Ikaw Na Nga Chapter 6

2049 Words
“I’m sorry pero I don’t think I can trust you again.” pinal na sabi niya ngunit nagitla si Bea sa sumunod na mga pangyayari. Hindi niya inaasahan ang reaksiyon nito. Ang pagpapakumbaba kanina ay napalitan ng panunumbat. “Fvck, Bea! Nasakal ako! Nasakal ako kaya kinailangan kong makahinga. Gusto mong laging perfect ang relationship natin. Gusto mo ng ganito, gusto mo ng ganiyan. Nasakal ako!” tulala si Bea sa lalaking kaharap nang suntukin nito ang pinto. Nakita niyang duguan ang kamao nito. Hindi mawawala sa isang tao ang magulat sa ginawa ni Greg. Ngunit hindi magpapadala si Bea sa ganitong klase ng manipulation. Biglang siya na ang may kasalanan. Biglang siya na ang dapat sisihin. Regardless, it’s not a valid reason para magloko ang isang tao and there will never be a valid reason to cheat. “I’m sorry… Nadala lang ako. Please, Bea. I want you back…” panay ang iling ni Bea. Gusto niyang sumigaw pero walang lumalabas na boses sa bibig niya nang dahil sa mga pangyayari. “I want you back. I want to marry you…” bulong nito na sapat lamang para marinig siya ni Bea. Ngunit hindi niya madadala sa ganito si Bea. Hindi lang siya once nagkaroon ng relationship. At ito na yata ang pinakamalala. Ang ipagkatiwala mo ang sarili mo sa isang lalaki na muntik mo nang pakasalan. Mabuti na lang at nalaman niya kaagad ang kalokohan nito. “Hindi madali ang maging boyfriend mo. Gusto mo walang gusot sa damit na suot ko. Gusto mo walang PDA. Walang holding hands in public. Walang kiss kahit sa cheeks. Ginawa ko lahat iyon, Bea. Pero marami ka pang gusto na nakakasakal.” litanya nito. “Kinailangan kong makapag-isip… and si Martina ang naging hingahan ko ng mga hinaing ko sa’yo.” lalong nagsalubong ang kilay ni Bea nang makabawi sa pagkagulat kanina. “So ibig sabihin… sa tuwing hindi ka makahihinga sa relasyon natin, sa ibang babae ka lalapit para makahinga? Sa tuwing hindi tayo magkakaunawaan, sa ibang babae ka magkukuwento?” tanong niya rito. “Greg, ikakasal na tayo. For all those years na naging magkasintahan tayo ay hindi ka man lang nag-open up sa’kin na nasasakal ka na. Almost six years, Greg. Six bullshit years na hindi ka makahinga pero hindi ka nagsabi!” nangangatal ang labi ni Bea na pinipigilan ang pagpatak ng kanyang luha. Kinagat pa niya ang pang-ibabang labi upang magpigil. Ngunit traydor ito na nag-unahang dumaloy sa pisngi niya. Hindi niya natupad ang pangako niya na hindi na siya iiyak sa harapan ng lalaking ito. “Hindi naman sa ganoon, Bea. Nasagad lang ak—” napangisi nang mapait si Bea. “Nasagad ka pala, e. Bakit hindi ka nagsabi? Bakit?” halos manakit ang dibdib ni Greg sa bawat suntok na ginagawa ni Bea sa kanya. Bakas ang gigil nito sa kanya. Tila isang tigre na biglang nagalit ang dalaga na pinagsusuntok ang dibdib niya. Agad niya itong pinigilan at hinawakan sa braso. “Bitiwan mo ‘ko. Wala na tayong dapat pag-usapan pa.” sabi niya sa lalaki ngunit hawak pa rin nito ang braso niya. “Bitiwan mo ‘ko sabi! Umalis ka na! Ayaw na kitang makita!” mabilis niyang hinatak ang braso niya at agad na pumasok sa bahay at isinara ang pinto. Pilit mang kumatok si Greg ay hindi niya ito pinag-buksan. Hanggang sa kusa na lamang itong sumuko sa pagkatok sa pintuan ng bahay niya. Nasa ganoong isipin si Bea nang magpalinga-linga siya dahil sa narinig na busina ng mga sasakyan. Naiiling siya sa pagkatulala niya. Hindi niya namalayan na nag-go signal na pala ang traffic lights pero naka-hinto pa rin ang sasakyan niya. Agad siyang nagmaneho paalis sa puwesto niya at sumenyas ng sorry sa ibang nasa likuran na sasakyan. “Mag-focus ka nga, Beatrice. Kapag ikaw ay nadisgrasya e hindi ka naman maililigtas ng lalaking iniisip mo.” sermon niya sa sarili. Kung bakit ba naman kasi iniisip pa niya ang abnormal niyang ex na walang puso. Nagpokus siya sa pagmamaneho at inisip ang daratnan niyang trabaho sa warehouse. Dumaan muna siya sa starbucks bago dumeretso sa trabaho. Hindi kasi siya nakapag-kape kanina kaya naman ngayon na lamang siya magkakape. Maaga pa rin naman. “Is that all, ma’am?” tumango siya rito nang matapos niyang sabihin ang order niya. “Your name po?” tanong ng crew sa kaniya. “Greg,” bahagyang lumihis ang ulo ng crew na tila sinisigurado kung tama ba ang narinig niya. “Greg po?” agad na sunod-sunod na napailing siya rito. “No. No. I mean, Bea. Just put Bea.” tarantang pag-uulit niya rito. Tumango naman ang crew sa kanya. “Okay po, Ma’am Bea. This side na lang po.” tukoy nito sa claiming area. Agad naman siyang nagtungo sa side at hinintay ang order niya. Nang dumating ang order niya ay agad na kinuha niya ito at bumalik sa sasakyan. “Tsk. Bakit ba hindi ka lumayas-layas sa isip ko, Greg.” sermon niya sa sarili. Kung bakit ba naman Greg ang nasabi niyang pangalan sa crew kanina. Paano nga ba namang hindi e iyon ang iniisip niya habang nasa buong biyahe niya kanina. Nang makabalik sa sasakyan ay agad niyang hinigop ang kape niya pagkatapos ay muling nagmaneho. Ilang minuto na lang naman ay naroon na siya sa warehouse. Ubos na ang kape niya nang marating niya ang lugar ng warehouse. “Hello, Ms. Bea!” nakangiting bati sa kaniya ng mga tao sa warehouse. Maaga pa siya para sa oras ng pasok niya pero nakarating naman siya nang matiwasay. Seryoso naman na tipid na nangiti lang ang isinukli ni Bea sa mga pagbati nito sa kaniya. Hindi niya magawang ngumiti sa kahit na sinong lalaki maliban kay Gelo na kaibigan niya. Ngunit hindi iyon marahil ang dahilan. Sadyang nagbago lang ang pakikitungo niya sa iba. Sinalubong siya ni Jed—ang manager sa warehouse. Hindi niya kayang makipag-ngitian rito kaya naman seryoso lang ang mukha niya na hinarap ito. Agad niyang sinabi ang kailangan niya rito. Ayaw na niyang magpaligoy-ligoy pa. “I want to see all the log book including the manifests,” sabi niya sa manager sa warehouse. Agad naman nitong naintindihan ang hinihingi niya. Naihanda na rin naman ito ni Jed dahil sa naabisuhan na siya ukol dito. At katulad nga ng mga bali-balita ay nanakawan o may nangyaring nakawan sa warehouse kaya mag-o-audit siya at ire-review niya ang mga logbook at manifests. “Okay, sure. Let’s go to my office.” yaya na sabi nito at isinama siya sa loob ng opisina. Kailangan niyang mag-imbestiga kaya kahit kasuluk-sulukang logbooks ng warehouse ay sisipatin niya. Malaman lang kung totoo ba ang dahila ng mga empleyadong involve sa nakawan. “Is this all?” tanong niya sa manager na si Jed habang sinisipat isa-isa ang pile ng logbooks na ipinakita sa kaniya. “Yes, Ms. Almanza.” formal nitong in-address ang pangalan niya dahil sa kanina pa siya hindi man lang nangiti maliban sa kaninang pagdating niya na binati siya. Naramdaman ni Jared na seryoso ito kaya nararapat lamang na seryoso rin siya. Sa totoo ay nalaman ni Jed kay Marites—ang tawag sa tsismosang ibon na nagpakalat ng impormasyon—na kagagaling lamang ni Beatrice sa isang failed relationships kaya naman naiintindihan niya kung seryoso ito at formal makipag-usap sa kanila. Hindi namn ganito ang Bea na kilala nila noon. Masayahin at palabiro ito. Lalo na kapag natuwa ito sa performance ng warehouse ay nagpapakain ito bilang celebration sa hardwork nila. Ngunit hindi sa ngayon dahil sa sunod-sunod ang insidente ukol sa pagkawala ng pera. Kung hindi kulang ang ini-re-remit nilang pera sa main branch ng LB Company ay may incident report na na-hold up ang empleyado nilang nagre-remit. Pinaghihinalaang inside job ito ngunit kailangan nila ng sapat na ebidensiya. Sa kasamaang palad ay sira ang cctv nila nang mga panahon na iyon kaya naman walang patunay na inside job ito. Ito ang unang bisita niyang muli rito simula nang magplano silang magpakasal ng ex-fiance niya. Iyon din ang huling report ng ganitong insidente. “Thank you. I’ll let you know kung may kailangan pa ako. You may leave.”ayaw niyang may istorbo sa trabaho niya kaya sa halip na samahan siya nito ay pinalabas niya si Jed. “Okay, then.” sagot naman ni Jed sa kaniya bago pa man tuluyang lumabas ng opisina. Marami rin naman siya aasikasuhin sa labas kaya ayos lang kung si Bea ang gagamit ng opisina. Tahimik na inisa-isa ni Bea ang mga manifest ng pick-ups and deliveries nila. Walang nakalalampas na detalye sa kanya. Bawat sentimo ay sinisigurado niyang tally sa manifests nila. So far ay halos one-fourth pa lang ang naibabawas niya sa files. Masyado kasi itong marami kaya medyo natatagalan siya. Sa libo-libo nilang pick-ups ay talagang hindi kaagad siya makatatapos dito. At kahit naman makatapos siya kaagad ay magtatagal siya roon for monitoring. Sa dami ng files ay na-busy siya at hindi na niya namalayan ang oras. Ang tanging iniisip niya ay siguraduhin na walang manifest na makaliligtas sa mga mata niya. Ang lahat ng manifest ng buong nakaraang taon ang kailangan niyang asikasuhin. At ang nakaraang buwan. Isang record pa lamang ang nahahawakan niya at hindi pa siya nangangalahati sa dami ng pick-up nila. Sa totoo ay mahirap ang trabaho sa warehouse nila. Bukod sa ang team ni Jed ang nasisisi kapag may nawawalang box ay sila rin ang nabubuntunan ng galit ng mga customer kapag nali-late ang box ng mga ito o kapag kulang ang laman ng mga box. May isang insidente na na-delay ang mga box dahil kinailangan pang umikot nito sa ibang lugar dahil sa lockdown. Balik-bayan box kasi ang handle nila. Kung sa manila lang sana ay hindi ito ganoon kabagal. Idagdag mo pa ang mga pasaway na customer service nila na laging ipinapasa sa kanila ang mga trabaho ng mga ito. Ang problema sa mga customers minsan ay hindi naiintindihan na ang kumakalat na virus ay malaking epekto sa logistics company. Bukod sa hindi nila kontrolado ang alis ng box dahil sa lockdown ay hindi rin nila kontrolado ang dating nito. Kung noon ay may eksaktong bilang ng buwan silang naibibigay, ngayon ay walang kasiguruhan kung ilang araw, linggo o buwan made-delay ang delivery mo. Lalo pa kung kasing higpit ng bansa mo ang papasukin nito. “Jed?” napatigil si Bea sa pagtse-tsek ng manifest nang may makita siyang double entry sa recent manifest. Hindi pa iyon ang tsine-tsek niya ngunit hindi sinasadyang napalingon siya roon. Nais niyang makasigurado. Hindi niya alam kung bakit ba inuuna niya iyon. “Jed? Are you there?” muling tawag niya rito nang walang sumasagot sa tawag niya. At dahil nga tila walang nakarinig sa kanya ay sinilip niya ang labas ng opisina. “Nasaan na iyon?” napakunot siya nang wala siyang makitang tao sa labas ng opisina. Kahit ang mga naglalagay ng tape at naglalagay ng stickers ay wala rin. “Nasaan sila?” dahil sa walang sumasagot sa kanya at wala rin ang mga tao sa paligid ay dinala niya ang manifest para siya na ang personal na mag-tsek ng mga box. Kailangan niyang masiguro na dalawa nga ang box sa iisang transaction number na iyon. Naglakad siya patungo sa bodega ng mga boxes. Isang malaking bodega iyon kung saan naroroon ang mga box na nai-key-in na sa manifest at ready for delivery na. Habang naglalakad siya ay may narinig siyang isang boses na hindi niya naman maintindihan ang sinasabi dahil tila malayo iyon. Kaya naman hinanap niya ang boses na iyon at matagpuan niya ang mga empleyado sa dulo ng bodega. Agad niyang nilapitan ang mga ito at kinausap si Jed. “Ano’ng ginagawa niyo rito? Kanina ko pa kayo hinahanap?” Hindi naman kaagad makapagsalita si Jed at ngumuso na lamang ito. Muling kumunot ang noo ni Bea. Mabilis na tumakbo ang isip niya. Madalas sa mga palabas ang ganoon kaya naman agad niyang nilingon ang inginunguso ng binata. Hindi nga siya nagkamali dahil nasa likuran niya ang inginunguso nito. Muntik na niyang sabihang bastos si Jed kung hindi niya naisip na baka may itinuturo ito sa bandang likuran niya. At tama nga siya na mayroon nga talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD