CHAPTER 32 CHIARA POV Nang makababa ako sa sasakyan ni Mr. Sebastian, agad akong pumasok sa aming tahanan. Pagpasok ko, agad kong nakita si ate Giorgia na nakatayo malapit sa bintana, tila may kakaibang ekspresyon sa kanyang mukha. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman niya, kaya't nagdadalawang isip akong lumapit. "Chiara, sino 'yun?" tanong ni ate Giorgia, ang kanyang mga mata'y bumabalot ng kuryosidad habang tinutok niya ang kanyang mga mata sa labas ng bahay. Aking binigyang pansin ang kanyang tanong at sinabi, "Ah, si Mr. Sebastian po 'yun, ate. Inihatid niya lang po ako." Napansin ko ang pagdilat ng kanyang mga mata, tila may kakaibang reaksyon sa narinig niya. Ngunit agad niyang itinago ang anumang emosyon at nagpatuloy sa kanyang ginagawa. "Ah, ganun ba?" aniya, tila walan

