bc

Masarap ang Bawal (Rated- SPG)

book_age18+
12.4K
FOLLOW
48.6K
READ
forbidden
possessive
sex
arrogant
student
twisted
bxg
nerd
prostitute
wild
like
intro-logo
Blurb

“Forgive me, Father for I have sinned… I desire the heaven in your touch and the hell of your temptation.”

- Danah

Meet Knight Montenegro—a man who was once a good son, a loving brother, and a loyal friend. A man who chose the path to becoming a priest. But sometimes, temptation comes when you least expect it… especially when you’re only steps away from being ordained.

And when Knight finally gave in to temptation, everything changed. He had to lie to everyone around him—pretending to be the priest he was supposed to become while hiding the truth behind his greatest sin.

chap-preview
Free preview
Teaser
Wait lang guys papalitan ko ang storyline. Have you taken your vow yet, Father?" Isang malanding tinig na pumutol sa pagmuni-muni ni Knight. Puno ng makapal na kolorete ang mukha at halatang kinapos sa tela ang suot na dalawang metrong piraso ng damit. Humahalimuyak ang matapang nitong pabango habang bahagyang dumidikit ang katawan nito sa kaniyang braso at ngumunguya pa ng bubblegum. Napabuntong hininga nang malalim ang binata. Dalawang buwan na lamang at oordinahan na siya upang maging ganap na pari. Bago ang kaniyang huling hakbang sa bokasyon, binigyan siya ng pamunuan ng seminaryo ng tinatawag na period of discernment, isang maikling panahon upang makapag-isip sa labas ng kumbento at mapatunayan sa kaniyang sarili na karapat-dapat siyang maging tagapaglingkod. Nasa gitna sila ng tinatawag nilang Paradise Island. Isang pribadong isla sa gitna ng karagatan na binili ng angkan ng mga Montenegro ilang dekada na ang nakalilipas. Mula sa kinatatayuan ni Knight, kitang-kita ang ganda ng paligid, ang kulay turkesang tubig-dagat na sumasayaw sa ilalim ng liwanag ng buwan, ang pinong puting buhangin sa dalampasigan, at ang nakakarelaks na hampas ng alon sa pundasyon ng mansyon. May mga infinity pool na tila dumadaloy diretso sa karagatan. Subalit sa kabila ng natural na ganda ng kalikasan, ang loob ng mansyon ay isang pugad ng kadiliman at kahalayan. Dito nila dinadala ang mga babaeng gusto nilang angkinin at matikman mula sa mga sikat na artista, kilalang modelo, hanggang sa mga pambato sa beauty queen pageant. Sising sisi si Knight kung bakit siya sumama. Inakala niya noong una na simpleng pahinga at usapang pampamilya lamang ang pakay ng paanyaya ni Joseph. Ngunit heto siya ngayon, nakatayo sa gitna habang napapalibutan ng mga tentasyon. Napapitlag siya ng biglang hinawakan ng malanding babae ang likod niya. Kaagad siyang napaatras at kumunot agad ang noo. "Not yet, ma'am," malamig at pormal na sagot ng binata nang hindi man lang ito sinusulyapan nang diretso. “So puwede pa bang–” “Don’t touch me!” mariin niyang putol sa sasabihin nito bago pa siya nito mahubaran. “Suplado, hmmp!” mataray nitong inayos ang buhok saka ibinaba ang tingin sa dibdib ni Knight bago muling naglakad palayo habang paimbay ang balakang. Nanatiling patayo at tuwid ang tindig ni Knight. "Ano, pinsan? Wala ka talagang nagugustuhan sa kanila? Iyon na si Janice ang pinakamaganda, sexy at porselana ang binigay ko sa ‘yo ayaw mo pa rin talaga?” Pag-iling na lamang ang isinukli niya sa pamimilit nito sa kaniya. Niyaya siya nitong maupo kaya sumuunod siya. “Bro, ‘wag ka namang KJ diyan! Join us!” turan ng isa pa nilang pinsan habang pinapalibutan ito ng tatlong magagandang babae. Bumunghalit ng tawa ang iba pa niyang mga pinsan. Sa kabilang dulo ng mesa, lantaran at walang pakundangan ang pagse-s*x ng dalawa niyang kamag-anak sa ibabaw mismo ng lamesa, habang ang ibang mga babae ay patuloy na nagbubuhos ng alak at nagpapakain ng prutas sa mga lalaki. “Baka naman bakla ka, bro? Puta! Walang bakla sa lahi natin!” segunda pa ni Lebron sabay bato sa kaniya ng serbesa ng beer pero mabilis siyang nakailag. "Iwanan niyo na 'yan si Knight! Banal 'yan!" sigaw ng isa pa niyang pinsan na si Lucas habang nakakandong sa kaniya ang isang sikat na commercial model. "Baka kapag humawak 'yan ng babae, kidlatan tayo rito sa isla!" Nagtawanan nang malakas ang lahat sa mahabang lamesa. Ginawang katatawanan ng kaniyang sariling dugo ang kaniyang piniling landas. "Seryoso, Knight," muling sabi ni Joseph sabay tayong hawak ang baso ng scotch. "Isang gabi lang. Mamili ka riyan o kahit sinong gusto mong babae. Alam mo naman lahat ng gusto natin ay nakukuha natin ‘diba?” “Sige na, bro. Puting-puti ang mga 'yan, makinis, at gagawin ang kahit anong gusto mo. Huwag mong sabihing hindi tumitigas ang nasa loob ng pantalon mo?" Nanatiling tahimik si Knight. Ang kaniyang mayuming mukha, matutulis na rahang, at malalim na matang kulay abo ay walang naipakitang kahit anong emosyon. Hindi siya nagalit sa mga tukso ng kaniyang mga pinsan. Sa halip, may isang bagay na napatunayan si Knight sa kaniyang sarili habang pinagmamasdan ang kaguluhan sa kaniyang paligid. Hindi siya natutukso. Kahit gaano kaganda, kaputi, o kahubog ang mga babaeng nakapaligid sa kaniya, kahit maghubad pa ang mga ito sa kaniyang harapan, nanatiling malamig ang kaniyang pakiramdam. Walang kahit anong pagnanasa na gumising sa kaniyang katawan. Ang tawag ng laman na kinaguguluhan ng kaniyang mga pinsan ay walang silbi sa kaniya. Buo ang kaniyang paninindigan na ang kaniyang puso at katawan ay nakalaan lamang sa mas mataas na layunin. Ibinaba ni Knight ang kaniyang tingin sa whiskey na kaniyang hawak, bago muling tumingin nang diretso kay Joseph. "I can’t do that, Joseph. Swear I’m good.," banayad ngunit pormal na boses ni Knight na nakapatahimik sa ilang taong malapit sa kaniya. "Tsk. Napakaselan mo talaga," naiiinis na ilag ng ulo ni Josep bago muling hinalikan sa leeg ang kasamang modelo. "Bahala ka. Sayang ang gabi mo rito sa Paradise Island." Tinalikuran ni Knight ang mahabang lamesa at ang maingay na lipon ng mga tao. Naglakad siya patungo sa balkonahe ng mansyon kung saan mas naririnig ang tunay na tinig ng karagatan. Hinihipan ng malamig na hangin ang kaniyang maikling buhok. Nakatingin siya sa madilim na karagatan na nasisilangan ng liwanag ng buwan. Napatunayan na niya ang kaniyang sarili sa lunsod at sa marangyang mundong ito. Walang babae o karangya ng pamilya Montenegro ang makakapagpabago sa kaniyang desisyon na pumasok sa paglilingkod. Magpapari siya at walang makakahadlang sa desisyon niyang ‘yon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.9K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
33.8K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.7K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
115.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook