.
" No, babantayan kita Alas. May gusto ka ba?" Tanong ko sa kanya, umiling lang ito at tipid na ngumiti.
" I - love you Carimine..." Mahina nitong usal, hindi ko mapigilang hindi maluha, ang sakit sakit na makitang nakahilata siya diyan at mahina. Bakit si Alas pa? nawala na ang dating sigla sa mga mata niya napalitan iyon ng sakit.
" I- Love you more Alas, magpagaling ka ha diba sabi ko nong isang araw kapag natapos ko ang kursong Doctorate ako mismo ang gagamot sayo?" Pinilit kong ngumiti habang patuloy ang paglandas ng luha sa mga pisngi ko.
" Hmmn, M-ahal na Mahal kita baby" pinunasan nito ang luha ko at pilit na hinahaplos iyon.
" I know, I know A-las" lalong sumasakit ang dibdib ko.
" P-wede ko bang marinig na sabihin mo sa akin ku-ng gaano mo ako ka-mahal?" Tanong nito at nakangiti ng tipid, huminga ako ng malalim at lumunok.
" Mahal na Mahal na Mahal kita" lumapit pa ako para marinig niya lalo iyon.
" A-lam mo bang Carimine means you are mi-ne?" Mahina itong tumawa, napatawa din ako habang nagpupunas ng sipon. Yeah yan ang iniisip ko noon pero hindi ko akalaing marinig mula sa kanya iyon.
" C-an I ask you something ba-by?" Tanong nito habang naka titig sa akin, tumango ako bilang sagot.
" P-wede mo ba akong kantahan?" Tanong nito, hindi ako marunong pero para sa kanya gagawin ko.
Habang kinakantahan ko siya ng "the day we met" ay humihigpit ang hawak nito sa kamay ko, hindi ko winala ang titig ko sa kanya.
" T-hank you baby" pasalamat nito ng natapos ko ang kanta, tumango ako at hinalikan siya sa noo.
" C-an I sleep?" Tanong nito sa akin, nag aalangan akong tumango sa kanya dahil parang may pumupigil sa akin para hindi sumang ayon.
Ngumiti siya at pumikit, tumayo ako at inayos ang kumot nito saka ako umupo ulit at hinawan ang kamay niya, ilang sandali pa ay natulala ako dahil tumunog ang machine sa gilid.
" A-las, wake up.." tumayo ako para sipatin ang katawan nito, hinawakan ko ang pisngi niya, paulit ulit kong tinatawag ang pangalan nito pero hindi siya sumagot.
Naalarma ako ng unti unting naging straight line ang guhit na nasa machine, nanginig ang buong katawan ko dahil umuugong ang tunog ng machine sa kalooblooban ko, tumingin ako kay Alas, kumaripas ako ng takbo palabas para tawagin ang doctor na ngayon ay kausap nina tita.
" Hindi kayo pwede sa loob misis" Sabi ng nurse sa amin, ikinuyom ko ang kamao ko at pasalampak na umupo, no ! Hindi! Hindi pa pwede! Please wag niyo muna siyang kunin sa amin, may pangarap pa kami nangako pa siyang sasamahan niya ako hanggang pagtanda!.
" Time of death 5:45 pm, I'm sorry for your lost, " nanlumo ako ng marinig mula sa doctor ang mga katagang sinabi niya, nagwala si tita habang yakap yakap nito si Tito, parang sirang plaka na paulit ulit kong naririnig. Hindi, Hindi pa siya patay! Nangako siya sa akin, nangako siya! Hindi!.
-M