Pinauwi ko na muna si Nanay Gina dahil alam kung pagod na pagod siya at isa pa mula ng pumasok si Sander sa ICU hindi na siya lumabas. Nag text rin si Eiffel na pupunta siya ngayon kasama si Jake para mag bantay kaya sina Ken at Kyla uuwi pag dating ng dalawa. " Panu nalaman ni Sander ? " Tanong ni Kyla. " Obviously she's working with him. The dumbass ex-boyfriend. " Napa irap si Ken ng sabihin niya yun. " Pwede ba, may sakit na nga ang kambal dadagdag ka pa ? " Pagalit na sabi ni Kyla kay Ken kaya napa tahimik siya. Naupo ako sa tabi ni Dale at hinahaplos ang maamo niyang mukha. Ang sabi ni Samuel bumabalik na ang lakas ni Dale at tumataas na rin ang platelet count niya. " Awang awa ako kay Eulesis. Maybe it's God's way para mag kaayos kayo ni Sander. " Sabi ni Kyla. " Malabong mag

