There is no mistake in love. The mistake is the decision you made or the person you choose.
"Move on already! Seriously, Summer you're giving me a headache." Sabi ni Eiffel habang naghahanda ng agahan.
"Oo na." Walang ganang tugon ko sa kanya.
"Totoo na ba yan? Baka mamaya iiyak kana naman?" Padabog niyang nilagay ang plato sa sink at nakita ko pa siyang umirap.
"Oo nga, kulit!" Naiinis kong sagot dahil ako mismo parang hindi sang-ayon sa sinabi ko kanina.
"What's wrong?" Natigilan ito saglit at maya-maya ay naupo sa harap ko.
"Just saw his IG post, Eiffel and I'm so done with him. Ayaw ko na, gusto ko na siyang ibaon sa limot kaya puwede bang wag na natin siyang pag-usapan? " Yung feeling na ginago kana pero alam mong mahal mo pa rin kahit galit ka.
Sabi nila feelings change no matter how intense it was before kaya naniniwala ako na makakalimutan ko rin siya. Hindi madaling mag move on lalo na't binuntis ka pero kailangan eh and I'm working on it.
"Okay, I'll keep my mouth shut from now on. Sorry kung minamadali kitang mag move on ha? Hindi ko kasi kayang makita kang nasasaktan araw-araw dahil nasasaktan din ako." Parang mga tangang nag-iiyakan kami ngayon.
"Kamping kampi pa naman ako sa gagong yun tapos sasaktan ka lang!" Tumayo siya at nagyakapan kaming dalawa habang umiiyak.
"I'm always here for you, cousin dear." Bulong nito.
"Thank you, Eiffel." I'm glad I haver her. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag wala siya sa tabi ko.
"Ano ba yan, ba't tayo nag-iiyakan!" Tawang tawa siya nang makita ang itsura namin sa salamin.
"Ikaw ba ang buntis? Ikaw pa ang nanunang umiyak eh." Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang mukha kong basang basa ng luha.
"Ikaw kasi eh!"
"Good morning po Madam, here's your coffee." Nilapag ko ang mainit na kape sa mesa niya at nanatiling nakatayo sa gilid.
"Summer, please check my schedule for tomorrow and paki-forward ng memo sa lahat ng department." Agad naman akong lumabas at sinimulan na ang trabaho.
Makalipas ang ilang minuto ay pumasok ulit ako sa office ni Madam at nakita ko na naman ang masayang mukha ni Sander sa picture frame. Napairap ako at huminga ng malalim. Itong tandaan mo Summer, once a playboy, always a playboy kaya wag tanga at mag move on na.
"Madam, I have your schedule for tomorrow po. Board meeting at 8 am, 1 pm naman po kay Mr. Buenaflor and 2 pm po bibisitahin po yung site sa Makati." Busy naman si Madam sa pagbabasa ng mga papeles at mukhang pagod na ito sa trabaho. Saan na ba ang ibang apo niya at bakit siya parin ang namamahala?
"Thank you, Summer. Pwede kang mag early out ngayon kasi maaga akong aalis. May dinner pa kami ng mga apo ko kaya kailangan kong maghanda, hindi ko pa naman sila mahagilap minsan." Matamis ang ngiti nito habang nagkukwento. Makikita mo talaga na mahal na mahal niya ang kanyang mga apo.
"Sige po Madam." Tumango ito at muling nagbasa.
Alas tres ako ng hapon umalis ng opisina kaya naman napagpasyahan kong pumunta ng hospital para magpacheck up. Mabuti na lang at available si Doktora pagdating ko ng hospital.
"You're ready Mommy Summer?" Kinakabahan akong napatango.
"Wow." Natigilan ako sa nakita at naiyak sa sobrang galak.
"Twins! Congratulations, Mommy Summer." Malaki ang ngiti ni Doktora Yanny habang nakatingin sa monitor.
Para akong lumulutang sa langit nang makita sila sa monitor. Can't wait to see you, my babies.
"Gusto mong marinig ang heartbeat nila?" Tumango ako at naiiyak parin.
Hindi ko mapigilan ang luha at tuluyan ng humagulhol nang marinig ang t***k ng puso nila. Niiyak ako sa sobrang saya dahil alam kong dalawang anghel ang nasa sinapupunan ko.
After check up ay bumili ako ng vitamins bago umuwi. Pagpasok ko ay si Eiffel agad ang nakita ko kasama si Jake, Stace at Lyn. Ibinalita ko kanina kay Eiffel na kambal ang baby ko at mukhang tinawagan niya ang mga kaibigan namin kaya kumpleto kami ngayon.
"Congratulations, Mommy!" Sigaw nila nang makita ako.
"Thank you." Nag group hug kami habang tumatalon maliban kay Jake.
"Kailan malalaman ang gender?" Tanong ni Stace nang maka-upo na kami.
"I'll go back next month and I'm hoping na malalaman ko na ang gender nila." Hindi mawala ang ngiti sa labi ko.
"Ugh, can't wait to meet them." Sabi ni Lyn at may kinuhang paper bag sa likod niya ganun rin ang ginawa nina Stace at Eiffel.
"Reaglo namin para sa kambal." Sabi ni Eiffel na nakangisi.
"Mukhang magiging spoiled ang mga anak ko ah."
Tinulungan nila ako sa pagbukas at namangha sa dami ng kanilang binili. Merong nursing pillow, burp cloths, bottles with newborn n*****s, bottle brush, nursing bras at breast pump.
"Grabe naman to." Tumawa sila sa reaksyon ko.
"For feeding pa lang yan. Di muna kami bumili ng damit kasi hindi pa naman natin alam ang gender nila." Sabi ni Lyn na nakahawak na ngayon sa tiyan ko.
"Wag pasaway sa Mommy ha."
Around 7 pm nang nagpasya silang umuwi. Kakatapos lang naming maghapunan at sobrang dami ng binili nilang pagkain at binilhan rin nila ako ng maraming gatas.
"Ingat ka palagi Summer ha. Bye." Sabi ni Stace at humalik sa pisngi ko at ganun rin ang ginawa ni Lyn at Eiffel.
"Congratulations, Summer." Sabi ni Jake. Tumango ako at ngumiti sa kanya.
Hindi nakisali sa gulo si Jake kahit na magkaibigan sila ni Sander. Never siyang nagkuwento tungkol kay Sander kahit na kinukulit siya ni Eiffel. Muntikan pa nga silang maghiwalay dahil doon pero kinausap ko si Eiffel para lang mag-ayos sila.
Sunday ngayon at inaya ako Cindy at Blue na magsimba. Nang nasa simbahan na kami ay nahirapan pa kaming makahanap ng upuan dahil marami ng tao.
"Gwapo niya."
"Ehh, gwapo yung isa."
Nang maka-upo kami ay agad na nakuha ang atensyon naming tatlo ng mga kabataang naka-upo sa unahan namin. Sobrang ingay kasi nila at naghahagikhikan pa sila. Napatingin ako sa kanilang tinuturo ata agad na nalaki ang mata nang makilala sila.Si Madam at ang kanyang mga apo. Agad akong kinabahan nang makita si Sugar na naka upo sa tabi ni Madam.
"Oh my! Mga apo ni Madam oh." Turo ni Blue nang makita ang tinuturo ng mahaharot na mga bata.
"Wag mong ituro at baka makita tayo." Sita ko kay Blue at agad silang napatingin sa akin.
"OA naman to. Ang layo kaya nila sa atin." Sabi ni Cindy.
"Dito pala sila nagsisimba? Every sunday dapat nandito tayo ah." Maharot din itong si Blue eh.
Hindi na ako nagsalita at naghintay na lang na magsimula ang misa. Paminsan minsan tumitingin ako sa banda nila Madam at sa tingin ko hindi naman nila kami nakita. Agaw pansin talaga sila dahil ang gagandang nilalang nila lahat.
"Bilis!" Agad kong hinatak ang kamay ni Cindy at Blue matapos ang mass. Hindi pwedeng makita ako ni Sugar, kasama pa naman niya si Madam.
"Hoy, buntis kung makatakbo ka parang walang laman ang tiyan mo ah." Sabi ni Cindy habang papasok sa sasakyan niya.
"Sorry, gutom na kami ng mga anak ko no." Ngumiti ako para hindi nila mahalata na kinakabahan ako.
Sa malapit kaming mall pumunta ako kumain. Uuwi na sana ako nang hatakin nila ako sa baby section ng department store. Kumunot ang noo ko nang nagunahan silang kumuha ng kahit anong damit na makita nila.
"Teka.. ano yan?" Hinabol ko si Cindy na tinitignan ang isang pink dress.
"Syempre damit ng inaanak ko. Si Blue ay kay baby boy ako naman kay baby girl. " At kumuha pa siya ng isang set ng mga damit.
"Hindi pa nga natin alam kung babae ba o lalaki sila." Mukhang hindi na ako mahihirapan sa pagbili ng kanilang mga gamit dahil hindi pa sila nakalabas marami na silang damit.
"Ah basta, hayaan mo na kami Summer at maupo kana lang doon." Hindi na talaga mapipigilan!
Napa-iling na lang ako sa kanilang dalawa. I'm so blessed ang thankful to have them. Kahit iniwan man ako ng taong dapat nasa tabi ko nadito naman ang mga kaibigan kong handang tumulong sa akin at sa mga anak ko.
Matapos ang ilang oras na pamimili ng kong ano-ano ay naisipan na nilang umuwi. Sobrang aliw sila sa pagsho-shopping kaya naman ang dami kong dalang paper bag.
"Thank you sa pa advance gift niyo ah." Nagbeso ako sa kanlang dalawa bago lumabas ng sasakyan ni Cindy.
"Welcome, Mommy Summer. Good night!"
Ngayon ang balik ko kay Doktora Yanny at kasama ko si Eiffel. Sa unit ko siya natulog dahil sa aming dalawa mukhang siya pa ang excited.
"Urg, they're so cute." Sabi ni Eiffel habang nakatingin sa monitor.
"Hmm. It's a girl and a.... boy!" Nagtatalon si Eiffel matapos sabihin ni Doktora Yanny ang gender nila samantalang nakatulala ako sa monitor kong saan nakikita ko silang dalawa na naglilikot.
Thank you, Lord!