Naka higa lang ako sa kama at hinintay si Sander. Titignan ko ang reaksyon niya pag nakita ang text ng higad na si Kristine. Sumasakit na ang leeg ko kakalingon sa pintuan pero hindi pa rin siya pumapasok. Kating kati na rin ang kamay kung kunin ang Iphone ni Sander. Malapit na talaga akong mabaliw ! pagod na kasi akong masaktan. Pag talaga makita ko ang Kristine na yan hindi ko talaga alam kung anong magagawa ko sa kanya. Na balita na ako noon dahil sa ginawa kung pag gupit ng skirt ng isang higad na patay na patay kay Sander at kay Krisitne baka ma balita na ako sa buong mundo. Binago ko naman ang sarili ko ng sinagot ko si Sander, hindi na ako pumapatol sa iba except na lang pag na una sila dahil hindi ako makaka payag na saktan nila ako. " Payag na si Nanay, bukas mag papahanap na ak

