IPWMP 18

1734 Words
" Bye, Kuya. I will miss you. " Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan niya ako sa ulo. Ngayon ang uwi niya sa Madrid at ilang beses niya akong niyayang umuwi at tulungan siya sa company. Palagi akong umiiling bilang sagot dahil hanggang ngayon wala pa akong lakas na makita sina Mommy at Daddy. " Go home, ok ? " Napa iling ako ulit at napa iling na lang si Kuya. " Tigas ng ulo. Hindi sa Madrid, sa condo ni Eiffel. One week ka ng absent sa trabaho. Di kapa ba tinatawagan ng boss mo ? " Takang tanong ni Kuya. Wala siyang alam na sa Saavedra ako nag tatrabaho. Pag nalaman kasi niya papaalisin lang ako nun. Araw araw nag papadala ng email ang HR sa akin. Sina Blue at Cindy palagi akong kinukulit kung nasaan na ba ako. Nahihiya na nga ako pero ni isa sa kanila wala akong sinagot. " Umalis kana nga lang ! Hahaha, bye ! " Paalam ko sa kanya bago pumasok sa loob ng bahay ni Nanay Gina. Dito muna kami nag palipas ng ilang araw matapos kaming mag outing. Ayoko pa kasing mag trabaho lalo na pag si Sander ang boss ko. Ilang araw na rin kasi akong absent at wala pa akong balak mag pakita sa bago kung boss. Pinag iisipan ko pa kasi kung anong gagawin ko sa kanya at isa pa tinatago ko ang mga bata baka kunin niya kasi ang kambal. Mag kamatayan na muna bago niya makuha ang kambal.  " Anak, kailan ka babalik ng trabaho ? " Tanong ni Nanay Gina habang nag hahapunan. " Monday na siguro, Nay. " Sabado ngayon kaya may oras pa akong mag isip. " Hindi naman sa pinapaalis ko kayo sa bahay kaso malamok rito at mainit baka mag kasakit ang kambal. " Walang alam si Nanay Gina tungkol sa amin ni Sander ang alam niya nag leave ako para makasama si Kuya. Hindi na ako sumagot at pinagpatuloy ang pagkain. Hindi naman kasi kalakihan ang bahay ni Nanay Gina at half ng bahay gawa sa kawayan kaya minsan mainit. Namumula na nga si Eulesis at panay ang iyak dahil hindi sanay sa init. Si Dale naman ay namumula ang leeg at kili kili dahil rin sa init hindi naman kasi sapat ang isang electric fan. Kinaumagahan maaga akong nagising dahil sa isang tawag. Kinabahan ako dahil si Madam ang tumatawag. " H-hello. " Summer. Napa lunok ako at hindi alam kung anong sasabihin kay Madam. I want to see you tomorrow. Sasagot pa sana ako kaso naputol ang tawag. Sht! Galit si Madam. Panu na to ? Wala na akong nagawa kaya nang impake ako ng gamit. No choice, uuwi kami ngayon para maka pasok na ako bukas. " Oh? Akala ko ba bukas pa tayo babalik ng Maynila ? " Takang tanong ni Nanay Gina. " Tumawag kasi si Madam. " " Ganun ba ? Sige, at mag hahanda rin ako ng gamit. " Nag init ako ng tubig para ipa ligo sa kambal. Una kung pina liguan si Dale at sunod si Eulesis. Habang binibihisan ko si Eulesis panay ang kanyang ubo. Kinapa ko ang noo niya at wala naman siyang lagnat. " Naku ! Ipapa check up na kita bukas. " Kinarga ko siya at naabutan sina Nanay Gina at Dale sa labas ng bahay. " Nasa loob na ang mga bagahe, anak. " Sabi ni Nanay at pumasok ng kotse. Mahigit dalawang oras rin ang byahe bago nakarating sa condo. Tulog pa rin ang kambal, napuyat siguro sa byahe. ---- " Mukhang maiinit si Dale. " Sabi ni Nanay Gina habang hinihele si Dale. Iyak kasi ng iyak at ayaw uminom ng gatas. Kinuha ko ito at hinele. " Maaga akong aalis ng opisina bukas, Nay para ipa check up silang dalawa. Si Eulesis kasi inuubo. " Tumango lang si Nanay at lumabas ng kwarto. Kinaumagahan nauna akong nagising kay Nanay Gina at nag handa ng agahan. Pagkatapos ay naligo at nag bihis na ako pa opisina. " Nay ikaw na bahala sa dalawa. Maaga ako ngayon para maka alis ako agad. " Nang nasa labas na ako ng building nakita ko si Ricky at naka ngiti itong nag lakad papunta sa akin. " Hatid na kita. " " Meron akong kotse. " Napa kamot siya ng batok at napa tingin sa akin. " Sabay ako. Hehe. " Napa taas ang kilay ko pero ngumiti lang siya. " Nasa kabila ang kompanya mo. " Nag lakad ako papuntang kotse at pumasok si Ricky sa tabi ko. Hindi ko na lang siya pinansin at pina andar ang sasakyan. Nang nasa Saavedra na kami naunang bumaba si Ricky at pinag buksan ako. Hindi ko na siya pinansin at nag lakad papasok ng building. " Hintay. " Sigaw niya kaya napa tingin ang lahat ng tao na nasa lobby. " Ano ba kasi ang gagawin mo dito ? " Takang tanong ko sa kanya. " Ihahatid ka. " Naka ngisi niyang sagot. " Pwede ba marunong akong mag lakad ng mag isa at anong hatid ? Kung tadyakan kaya kita ? " Nakakairita talaga to ! Kinakabahan na nga ako nangungulit pa ang isang to. " Eh an-- " Natigil siya sa pag sasalita ng biglang nanahimik lahat ng tao sa lobby at mismong gitna pa namin ni Ricky dumaan si Sander. Sht! Muntikan na akong matumba dahil na bangga niya ang balikat ko pero tuloy tuloy lang siya papuntang elevator. Lahat ng tao naka tingin sa akin at si Ricky parang nabigla sa nakita niya. " A-aalis na ako. " Tatanongin ko pa sana siya kaso ang bilis niyang lumabas. Nanginginig ang kamay ko habang nasa elevator. Anong kapintasan na naman ang aabutin ko kay Sander nito ? Pinag papawisan na ako. Pag pasok ko ng office naka tayo siya malapit sa mesa ko. Nasa bulsa ang kamay niya habang naka tingin ng masama sa akin. Natatakot man pero nag lakad ako palapit sa kanya. " G-good morning, Sir. " Nauutal kung bati. " What's good in the morning? " Cold niyang tanong. Gosh! Aalis na ba ako ngayon ? " Sorry po. " Napa yuko ako dahil sa kaba. Napaka intimidating ng dating ni Sander. Nag iba na talaga siya. " You're gone almost a week Ms. Andana and I'm so disappointed. So unprofessional. " Mariin niyang sabi. " Sorry. " " Sorry ? Inantala mo ang trabaho ko ? " Napa lunok ako sa takot. " Tatanggalin mo na ba ako ? " Tanong ko at napa kunot ang noo niya. " No. " Yun lang ang sinabi niya at malakas na isinara ang pintuan ng office niya. Ganun lang yun ? Ni hindi man lang niya tinanong ang tungkol sa mga bata ? Pagka upo ko agad na tinawag ako ni Sander. Ano na naman ang sasabihin nito ? Na napaka unprofessional ko kasi nag absent ako ng walang pinasang letter? Tss. " Yes po ? " Naka yuko lang ako sa harap niya. " Ipag timpla mo ako ng kape at bilhan mo ako ng breakfast. Ipadala mo rin ang letter kay Mr. Buenaventura. Tignan mo rin kung may meeting ako ngayon. Pwede ka ng lumabas. " Ano raw ? Hindi na ako nag aksaya ng oras at pinagtimpla siya ng kape. Hindi ko nilagyan ng cream dahil ayaw niya yun. Bumalik ako agad dahil bibili pa ako ng breakfast niya. " Ito na p-po, Sir. " Nilapag ko ang coffee sa mesa at agad na umalis. Bumaba ako ng building at agad na nag hanap ng restaurant. Nag hintay ako ng 20 minutes bago nakuha ang pagkain. Napa hinga ako ng malalim ng makalimutan ko na hindi pala ako naka kuha ng pera kay Sander. Agad akong bumalik at tahimik na nilapag ang pagkain sa mesa niya. Nang maka upo ako agad kung sinimulan ang naiwan kung trabaho. Marami rami rin at kailangan ko na tong matapos. " Sir, bukas pa po ang meeting niyo kay Mr. Cy. " " Ok. " " Umm, Sir pwede po bang half day lang ako ngayon ? " Ipapa check up ko kasi ang kambal mamayang hapon. " Sumusobra kana ata Ms. Andana ? " Nanunuyang tanong niya. " Kasi po may pupunata-- " " Kasi ano ? Para ipalaam ko sa'yo. One week kang nawala at tapos sasabihin mong half day ka lang dahil may pupuntahan ka ? " " Aalis kas-- " " Aalis ka at makikipag landian sa kasama mo kanin-- " Hindi na niya natapos dahil sinampal ko siya ng sobrang lakas. Wooh ! Sarap ng feeling na nasampal ko siya. At last, ang matagal ko ng gustong gawin sa kanya ay nagawa ko na. " Landi ? Ako ? Alam mo, ikaw ang sumusobra dito ! Matagal na kitang gustong sampalin kaso nandito si Madam ng mga panahong yun ! Ikaw na walang hiya kang manloloko ka ! " Pinag susuntok ko siya sa dibdib at hinawakan niya ang kamay ko para patigilin ako. Napa hikbi ako dahil nailabas ko na ang mga hinanakit ko sa kanya. " Manloloko ka ! Matapos mo akong iwan ito ang ipapakita mo sa akin ! Tang*na ka ! Bakit kapa bumalik ha ?! Ba't kapa bumalik ? " Sigaw ko sa kanya. Tahimik lang siya habang hawak hawak ang kamay ko. Umiiyak na rin ako sa harap niya. " Mukhang ikaw pa ang galit ?! Sander, ako ang dapat na magalit dahil buntis ako ng iwan mo ! Ako ang may karapatan na magalit ! Ako ! Dahil ako ang iniwan mo ! Ako itong iniwan mo habang naghihirap ! Kaya wala kang karapatan na paratangan akong malandi ! " " Wala kang hiya ! Ito ang ang tandaan mo Sander. Ni anino ng mga bata hinding hindi mo makikita ! " Naluluhang lumabas ako ng opisina. Aalis na sana ako ng bumukas ang elevator at nakita ko si Madam. Agad kung pinunasanan ang mukha ko at binati siya ng naka ngiti. " Ayos ka lang ? Pinagalitan kaba ng apo ko ? " Takang tanong ni Madam ng makita ang namumula kung mata. " Ahm, wala po. " " Ganun, sige mamayang hapon sasamahan mo muna ako kay Mr. Chiong. " Tumango lang ako at napa buga ng hangin. Bukas ko na siguro ipapa check up ang mga bata. Mukhang wala akong kawala ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD