IPWMP 14

1257 Words
"Oh my gosh!" Ito na nga ba ang sinasabi ko! Nakakaiyak naman to, ba't ba ang babaho ng poops ng anak ko? "Pakibilisan naman po sana!" Sigaw ni Eiffel, tinutulungan kasi niya ako at kanina pa siya nagrereklamo. Kesyo mabaho at nakakadiri raw. "Wait. Hawakan mo ng maayos kapag 'yan nabalian ng buto papatayin talaga kita." Ang likot kasi ni Dale habang pinapalitan habang si Eulesis naman nakatulog kakaiyak ng magdamag. "Oo na pero pwedeng bilisan? Gatas lang naman ang iniinom nila bakit mabaho parin?" Tanong niya habang nakasimangot. "Tanong mo sa mama mo, napaka-arte mo talaga no?" Pag siya talaga nagka-anak hindi ko siya tutulungan. Napaka-reklamador! "Oo na nga. Sa susunod na buwan pa dadating si nanay Gina dahil nagkasakit ang anak niya kaya wala kang choice, tita Eiffel." Si Nanay Gina kasi yung yaya ni Eiffel noon at siya ang mag aalaga sa kambal. "Sige, pakisabi na tawagan agad ako kapag okay na ang lahat." Nilagay ko si Dale sa crib at agad nag timpla ng gatas. Simula nang umuwi kami ay tuluyan na akong naging mommy. Gising na gising ang diwa ko sa gabi hanggang sa makatulog sila. Minsan hindi ko narin magawang maligo dahil salitan sila sa pag-iyak kaya kumuha na talaga akong ng nanny dahil hindi na namin kaya ni Eiffel. Hindi naman kasi niya ako nasasamahan sa umaga dahil may pasok sila ni Jake sa trabaho. "Nga pala, pinapabigay ni mommy." Inabot sa'kin ni Eiffel ang isang sobre.  "Ano 'to?"  "Pera, sorry daw dahil hindi sila nakapunta alam mo na busy sa business at tsaka nasa Madrid sila with your parents." Napabuntong hininga na lang ako. I'm sure alam ng parents ko na nagka-anak na ako and I'm hoping na mapatawad nila ako kahit hindi na nila ako tanggapin basta tanggap lang nila ang mga anak ko.  "Pakisabi salamat sa kanila ni tita ha." "I wikk." "Ricky, sinabi ko na huwag mong guluhin eh." Nasa kwarto kasi ngayon si Ricky at ginagalaw si Eulesis na natutulog. "Eh gusto kong magising si iyakin eh." Sabay sundot sa mukha ni Eulesis. "Kapag 'yan nagising at umiyak bahala kana magpatahan ha!" Kainis, napaka-iyakin pa naman ni Eulesis. "Ikaw ang mommy dapat ikaw magpatahan." Kita niyo na ? Ang sama talaga ng ugali. "Kung tadyakan kaya kita ng makita mo? Alis nga, doon ka kay Dale sa sala." Hinawakan ko siya sa tenga at dinala sa sala. "Napakasadista mo talaga! Walang pinagkaiba sa pinsan." Nakangisi niyang sabi habang nakatingin kay Eiffel na ngayon ay nakataas na ang kilay sa kanya. "Shut the f**k up, moron!" Sabi ni Eiffel at binato siya ng throw pillow. "See? I'm mentally and physically abused here." Sabi niya at umupo sa tabi ni Eiffel na karga-karga si Dale. "Tanginang abused yan! Ano suntukan na lang? Shoo nga! Umalis kana nga dito baka mahawaan si Dale ng kasamaan mo." Umiyak ang natutulog na si Dale dahil sa ingay nilang dalawa kaya agad na binigay ni Eiffel si Dale sa akin. Mga walang hiya, kukunin lang nila ang dalawa pag good mood pero kapag umiyak sa akin nila lahat binibigay. Sarap pag-uuntugin ang ulo. Minsan kapag good mood si Jake kinakarga niya naman ang mga bata pero minsan tinitignan niya lang ang sabi ni Eiffel natatakot daw siya baka ma pisa ang mga bata kapag hahawakan niya. "It's your fault." Tumayo si Eiffel at nakatingin ng masama kay Ricky. "Anong ako? Ikaw itong napaka-ingay tapos ako pa ang may kasalanan. Mga babae nga naman oh." Napa-iling na lang si Ricky. "Ako pa? Eh ikaw nga itong may kasalanan!" Sigaw ni Eiffel. Pumasok na lang ako sa kuwarto at pinatulog si Dale na todo na ang iyak. Nang makatulog na siya, nilagay ko siya sa tabi ng kuya niya. Ganda nilang tignan, I could stare at them forever. My love for these two is so overwhelming that it hurts in a good way and I just realized that I'm lucky I get to hug and kiss them anytime I want.  Habang nag-aayos ako ng mga damit nila biglang nag ring ang phone ko. Unknown number at parang sa ibang bansa galing ang tawag. "Baka si Kuya to." Kaya sinagot ko agad ang tawag. "Hello." Naghintay ako ng sagot pero wala akong may narinig na sumagot sa kabilang linya. Tinignan ko ang phone at hindi pa naman na end ang call. "Hello." Isang malalim na hininga ang narinig ko at parang may na basag na bote. "Hello, mali siguro kayo ng number na tinawagan at kung sino kaman huwag ka na pong tumawag kung hindi ka naman sasagot. Gabi na po sa Pilipinas at nakaka-abala ka na. Huwag mong hayaan na sayo ko ilabas lahat ng problema ko ka-- " Hindi ko na natapos ang speech ko nang umiyak si Eulesis. Pinatong ko muna sa table ang phone at kinuha ang umiiyak na si Eulesis. Kinuha ko ang feeding bottle malapit sa kanya at pina inom ito pero iyak pa rin siya ng iyak. Tumayo ako at hinele si Eulesis. Pumikit ulit ito at pahina na nang pahina ang iyak niya. "Ikaw Eulesis ha, palagi ka na lang umiiyak kapag na istorbo sa tulog. Huwag naman pahirapan si mommy oh." Mabuti na lang talaga at hindi nagising si Dale.  "Kung hindi ka lang cute at gwapo ipamimigay talaga kita! Ano? Gusto mo bang ibigay kita? Ha?" Pinaulanan ko siya ng halik at parang nagustuhan niya dahil hindi naman ito umiyak, nakapikit lang siya at may ngiti sa labi na para bang naiintindihan niya ang mga pinagsasabi ko.  Kinuha ko ang phone na nasa side table at na bigla ako nang makita kong hindi ko pa na end ang tawag. Sure akong narinig niya lahat, nakakahiya naman oh. Nang ilagay ko sa tenga ang phone napakunot ang noo ko nang may narinig ako na parang may umiiyak. Hala, baka lasing to.  "Ah, hello po?" Parang natigilan ito sa pag-iyak. "Narinig mo ba lahat ? Sorry p--" "I'm so sorry, Summer. I'm sorry." Muntik ko ng mabitawan si Eulesis nang marinig ko ang boses niya. Nabitawan ko ang phone at bigla na lang naglaglagan ang mga luha ko. Niyakap ko ng mahigpit si Eulesis habang umiiyak. WALA KANG KARAPATAN NA UMIYAK SANDER !Sorry? Sa 'yo na yang sorry mo! Kinabukasan maaga akong nagising at alam kong namamaga ang mga mata ko sa kaka-iyak. Tulog pa ang kambal kaya may time pa akong mag-ayos. Naligo ako at naghanda ng almusal nang lumabas si Jake sa kuwarto nila. "Morning." Bati niya. Tinignan ko lang siya at hindi binati. Hindi ako tanga, alam kong siya ang nagbigay ng number ko kay Sander at isa pa konti lang ang nakaka-alam kasi bago ang number na gamit ko. "I know that you know how much I hate Sander right?" Mukha naman siyang nagulat sa sinabi ko. "Uhm, yes?" Nakakunot ang noo nito habang nakatingin lang sa akin. "Bakit mo ibinigay ang number ko sa kanya?" Napataas ang kilay nito at bumuntong hininga. "Look, Sander is my best friend pero wala na kaming communication mag mula ng umalis ito. He ignores my texts and mails." Magkasalubong na ang mga kilay niya at alam kung galit na siya sa accusation ko. "Jake naman. Wag mo akong loko--" "Hindi kita niloloko. We're friends pero ang ginawa niya sayong pag-iwan ay mali kaya sa tingin mo ipamimigay ko ang number mo para maka-usap ka niya? I hate him as well, Summer. " Natahimik ako sa sinabi ni Jake. Binagsak niya ang basong hawak niya at pumasok ulit sa kwarto nila. Kung hindi si Jake, sino?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD