Ikaw Na Nga Chapter 7

568 Words
“M-mr. Belmonte,” nagitla siya nang mapagsino ang nasa likuran niya. Ito pala ay ang ceo ng LB Company—si Mr. Lucio Belmonte. Sa halip na pansinin siya nito ay nagpatuloy ito sa pagsasalita at hindi siya pinagtuunan ng pansin. Kahit tingnan man lang ay hindi siya tiningnan nito. “As I was saying, let’s ensure the safety of the boxes we’re sending to our clients’ loved ones.” at pagpapatuloy nito. Bahagyang napaismid naman si Bea sa inakto ng ceo nila. Alam naman niyang ceo iyon pero bakit naman hindi man lang ito nagsalita o kahit tingnan man lang sana siya. Wala naman sigurong mawawala rito kung titingin ito kahit saglit lang. “Suplado nito,” bulong niya sa sarili na sinipat ang ceo nila mula ulo hanggang paa. “Okay. Malinis. Mabango. Pero suplado. Tse!” hindi pa rin maka-move on ang isip ni Bea. Naiinis pa rin siya sa inakto nito sa kanya. Kahit isang empleyado lang siya ay deserved naman siguro niyang kilalanin siya nito bilang head ng warehouse. Tumahimik na lamang siya at hindi tinitingnan ang mga ito. Wala rin naman siyang kailangan sa mga ito dahil kaya naman niyang gawin ang trabaho niya na walang tulong ng iba. Kahit pa babae siya e kayang-kaya na niya iyon. Naalala ni Jed na lingid sa kaalaman ni Bea na bago pa ang schedule niya sa warehouse ay naka-schedule na ang ceo ng company na bumisita sa lahat ng branches nila, whether sa abroad, sa provinces o sa Manila na may small branches. At isa na nga ang warehouse na ito na pinamamahalaan ni Jed. “Mr. Belmonte, the warehouse is now open.” hudyat ni Laurice—ang secretary ng ceo. Siya ang nakaaalam ng lahat ng schedule nito at siya lang din nang nakaaalam ng scheduled surprise visit nito. Mabuti na lang at kakilala niya si Jed—ang manager sa isa sa mga warehouse ng LB Company. Nasabihan ni Laurice Arevalo ang kaibigan niyang si Jed Sta. Maria na bibisita ngayon sa warehouse nila si Mr. Belmonte kaya naman nakapaghanda sila. Nalinis na nila ang warehouse at naitapon ang dapat itapon na basura. Sa kasamaang palad ay hindi nila na-warningan si Ms. Almanza. “Let’s go,” sambit ni Lucio sa kanyang secretary at agad na lumabas ng kotse para pumasok sa warehouse. Sa may ikalimang establishment sila nag-park ng sasakyan kaya marahil ay hindi iyon nakita ng mga empleyado lalo na si Bea. “Mr. Belmonte,” kunwaring shock na bati ni Jed sa ceo nila. Hindi naman din tumitingin si Laurice para hindi sila pagdudahan ng ceo na alam ni Jed ang pagdalaw nito. “Jed Sta Maria po,” muling sambit niya at pakilala sa boss nilang si Lucio. “I’d like to see the whole operation, Mr. Sta. Maria.” seryoso ang mga mukha at hindi man lang kababakasan ng kahit anong ngiti sa labi na sabi ng ceo kay Jed. Hindi naman magkanda-ugaga ang lalaki na igiya ang ceo sa buong warehouse. “These are all the boxes we’ve collected from the customers’ and those are the empty boxes,” hindi naman nag-re-react ang ceo. Kahit tango ay hindi kakikitaan dito. Nakamatiyag lang ito sa mga itinuturo ni Jed. “These boxes are about to be pick-up for shipping.” turo niya sa mga boxes na magkakapatong. Naglakad-lakad pa sila hanggang makarating sa may dulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD