"Welcome to the Christian world Eulesis and Dale."
Kakatapos lang ng binyag ng kambal at lahat ng energy ko parang na ubos na. Konti lang ang bisita at iyak pa ng iyak si Eulesis siguro dahil naiinitan. Hindi naman kasi pwedeng iasa ko na lang lahat kay nanay Gina ang pag-aalaga sa dalawa kaya naman kahit busy sa binyag at sa bisita ay karga ko parin ang isa sa kanila at pinapadede kapag gutom.
"At dahil na binyagan kana, Eulesis Andana dapat good boy kana." Pinisil ni Eiffel ang pisngi ni Eulesis kaya umiyak na naman.
"Eiffel naman! Konti na lang matutumba na ako sa pagod." Agad kong kinuha si Eulesis at nilagyan ng pacifier para tumigil sa pag-iyak.
Walong buwan na ang kambal nang mapagpasyahan kong pabinyagan sila. Nag-ipon pa kasi ako at maraming trabaho sa opisina dahil kakabukas lang ng bagong mall nina Madam. Isa pa, hinihintay ko sila ni mom na puntahan ako pero parang wala na talaga eh.
"Napaka-iyakin mo talaga, Eulesis." Kinuha ni Cindy si Eulesis at agad na pina-upo sa lap niya.
Si Dale naman ay masayang nag lalaro sa crib kasama ang ninong Ricky niya. Konti lang naman ang Ninong at Ninang ng kambal pero parang napuno ang kotse ko ng mga regalo. Kay Ricky kasi limang regalo bawat kambal at binilhan pa niya ako ng stroller. Napakayaman talaga ng hambog na 'yon.
Inimbitahan ko rin si Madam kaso pumunta siya ng New York para puntahan ang asawa niya. Meron kasi silang business doon at ang asawa ni Madam ang nagmamanage.
Noong kami pa ni Sander never ko pang nakita ang lolo niya. Ang sabi niya napaka strict daw ng Lolo niya at nakakatakot. Mabuti na lang daw at nandoon sa New York ang Lolo nila dahil 'pag nandito raw sa Pilinas, siya ang batas sa bahay at ni isa ay hindi makaka-alis ng bahay ng hindi nagpapaalam sa kanya.
"May kamukha talaga si Eulesis eh." Biglang sabi ni Cindy.
"Oo nga." Pag sang ayon ni Blue.
Nagkatinginan kami ni Eiffel at Jake, tahimik naman sina Ken at Kyla.
"Alam ko na! Parang hawig ng apo ni madam." Medyo napasigaw si Cindy kaya naman umiyak si Dale. Kinuha siya ni Ricky at nilagyan ng pacifier para tumigil sa pag iyak.
"Umm, ma. Hmm. Ja.. dada.." Napatingin kaming lahat kay Eulesis. Minsan lang kasi ito mag salita dahil iyak lang ang naririnig ko sa kanya. Si Dale tinatawag na akong 'ma' at syempre masaya ako. Pero 'dada'? Tama ba ang narinig ko?
"Tama ba ang narinig ko?" Tanong ni Eiffel. Kinarga ko si Eulesis at niyakap ako habang nag ba-bubbling. Hindi ko maintindihan kaso natatawa na lang ako dahil paminsan minsan sumisigaw ito.
"Naku! Sarap kurutin ni Eulesis. Tabaching kasi." Sabi ni Blue.
"Kamukha talaga ng apo ni Madam. Iyong si Sander." Natigilan kaming lahat sa sinabi ni Cindy. Biglang tumawa si Eulesis na ikinagulat ng lahat. He smiled widely kaya lumalabas ang dimple niya.
"Da..uhmm..dada! Um.. ma" Kagat-kagat pa ni Eulesis ang thumb niya.
"Tumatawa ka rin pala ? At wala kang dada, baby." Natatawang sabi ni Eiffel na nakapagpatahimik sa akin.
"Tss. Narinig mo lang ang pangalan ng Da.. Hmp." Hindi na natapos ni Eiffel ang sasabihin niya dahil nilagyan ni Jake ng cake ang bunganga niya.
"Siguro pinaglihian mo ang picture ni Sander sa opisina ni Madam no?" Natatawang sabi ni Cindy kaya napangiti ako ng pilit sa kanya.
"Mabuti na lang at si Sander ang napaglihian mo Summer. Ang pogi-pogi ni Eulesis at kapag lumaki 'to sigurado akong pagkakaguluhan siya ng mga kababihan." Sabi naman ni Blue.
"Summer, anak. Handa na ang hapunan." Tawag ni Nanay Gina kaya nag sitayuan kaming lahat at pumunta ng dining.
"Ako na ang bahala kay Dale." Sabi ni Kyla at agad na pinaupo sa lap niya.
Nasa akin naman si Eulesis at tahimik na nag lalaro ng kanyang laruan.
"Konting kanin lang ang ipakain mo Kyla ha." Sabi ni Nanay Gina. Kumakain na kasi silang dalawa ng kanin kaso konti lang. Meron na kasi silang ngipin at ngayon natuto na silang tumayo basta may mahawakan lang sila bilang suporta.
"Ang sarap ng chicken curry mo nanay Gina. The best ka talaga." Sabi ni Eiffel na sarap na sarap sa pagkain.
Habang sinusubuan ni Ricky si Eulesis tinignan ko si Dale. Hinawakan siya ni Kyla sa bewang at bigla itong tumayo at nagtatalon talon kaya naman muntikan na siyang mabitiwan ni Kyla mabuti na lang at nasalo siya ni Ken. Napabuntong hininga kaming lahat at nasundan ng tawanan ng tumawa ng malakas si Dale.
"Ikaw na bata ka." Sabi ni Eiffel at kinurot si Dale.
Si Eulesis naman busy na sa pagkagat ng spoon na binigay ni Ricky.
"Ma..mama .." Tawag ni Dale. Kinarga ni Ricky si Eulesis at kinuha ko naman si Dale kay Kyla.
"Uy, bagay! Picture kayo." Kinuha ni Cindy ang iphone niya at kinunan kami ng picture ni Ricky kasama ang kambal.
"Burahin mo yan." Angil ko kaso pero parang bingi si Cindy at nakangiti lang sa phone na hawak-hawak niya.
"Tada!" Ipinakita niya sa amin ang picture at napa-iling na lang ako nang nasa IG na niya ito.
"Perfect, isn't it?" Natatawang sabi ni Ricky habang naka tingin sa akin.
"Eww ! Pangit mo para maging asawa ni Summer." Pairap na sabi ni Eiffel at mapang-asar na tinignan si Ricky.
"Stupid moron!" Bulong niya kaso narinig ng lahat kaya naman tinignan siya ng masama ni Jake.
"Ron.. ron .." Sabi ni Dale na nakangiti.
"Napaka careless mo talaga Eiffel. See ? BI ka sa mga bata." Natatawang sabi ni Ricky at inirapan lang siya ni Eiffel.
Natapos ang dinner na puro asaran. Nakatulog rin ang kambal dala ng pagod. Kung kanikanino kasi pinapakarga yan tuloy sobrang himbing ng tulog.
Maaga akong nagising ngayong araw dahil sa iyak ni Eulesis. Agad ko siyang kinarga at pinainom ng gatas. Pagtingin ko sa orasan 5 am pa lang.
"Wahh! Uhmm..da..dada.. " Iyak ng iyak si Eulesis.
"Anak, wala kang Daddy ok? He's dead." Hindi naman niya maintindihan kaya okay lang. Natahimik lang siya ng hinele ko siya at maya-maya pa ay nakatulog na.
Bakit ba dada sila ng dada? Dapat ma or my kasi ako ang mommy, ako ang palagi nilang kasama! Kainis ang Sander na 'yon! Ako ang nagbuntis at nagpalaki sa kambal pero dada sila ng dada tapos kamukha pa nila. Sa tingin ko palihim na tinuturuan ni Eiffel o kaya ni Kyla ang mga bata.
Akala ko makakalimutan ko na si Sander dahil matagal na niya kaming iniwan pero hindi eh. Kapag tinitignan ko kasi si Eulesis nakikita ko si Sander sa kanya. Ang magagandang mata, matangos na ilong at labi. Junior talaga siya ni Sander. Saavedra talaga ang dugo nila. Si Dale kasi kamukha ni Sugar, ang kapatid ni Sander.
"Mga anak pasensya na ha pero hindi ko kayang ipakita o ipakilala man lang kayo sa inyong ama. Selfish na kung selfish pero mali kasi ang pag-iwan niya sa inyo."
Nilagay ko si Eulesis sa crib niya at nag log in sa bago kong IG account. Walang nakaka-alam nito dahil private ang account ko. I don't have followers at mga artitsa lang ang naka-follow sa account na ito at kahit sina Cindy at Blue walang alam na my IG ako at isa pa nakaprivate rin ang account ng dalawa.
Dahil curious ako sa buhay ni Sander ngayon tinignan ko ang mga posts niya, hindi naman kasi naka private ang account niya at nasaktan lang ako sa nakita. Kasama niya ang blonde girl sa mga pictures minsan picture ng babae ang pino-post niya at She's the one ang palagi niyang caption.
Pinindot ko ang bago niyang post at nakita kong nag co-comment sina Sugar at ang iba pa niyang pinsan.
@FabSugar: Seriously? Ang pangit mo sa pic na 'to Kuya.
@SuperSander: Sinong pangit? Ako ? Mahiya ka naman.
@PogingStephen: Gay
@SWEETy: Cuties
@Sander'sWifeTinny: He's not pangit @FabSugar. He's gwapo kaya.
Sabi ng blonde hair na girlfriend ni Sander. Seriously? Sander'sWifeTinny? Eww, nakakasuka and she's so conyo.
@FabSugar: Do I know you @Sander'sWifeTinny and ur username is zo ewwy. Lol
Okay? Mukhang ayaw ni Sugar kay blonde.
@SuperSander: SUGAR!
@SWWETy: Dito pa kayo mag-aaway ? Nakakahiya kayo.
@Steveeee: Mas nakakahiya ka @SWEETy
@SammySammy: STFU everyone btw kailan ka uuwi?
@FabSugar: whatever! I miss u Kuya
@PogingStephen: Sana mabulok kana diyan! HAHAHA.
@SammySammy: When?
@SuperSander: This year.
This year? Ibig sabihin uuwi siya ng Pilipinas? No way!