IPWMP 19

1645 Words
" Nay mamaya ipapa check up ko ang mga bata, mainit na rin kasi si Eulesis. " Kahapon kasi 7pm na ako naka uwi dahil nag pasama pa si Madam sa site. Hindi naman ako maka tanggi dahil si Madam yun at ilang araw rin kasi akong nag absent ng walang pasabi baka pati siya pagalitan ako. " Mag absent ka kaya muna anak ? " Tanong ni Nanay Gina habang pinapainom ng gatas si Eulesis. Kung mag aabsent ako masasabihan na naman ako ng malandi. Bwesit kang Sander ka ! Labag man sa loob pero pumasok ako. Bandang 9 am na pumasok ang magaling kung boss at parang hangin lang ako na dinaanan niya. May katawagab pa sa cellphone habang nag lalakad. Walang hiya ! Sarap hambalusin ! Sa buong umaga hindi siya lumabas ni hindi siya nag pakuha ng kape at nag pabili ng breakfast or lunch. Mamatay ka sana sa gutom ! " Hoy ! Saan ka galing babae ka ? " Tanong ni Blue habang kumakain kami. " Diyan lang sa tabi tabi. " Sagot ko habang ngumunguya. " Tabi tabi ? Kung tadyakan kaya kita. Alam mo bang nag alala kami dahil panay ang tawag ang text namin sa'yo ni isa wala kang sinagot. " Sabi naman ni Cindy habang naka tutok ang tinidor niya sa mukha ko. " Oo nga, sina Eiffel at Kyla wala ring alam kung saan ka nag punta. " Sabi ni Blue. " Nag bakasyon lang. " Hindi nila pwedeng malaman na kasama ko si Kuya. Crush pa naman ni Blue yun at wala silang alam sa tunay kung pagkatao. Mga kaibigan ko sila pero kailangan kung itago sa kanila kung sino talaga ako dahil baka sa susunod na araw mabigla na lng ako dahil alam na ng lahat. " Sa susunod pag umalis ka magpasabi ka naman alam mo bang kami ang hinanapan ni Madam at ni Sir Shander err. " Kinikilig na sabi ni Cindy. Hinanap ako ni Sander ? Hmm. " Oo na, sa susunod. " Pag balik ko saktong palabas si Sander ng opisina. Nagkatinginan kami at ako ang unang umiwas. " Sasama ka sa meeting. " Aapila sana ako kaso mabilis siyang umalis. Panu na ang mga bata ?! Pagpasok ko ng conference room may limang lalaki at isang babaeng kasama si Sander. Na upo ako sa malayong upuan kaso tinignan nila akong lahat. Napa buga ng hangin si Sander at tinuro ang upuang katabi niya. Napa lunok ako bago nag lakad palapit sa kanya. " Shall we start ? " Tanong ng isang chinito. Kung hindi ako nag kakamali siya ang anak ni Mr. Chiong. Tumango si Sander at nakinig sa presentation ng anak ni Mr. Chiong. Napa tingin ako sa babaeng kasama nila at naka tingin ito kay Sander. Tinaasan ko siya ng kilay kaso hindi niya ako nakikita dahil kagat labi siyang naka tutok sa bawat galaw ni Sander. Malandi ! Tsss. Kung kalmutin ko kaya siya ? Wala na akong maintindihan sa anak ni Mr. Chiong dahil busy ako sa kakatingin sa impaktang to. Sarap hambalusin ! Napa pitlag ako ng mag vibrate yung phone sa lap ko. Umilaw ito at si Nanay Gina ang tumatawag. Sasagutin ko na sana ng tinignan ako ng masama ni Sander. Namatay ang tawag at nag resume ako sa kakatitig sa babae. Nag vibrate ulit ang phone ko at si Nanay Gina ang tumatawag. Yumuko ako ng kaunti at sinagot ang tawag kahit na masama ang tingin ni Sander. " Anak ! Kanina pa kita tinatawagan ! Ang kambal nasa hospital! " " Ano ?! " Sigaw ko at lahat ng tao napa tingin sa akin. " Kasama ko sina Kyla at Ken. Punta ka ngayon dito sa Saavedra Hospital. Bilisan mo anak. " Tumayo agad ako at lahat sila naka sunod ang tingin habang mabilis akong umalis ng conference room. Agad kong pinaandar ang sasakyan. Anong nangyari ? Oh God, please sana ok lang ang mga anak ko. Pag dating ko hinihintay ako nina Ken at Kyla. Agad nila akong sinamahan sa ER. " Anong nangyari ? " Tanong ko sa kanilang dalawa. Pag dating ko sa ER naka higa si Dale kasama si Nanay Gina. Iyak siya ng iyak at sa paa niya naka tusok ang IV. Napa luha ako ng makita ang kalagayan ng anak ko. Agad kung hinanap si Eulesis pero hindi ko siya nakita. " N-nasaan si Eulesis ? " Basag na ang boses ko at walang tigil ang luha ko. " Nasa ICU. " Sagot ni Nanay Gina. Nanghina ang tuhod ko at parang sinuntok ang puso ko sa naging sagot ni Nanay. Nanlamig ako at agad na hinawakan ang kamay ni Dale. " Excuse me, sino ang nanay ng mga bata ? " Napa tayo ako ng makita ang Doctor at namutla ng makilala ko siya. " S-summer ? M-may anak ka? I mean.. Never mind." Sobrang gulat si Samuel ng makita ako. " Sam, please tulongan mo naman ako. Save my twins, please. " Pagsusumamo ko habang hawak ang kamay niya. " I'm doing my best here Summer. Merong dengue ang mga bata at malala ang isa dahil nagpa komplikado ang asthma at pneumonia niya. " " Ano ?! " Ang tanga ko ! Kung sana maaga ko silang dinala walang masamang nangyari. " We need blood as soon as possible, Summer. Type B positive sila at nagkakaubusan dito dahil uso ang dengue ngayon. " Nanlumo ako dahil Type A ako. Tanging si Sugar ang makakatulong sa akin dahil malamang type B rin siya kagaya ng Kuya niya. " Pag wala pang dugo after 1 hour I'm sorry pero hindi na kakayanin ng mga bata lalo na ang isang nasa ICU. " Pagkasabi ni Samuel agad kung tinawagan si Sugar. " Hello ? " Nabuhayan ako ng dugo ng sumagot siya sa kabilang linya. Salamat sa Diyos dahil hindi siya nag palit ng number. " Sugar si Summer to. I really need your help. " " Ate ? Nasa isang restaurant ako malapit sa aming hospital. " Agad akong lumabas ng hospital at hinanap si Sugar. " Ate ? " Nag alalang tanong ni Sugar ng makita ang namumula kung mata at ilong. " I really need your help. " Panay ang tulo ng luha ko. Pinag titinginan na kami ng tao pero wala akong paki alam. Buhay ng mga anak ko ang naka salalay dito. " What happened ? " " Type B kaba ? " Mukhang nabigla siya sa tanong ko pero tumango siya. " Kailangan ko ang dugo mo. " Pumiyok pa ako ng sinabi ko yun. " What ? I mean why ? I can't, I mean. Uminom kasi ako and I think hindi yun pupwede. Sino ba ang may kailangan ng dugo? " " Ang mga anak ko. Kung hindi mawawala si-- " " Anong sabi mo ?! " Natigilan ako at napa tingin sa likod ko. Mabilis siyang nag lakad palapit sa akin at marahas na hinawakan ang siko ko. " Anong sabi mo ?! " Ulit niya. Mahina pero may diin ang pagkakasabi ni Sander. Diniinan niya rin ang pag hawak sa siko ko. " A-ang kambal. Sander may dengue ang kambal. They need your blood. " Iyak ko at agad na namutla si Sander. " Bakit kay Sugar kapa nag punta eh pwede mo naman akong tawagan ?! Alam kung may kasalanan ako pero mga anak ko rin sila Summer! Tangina naman ! Anak ko rin sila ! " Sigaw niya at napa singhap si Sugar. Maging ibang tao nag bubulongan na. " Please wag dito Sander. Isang oras na lang ang itatagal ng mga bata pag wala pang dugo. " Nahirapan akong magsalita dahil sa pag iyak ko. Nanlumo si Sander at agad akong hinatak palabas ng restaurant. Mabilis ang lakad niya at muntikan pa akong madapa dahil sa bilis ng lakad niya. Pag pasok namin agad na nakita niya si Samuel at nilapitan niya ito kasama ako. " Fck ! Save my twins or I'll kill you ! " Sigaw niya sa kanyang pinsan. " Wh-what ?! May anak kayo ni Summer ? " " Kunin mo na ang lahat ng dugo ko! " Hinatak niya si Samuel palayo at naiwan akong umiiyak. Pag pasok ko ng ICU agad na nawasak ang puso ko ng makita si Eulesis. Mabilis ang pag hinga niya at maraming IV ang naka turok sa kamay niya. Napa iyak ako lalo ng makita ang ang machine sa tabi niya kung saan nakikita ko ang maraming linya. Si Dale naman ay nailipat na sa isang private room at inaasikaso na siya ng mga nurse at ni Samuel. Hindi ko kayang hawakan si Eulesis dahil awang awa ako sa kanya. Wala akong kwentang ina ! Kung sana na alagaan ko sila edi sana wala siya ngayon dito. Panay ang iyak ko ng pumasok si Samuel at isang nurse. May chineck siya kay Eulesis at meron siyang dalang bag ng dugo. " Don't worry he's a fighter, he'll survive. " Sabi ni Samuel habang tinititigan ang natutulog na si Eulesis. " Grabe, kamukha niya talaga si Sander. " Naka ngiti niyang sabi at tumango bago lumabas ng kwarto. Maka lipas ang limang minuto pumasok si Sander at agad na nilapitan si Eulesis. Hindi niya ako napansin dahil tahimik akong naka upo malayo sa kama ni Eulesis. " Hi, son. " He sobbed. Oh my gosh! I've never seen him cry. Pero ito siya ngayon umiiyak habang hawak hawak ang kamay ng anak niya. " I'm your Dad. " Napa hawak ako sa baba ko para miwasang mag ingay. " You need to fight, son. Promise me you'll never leave Daddy. " He's crying for the first time. " Daddy loves you. " Hindi ko kinaya ang nakikita ko kaya tahimik akong lumabas ng kwarto at mabilis na pinuntahan si Dale.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD