" La ! " Ang unang lumabas sa bibig ni Sander ng makita si Madam na naka upo sa sofa ng unit ko. Anong ginagawa niya dito ? Panu niya nalaman ? Nakita ko si Nanay Gina sa kusina at naka tingin sa amin na para bang mali ang ginawa niyang papasukin si Madam. Kinuha ko si Dale kay Sander at hindi naman ito umiyak. Si Eulesis naman naka yakap lang sa leeg ni Sander. Dahan dahan kaming lumapit kay Madam at naupo sa kalapit na upuan. " Hanggang kalian niyo itatago sa akin to ? " Walang ganang tanong ni Madam na nag patindi ng takot at kaba ko. " La, sasabihin ko naman kaso.. " Hindi na natapos ni Sander ang sasabihin ng biglang nag salita si Madam. " Kaso ano Sander ? Kung hindi pa kay Sugar hindi ko pa malalaman ? " May hinanakit sa tono ni Madam. Alam kung nasaktan siya sa ginawang pag s

