"Pwede bang ikaw na muna ang kumuha ng documents kay Mr. Chiong?" Tanong ni Madam habang may tinitignan sa phone niya.
"Sure, Madam."
"Salamat, Summer." Nag-ayos muna ako bago lumabas ng building at sa labas naghihintay ang sasakyan na gagamitin ko papuntang opisina ni Mr. Chiong.
Minsan nahihiya na ako kay Madam dahil hindi ko magawa ng maayos ang trabaho ko. Minsan kasi nahihilo ako at parang bumibigat na ang tiyan ko kaya tinatamad akong maglakad o tumayo, nakakangalay rin kasi sa likod.
Ilang beses na akong kinausap ni Eiffel na mag file na ng maternity leave pero kaya ko pa naman magtrabaho. Magle-leave lang ako kapag malapit na akong manganak.
"Thank you, Mr. Chiong."
"Welcome." Tipid na ngiti ni Mr. Chiong nang binigay niya ang documents sa akin. Agad naman akong bumaba dahil busy kami ngayon sa office.
Nasa lobby na ako ng building nila nang makita ko ang pinakahambog na tao na nakilala ko. Tss, kung minamalas ka nga naman oh.
"Ow! Look who's here." Sabi niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"What?" Annoyed at his face, tinalikuaran ko agad siya.
"Woah, don't you miss me?" Hinabol niya ako at ngayon aya sabay kaming naglalakad.
"Pwede ba Ricky tigilan mo ako. Nakakasira ng araw ang mukha mo!" Mas binilisan ko ang paglakad.
" Chill, Momm Summer. " At tinaas pa niya ang dalawang kamay sa ere habang nakangisi, revealing his perfect set of teeth. Ngipin niya lang ang pwede niyang maipagmalaki kasi ubod siya ng panget!
"Just stay away from me." At iniwan siyang nakangisi parin.
He's Ricky Sandoval, anak ng bestfriend ni Daddy. Matanda siya ng dalawang taon sa akin at matagal ko ng alam na gusto akong ipakasal nina Mommy sa kanya. Kinikilabutan ako kapag naalala iyon, mabuti na lang at hindi na mangyayari ang kong ano mang kasunduan ng mga magulang namin.
Noong high school ako niligawan niya ako pero pinili ko si Ken dahil mas hamak na gwapo at mabait yun. Noong college naman, nang nalaman niya na hiwalay na kami ni Ken nanligaw siya ulit pero pinili ko si Sander. I'd rather be alone than marry Ricky no.
Lunch nang napagpasyahan namin ni Blue at Cindy na kumain sa katabing restaurant. Palagi na kasi kaming kumakain sa cafeteria at sawa na kami sa ulam na niluluto nila. Nasa labas na kami nang makita ko na naman si Ricky. Anong ginagawa niya dito?
"There you are." Sana pala sa cafeteria na lang ako kumain. Hindi ko siya pinansin at tuloy-tuloy lang ako sa paglakad.
Paglingon ko ay nakangisi na si Cindy samantalang tulala naman si Blue kay Ricky, Okay, I admit na may itsura itong si Ricky pero ayaw ko talaga sa kanya kaya nagiging panget siya sa paningin ko.
"What? I just told you to stay away from me. What is it this time?" Papansin talaga! Galit ko siyang binalingan at pumasok na sa restaurant dahil gutom na talaga ako.
"I just want to treat you lunch. It's been a while narin at mabuti na lang nakita kita kanina kaya naisipan kong kumain kasama ka." Nalukot na ang mukha ko at dagdagan pa ng dalawang tong tahimik na nakatitig kay Ricky!
"I'm with my friends, Ricky. Next year mo na lang ako i-libre." Umupo na ako at ang walang hiya sa tabi ko pa umupo.
"Buntis o hindi ang sama pa rin ng ugali mo. Pakilala mo naman ako sa kasama mo." Sabi niya habang natatawa.
"Uhmm.. Hi, I'm Blue ito naman si Cindy." Si Blue na ang kusang nagpakilala kay Ricky at nakipagkamayan pa ito.
"I'm Ricky Sandoval." Malaki ang ngisi ni Blue nang hawakan ni Ricky ang kanyang kamay.
Hinayaan ko silang tatlo na mag-usap dahil ayaw kong makipag-usap kay Ricky. Oorder na sana ako nang may dumating na tatlong waiter at isa-isa nilang nilapag ang napakaraming pagkain.
"My treat." Sabi ni Ricky at siya na mismo ang naglagay ng pagkain sa plato ko.
"Ang dami naman nito Ricky." Sabi ni Cindy na parang hindi makapili kung ano ang una niyang kakainin.
"Matagal din kasi akong pinagtataguan ng kaibigan niyo." Sino ba naman kasi ang gustong makita ang pagmumukha niya?
Tahimik akong kumakain habang si Blue naman ay hindi nauubusan ng topic. Parang kinikilala niya ng maigi si Ricky dahil tanong ito ng tanong at ito namang isa ay nagustuhan ang nakukuhang atensyon mula sa mga kaibigan ko.
"You know, I was born rich pero hindi ko gustong umasa lang sa yaman ng pamilya ko. I was 17 nung sinimulan kong pag-aralan ang business namin and pagkatapos kong mag-aral ay agad na pinamana ni Dad sa akin ang company." Nakikinig lang ako kay Ricky at gustong gusto ko na siyang suntukin. Napakahambog, itong si Blue naman manghang mangha sa kanya ganun din si Cindy na ngayon ay kinikilig na.
Ako lang ba ang nakakahalata ng kahambugan ni Ricky?
"Kaya pala ang gwapo mo hehehe." Sabi ni Blue. Anong connect nun sa mukha ni Ricky? Pshh.
"Yeah, habulin ako ng babae ever since. Iyan ang isa sa mga problema ko habang lumalaki." Tangina, meron bang gamot para sa sakit ni Ricky? He needs help!
"Mahilig ka ba sa sports?" Tanong ni Cindy.
"Golf, basketball, tennis, name it. I can do everything!Pero ngayon hindi na ako masyadong active sa mga ganyan kasi nga sobrang busy ko na." Oh shut up! Basketball? Ni hindi ka nga marunong mag dribble!
"Siguro ang galing mong mag basketball?" Tanong ni Blue.
"Yeah, mas magaling pa kay Lebron James at Stephen Curry." Palaki ng palaki na talaga ang ulo ni Ricky. Baka sumabog na siya sa sobrang hangin.
"Talaga? Ang galing mo naman." Napangiwi ako sa reaksyon ni Blue. Kulang tumulo ang laway niya sa sobrang pagkamangha kay Ricky.
"Ikaw ba ang nakabuntis kay Summer?" Napaubo ako sa tanong ni Cindy.
"Hoy, kilabutan ka nga Cindy. Ako magpapabuntis sa kanya? Asa uy!" Tumawa sila sa reaksyon ko maliban kay Ricky na parang nasaktan sa sagot ko.
"OA mo girl ha." Sabi ni Blue at uminom ng juice.
"May girlfriend kana ba?" Tanong ni Cindy. Tinignan muna ako ni Ricky bago sumagot.
"No girlfriend since birth. Ayaw kasi ng babaeng gusto ko pero ito parin ako umaasa na magustuhan din niya. " Nakatingin siya sa akin habang sinasabi iyon pero napangiwi lang ako.
Noong college kasi sa ibang bansa na nag-aral si Ricky kaya minsan lang kami magkita. Pag-umuuwi sila ng parents niya nag didinner kami kasama sila. Minsan nga hindi na ako nakakasipot sa date namin ni Sander dahil sa biglaang dinner na yan at isa yun sa mga pinag-aawayan namin noon.
Alam ng parents namin na hindi kami magkasundo ni Ricky kaya nga madalas silang umuwi para lang magdinner at makilala pa namin ang isa't isa pero hindi talaga kami nagkakamabutihan dahil kahit anong gawin nila hindi ko magugustuhan si Ricky.
Walang alam si Sander tungkol kay Ricky at isa pa mamamatay muna ako bago ikasal sa kanya no! Tanga lang ang magpapakasal sa taong hindi naman niya mahal.
Akala ko nga hindi ko na makikita si Ricky matapos nilang malaman ng parents niya na buntis ako pero ito na naman siya at nangungulit na naman! Sana lang hindi pumanget ang mukha ng mga anak ko pang-iinis ni Ricky.
"Alis na nga tayo." Tumayo na ako dahil tapos naman akong kumain at hindi ko na kaya ang mga lumalabas sa bibig ni Ricky. Kinikilabutan na ako.
Parang asong nakasunod si Ricky sa amin. Nagulat ako dahil bigla niyang kinuha ang bag ko at binitbit ito. Nag-aagawan pa kami ng bag ko nang may nagsalita.
"What a lovely couple." Kumento ni Madam na nakangiti. Nagngising aso si Ricky at ako naman ay hindi na maipinta ang mukha.
"Hind..." Hindi na ako pinatapos ni Ricky mag salita at nagpakilala kay Madam.
"I'm Ricky Sandoval po, Summers' husband." Ha?
"I see, mauna na ako Summer." Magaapila pa sana ako nang umalis agad si Madam.
Nagpupuyos ako sa galit nang hinarap si Ricky.
"Hindi ka lang hambog, sinungaling kapa." Pinagkukurot ko siya sa braso.
"Aray! Chill, Summer. Aray! Tama na." Umuusok na ang ilong ko sa galit.
"You should stop this, it's not funny." Inirapan ko siya at iniwan sa lobby. Tahimik lang na nakasunod si Blue at Cindy dahil alam nilang seryoso na ako.
Nang nasa office na ako ni hindi ko kayang tumingin sa mata ni Madam. Feeling ko kasi ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Wala rin naman siyang imik. Parang normal lang ang lahat sa kanya, ako lang ang hindi mapakali.
Around 5 pm ng umalis si Madam kaya napagpasyahan kong umuwi narin dahil tapos ko namang gawin ang pinapagawa niya.
Habang naghihintay ng taxi may kotseng pumarada sa harapan ko. Bumukas ang bintana at tumambad na naman ang mukha ni Ricky.
"Hatid na kita." Tinignan ko lang siya.
"Summer, sakay na." Sigaw niya nang biglang pumatak ang ulan kaya wala akong choice. Ba't ba kasi umulan pa?
"Hatid mo na lang ako at wag mo akong kausapin." Ngumisi lang siya at agad na pinaharurot ang kotse.