Bigla akong nagising ng may naramdaman akong may yumayakap sa akin. Nakalimutan ko na nasa kama ko pala si Sander. Pagmulat ko madilim pa at mabuti na lang naka talikod ako kay Sander. Aalisin ko na sana ang kamay niya kaso gumalaw siya at mas hinigpitan ang pag yakap sa bewang ko. Pinikit ko ang mga mata ko at nag panggap na natutulog. Naramdaman ko ang pag halik at pag haplos niya sa buhok ko. " I missed you. " Mahina niyang sabi. Na miss rin kita Sander, na miss ko yung noon tulad ngayon. Hinahaplos mo ang buhok ko habang natutulog, hinahalikan ako sa ulo habang nakayakap sa'yo. Pinilit kung manahimik at pinigilan ang pag tulo ang luha ko. Hindi ko gustong makita niyang na aapektuhan ako, na unti unting napapatawad ko na siya. Malapit na akong bumigay sa kanya kaso inaalala ko ang dal

