Ikaw Na Nga Chapter 5

2085 Words
“Ang gulo niyong dalawa. Hirap niyo kasama manood. Ganyan talaga ang buhay. Ang love life. Walang happy ending. Puro sad lang.” sabay na tumingin nang masama ang dalawa kay Gelo. “Ang bitter mo talaga!” sabay ring sabi nila rito. Agad na pinatay ang tv at sabay pa ring tumayo. “O? Saan kayo pupunta? Hindi pa tapos ang palabas.” sita ni Gelo. “Kakain na lang kami. Matutuyuan na si Bea kaiiyak sa pinanonood natin.” reklamo ni Ivy. “Kakain na naman kayo?” naalala ni Gelo na kakakain lang nila ng pizza kanina. Ramdam niyang busog pa siya at kahit siguro ang dighay niya ay ramdam pa rin ang pizza na kinain nila. “Nakakagutom kayang umiyak.” sagot naman ni Bea na sisinghot-singhot pa. “Wala bang hindi sad ending?” pahabol pa ni Ivy. “Wala.” pinal na sagot ni Gelo. Siya ang magde-desisyon ng panonoorin nila sa araw iyon. “Ano ba iyan. Puro sad ending. Kapag bumaha rito sa bahay, Kuys. Kasalanan mo.” biro pa ni Ivy habang naghahalungkat ng makakain sa ref. Ngunit wala silang makita. “Hindi pa ako nag-grocery. Lagi kasi tayong kumakain sa labas e.” napapasapo pa sa batok na sabi ni Bea. “Sana pala nag-grocery tayo bago umuwi.” panghihinayang na sabi ni Ivy. “Pero may ramen ako riyan sa cabinet baka bet niyo.” eksakto namang kumulog. “Mukhang uulan, a. Sakto iyang ramen mo. Sige ako na ang bahala.” agad na kumilos si Gelo para kuhanin ang ramen at magluto. “Wow! Akala ko na e busog ka pa?” nag-peace sign pa si Gelo sa dalawa. Basta usapang ramen ay hindi ito pahuhuli. Mahilig din kasi siya sa ramen at kung ano-ano pang style ang ginagawa niya minsan. Kapag trip niya ang gulay ay nilalagyan niya ito ng gulay at minsan naman at itlog o karne. “Kunwari pa busog e siya pala ang nagugutom.” nagkatawanan pa sina Bea at Ivy saka bumalik sa sala para ipagpatuloy ang panonood. Habang nanonood ay napasilip sina Bea at Ivy sa kusina nang marinig ang pagbirit ni Gelo sa kantang “Hinding-hindi Na” na ini-compose ni Gorgeous Journey na kinanta ni Gelong Writes. “Hinding-hindi… na aasa pang muli, hinding-hindi na maghihintay sa gabi… hindi na… hindi na…” agad na napalingon si Gelo sa dalawa. “Bilib na naman kayo sa’kin. Tsk. Huwag kayong mag-alala. Sa valentines kakantahan ko kayo.” napakunot ang noo ng dalawa. “Hindi ikaw ang sinisilip namin. Iyong ramen.” agad na sabi ni Ivy. “Oo nga. Naaamoy na kasi namin. Mukhang luto na…” segunda naman ni Bea. Napakamot na lang sa ulo si Gelo dahil sa dalawa na akala mo ay gutom na gutom kung makapaghanap ng pagkain. “Lakas naman ng pang-amoy niyo. Oo na luto na. Akala ko pa naman e bumilib kayo sa pang ‘The Voice’ na boses ko.” dismayang sabi ni Gelo. Lihim na natatawa naman ang dalawa dahil sa totoo ay bilib naman sila sa boses nito talaga. Mas nangingibabaw nga lang ang gutom nila. “Sus! Nagtampo pa ‘to. Magaling ka naman kumanta. Pero naamoy talaga namin ang ramen kaya kami napasugod. Promise.” nangingising sabi ni Ivy. “Oo na. Sige na.” sinandok na ni Gelo ang ramen sa tasa at tinulungan siya ng dalawa na ihanda ito sa sala. Roon naman sila kakain. “The best, Kuys!” bulalas ni Ivy nang higupin niya ang sabaw ng ramen. “Siyempre naman. Ako pa ba? Isa pa e ramen lang naman iyan.” pagmamalaki naman ni Gelo. Tinapos lang nila ang palabas, pagkatapos ay nagsi-uwian na rin sina Gelo at Ivy. Binigyan nila ng oras si Bea na makagawa ng report. Baka masabon pa ito ng boss nila kapag nagkataon although isa sa best employees itong si Bea kaya malabong masabon ito. “Grabe naman ang nawawalang funds…” bulong ni Bea nang mapatuunan ng pansin ang reports ng manager sa warehouse. “Nawawala ang boxes?” naiiling na lamang siya sa nababasa. Lalo sa report ng mga customer tungkol sa balik-bayan boxes nila. Kung ano-ano pa ang nabasa ni Bea na totoo ngang nagpapalala sa problema sa warehouse sa bulacan branch. Hindi naman ganoon kalala ang problema sa ibang branches. Kailangan niyang malaman ang dahilan ng mga nangyayaring losy boxes and funds. Isang masusing auditing ang mangyayari at tiyak na magiging busy siya sa trabaho. Ayos lang naman na ma-busy siya. Mas okay nga iyon para hindi niya maisip ang mokong niyang ex. Napatulala na naman si Bea. Huli na nang ma-realized niyang naalala na naman niya ito. Ang mga panahon na nangungulit ito kapag gumagawa siya ng report. “Ano ba, Greg. Huwag kang magulo…” awat niya rito. Paano ay panay ang pagkiliti nito sa kanya. Palibhasa tapos na ang trabaho nila at wala itong task after work. “Labing-labing muna kasi. Mamaya na iyan. Bebe time muna.” at siya naman na marupok ay papayag. Ang bebe time na sinasabi nito ay ang panonood nila ng netflix habang nakasandal siya sa dibdib nito at ito naman ay nakayakap sa baywang niya. Pagkatapos ng palabas ay magpapaalam ito na aalis saka lamang siya makapagpo-pokus sa trabaho niya. Kumunot na naman ang ulo niya nang maalala ang sinabi nito na nasasakal ito sa kaniya. Muling namasa ang mga mata niya dahil sa nagbabadyang luha sa mga mata niya. Hindi pa rin pala siya tapos umiyak sa lalaking iyon. Kung bakit ba naman kasi naalala na naman niya ito. “Get lost!” sigaw niya sa lalaking ito sa isip niya. Matapos siyang ipagpalit nito sa litson na iyon e may gana pang magpakita sa isip niya. Muli niyang hinarap ang trabaho niya. Ilang minuto pa ay bumigat na ang talukap ng mga mata niya. Hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya. Halos hindi niya maikilos ang leeg niya nang dahil sa matagal na pagkakasampa ng ulo niya sa ibabaw ng mesa. Maaga pa lang ay dinaanan siya nina Ivy at Gelo. Kahit pa hindi naman sila magkasama sa kotse ay sinusundo pa rin siya ng dalawa. Nasa pinto na siya nang makita niya ang dalawa na papasok sa gate ng bahay niya. “Sure ka na ba na okay ka lang na mag-isang pumunta ng warehouse? Samahan ka namin ni Gelo,” paninigurado ni Ivy. Although wala naman doon ang ex ni Bea ay gusto lang nila na makasiguradong okay lang ang kaibigan nila. “Oo naman. Ang supportive niyo talaga. Salamat. But…” putol niya sa sasabihin habang nakatingin kay Gelo na nakaabang na sa sasakyan. “But I can take care of my self. I’m all good. Kaya ko ‘to. And so, hindi niyo na ako kailangan pang samahan. At isa pa ay may pasok din kayo kaya sige na. Alis na at baka ma-late pa kayo.” taboy niya kay Ivy na tila ayaw pang umalis sa harapan niya. “Oo nga pala,” napakamot sa batok na sabi ni Ivy. “Naghihintay na si Gelo, o. Bilisan mo na.” muling sabi ni Bea. Wala namang nagawa si Ivy kung hindi ay tumalima kay Bea. “Oo na. Aalis na. Kapag may nangyari sa’yo. Huwag mo kaming sisihin.” sabi ni Ivy na ngayon nga ay agad na sumakay sa sasakyan ni Gelo. Nagmamadali naman si Bea upang sumakay sa sasakyan niya. “Self kaya natin iyan.” bulong niya sa sarili at nagmaneho palabas ng gate ng bahay niya. “Ang kapal din ng lalaki na ‘yon.” hindi niya alam kung bakit bigla na lang niyang naisip si Greg habang nagmamaneho. Palibhasa ito ang nagsusundo at hatid sa kanya sa bahay niya—gamit ang kotse niya. Hindi man lang siya nito inihatid ng kotse nito kahit kailan. Ang laging dahilan nito kung bakit siya sinusundo nito ay kung hindi ito ipinaayos sa talyer ay gamit ito ng kapatid nito. Nailing na lamang siya. Natatandaan pa niya na ilang linggo itong hindi nagpakita pagkatapos ay biglang sumulpot sa bahay niya at nagmamakaawa. “Ano pa’ng kailangan mo sa’kin?” naniningkit ang mga matang tanong ni Bea rito. Alam nitong tapos na sila ngunit nangungulit pa rin. “Can we talk?” tanong nito sa kanya na ikinataas ng kilay niya. Gusto niyang isumbat ang lahat dito pero useless na. Hindi naman na maibabalik ang dati. Wala rin siyang balak makipagbalikan dito after what had happened. “Nag-uusap na tayo. Sabihin mo na kung ano ang kailangan mo dahil baka maabutan ka pa nina Ivy at Gelo rito. Baka hindi ka na makalakad kapag naabutan ka nila.” warning niya rito lalo pa at hindi ito gusto ng mga kaibigan niya. Totoo naman na galit na galit pa rin ang mga kaibigan niya sa lalaking kaharap. At may gana pa itong magpakita sa kanya matapos ang lahat ng nangyari. Ang panloloko nito sa kanya. Kasing kapal yata ng pader ng bahay niya ang mukha nito. “Hindi mo man lang ba ako papapasukin para makaupo habang nag-uusap tayo?” kung bastos lang siyang tao ay siguradong pinag-sarahan na niya ito ng pinto dahil sa sinabi nito. “Hindi ba puwedeng dito na lang? Puro kasinungalingan lang naman ang sasabihin mo kaya okay na’ng dito na tayo mag-usap.” sabi ni Bea kaya naman napakamot sa ulo ang lalaki. “Fine. Mag-usap tayo rito kung iyan ang gusto mo.” wala itong nagawa kaya nag-usap na lamang sila ni Bea sa may pintuan. “So, ano nga ang kailangan mo?” prangkang tanong ni Bea rito na hindi pa rin nagsasabi kung bakit ito narito ngayon. “Alam mo namang mahal na mahal kita ‘di ba—” hindi binigyan ni Bea ng pagkakataon na makatapos ito ng sasabihin at makapagsinungaling na naman sa harapan niya. “Spare me with your lies, Greg,” agad na sabi niya rito. Noon ay masarap pakinggan ang salitang iyon mula sa labi ng lalaking kaharap. Ngunit ngayon ay tila lason ito na ayaw niyang marinig man lang mula rito. “Mahal? Hindi ko sure. Wala namang mahal na niloloko e.” nakatingin ito sa mga mata ng lalaki na hindi nagpapatinag. Ito pa ang napapaso sa mga tingin niya kaya naman yumuko ito. “Pakinggan mo muna kasi ako. Mahal kita at alam kong nagkamali ak—” muli ay binara na naman ni Bea ang sinasabi nito. Masakit sa pandinig niya ang katagang iyon. “Nagkamali ka talaga. Maling-mali. Ang kapal ng mukha mo na gawan ako ng kalokohan lalo pa at malapit na ang kasal natin. Ang kapal mo.” mariin pero mahinang sabi niya para ramdam na ramdam nito ang bawat salita niya. “Bea naman—“ napangisi nang pagak si Bea. “Anong Bea naman?” angil niya rito. “Lahat naman ng tao nagkakamali. Alam mo namang mahal kita. Nadala lang ako kay Martina. Pero ikaw ang mahal ko. At handa akong pakasalan ka—” napasabunot ito sa buhok nang muling putulin ni Bea ang sinasabi niya. “A, talaga ba? Nadala ka lang?” muling tumawa si Bea sa sinabi nito. Tila isa itong pekeng komedyante na pilit nagpapatawa ngunit hindi naman nakakatawa. “Kung ako ba ang magpapadala sa ibang lalaki? Tapos sasabihin ko na nadala lang ako at ikaw ang mahal ko, matatanggap mo?” ngumiti na naman ng payak si Bea na nakatingin pa rin sa lalaking kausap na hindi pa rin makatingin nang diretso sa kanya. “Ano? Bakit hindi ka magsalita?” nanginginig ang labi niya sa inis. “Bakit hindi ka magsabi ng alibi mo? Magdahilan ka!” hindi na mapigilan ni Bea na mapasigaw sa bawat salitang binibitawan niya. At umiling naman ang lalaking kausap niya pagkatapos ay lumuhod sa harapan niya. “Please naman, Bea. Mahal kita. Ilang araw na lang ay kasal na natin. Please naman. Give me another chance.” gamit na gamit na sa mga pelikula at palabas ang second chance na iyan at hindi na bebenta pa kay Bea. Magkamali ka once, for sure na magkakamali ka ulit. “Wow naman, Greg. Sana naisip mo iyan bago ka gumawa ng kasalanan. Sana naisip mo na ikakasal ka na pala. Sana lang pinigilan mo ang sarili mo. Pero hindi e. Nadala ka. Nagpatangay ka!” nag-iinit na ang mga mata ni Bea pero pangako niya sa sarili na hindi siya iiyak sa harapan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD