" Minahal mo ba talaga ako noon Sander ? " Ang una kung tanong sa kanya. " Summer, playboy ako noon pero nag bago ako ng nakilala kita at minahal kita. " Sagot niya at tinignan ako sa mata. Alam kung nag sasabi siya ng totoo dahil nakikita ko yun sa mga mata niya. " Alam kung gago ako pero mahal kita at hindi yun nag bago. " Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Mahal parin niya ako. " Kung mahal mo ako bakit mo ako iniwan ? Nag makaawa ako nun na mag usap tayo pero pina uwi mo ako. " Pinipigilan ko ngayon na maluha. Para kasing tinutusok ang puso ko pag na aalala ko ang mga nangyari noon. " Sorry, Summer kung naging mahina ako. Binilog nila ang ulo ko. " Sagot niya. Bigla niyang kinuyom ang mga kamay niya at galit ang mga mata. " Binilog ang ulo mo ? " Naguguluhan kung tanong sa kanya

