Lumipas ang isang buwan at nagawa akong kumbinsihin ni Sander na lumipat at nasa isang exclusive subdivision kami lumipat. Malaki ang bahay,may apat na kwarto at may pool. Ang sabi ni Sander mag papa gawa daw siya ng maliit na garden malapit sa pool. Ayaw ni Sander ng two story house at sumang ayon rin ako, nakaka tamad kasi mag hagdan araw-araw. Nung una medyo nagalit si Eiffel dahil bakit raw titira ako kasama si Sander eh kaka ayos lang naming at isa pa ayaw niyang maniwala na wala na si Kristine at Sander pero ito siya ngayon at tinutulungan kami sa pag aayos ng bahay at kasama niya si Jake. Noon siya ang atat na bigyan ng chance si Sander pero na kita niya kasi ang tweet ni Kristine tungkol kay Sander kaya nagalit. " Naku ! Pag yan gumawa ulit ng problema umuwi ka sa unit ko at ako

