Ikaw Na Nga Chapter 4

2041 Words
“Wiat, guys. S-si Warren iyon ‘di ba?” tanong niya sa mga kasama niya. Agad naman na napasilip si Gelo sa loob ng resto. Kilala nila ang binata. As usual ay ikinuwento na naman ni Bea ang tungkol dito at ang matandaing Ivy ay mabilis na na-memorized ang mukha nito. “Oo nga. Si Warren nga iyan.” segunda naman ni Gelong na nakatingin pa rin sa direksiyon ng kinaroroonan ni Warren. “Anong buwan ba ngayon? Buwan ng mga exes?” sabi ni Ivy na as usual ay napalakas na naman ang pagkakasabi nito kaya naman agad na napalingon ang mga tao sa direksiyon nila at lalo na si Warren. Mabilis na nagtago si Bea sa likod ng banner stand ng resto. Hindi niya sigurado kung nakita ba siya ni Warren o hindi. “Ang ingay niyo kasi. Nakita niya ba ako?” sermon niya sa dalawa. Pero ang totoo ay si Ivy lang ang maingay. “Hindi ka nakita niyon. Bulag iyon e. Noon pa man e bulag na iyon. Kasi kung hindi e ‘di sana ay nakita na niya ang alindog mo.” pabirong sabi ni Ivy. “Puro ka kalokohan. Tsk.” angil ni Bea. Muli ay sinilip niya si Warren at hindi na ito nakatingin sa kinaroroonan nila. Marahil ay hindi nga siya nito nakita. “Huwag mong sabihin na si Greg ang susunod na makikita natin? Uupakan ko iyon kapag nakita ko siya rito.” Pinagsalpok pa nito ang palad at kamao nang sabihin iyon. “Sus! Ewan ko sa’yo, Kuys. Bakit kapag nakikita mo siya sa opisina e wala ka namang ginagawa?” Nakangising nakakaloko na sabi ni Ivy. “Sa opisina iyon. Subukan niyang dito magpakita. Baka balatan ko siya ng buhay.” Agad na napatingin naman si Ivy sa likuran ni Gelo. “Kuys, si Greg!” Sigaw nito na agad namang ikinatuod ni Gelo. Humagalpak ng tawa si Ivy. Wala naman talaga si Greg doon. Binibiro niya lang si Gelo. “Tumigil na nga kayo. Nakatingin pa ba si Warren?” nang muli siyang nagkubli dahil napansin niyang muling dumako ang paningin ni Warren sa puwesto nila. Nakakubli si Bea sa likod ng malaking banner ng pizza shop. “Nakaupo na. May kasamang mukhang kasoy na babae. Buntis. Naloko na. Napikot yata.” Sabi ni Ivy na nagmamasid pa rin. “Karma niya iyan. Buti nga.” Sabi pa ni Gelo. Sinilip naman ni Bea ang tinutukoy ng dalawa na mukhang kasoy. Natawa na lang siya nang mapagsino ang kasama nito. “Mga sira kayo. Yaya niya iyan. Si Yaya Cashew.” Humagalpak naman muli ng tawa si Ivy. “Pinaganda mo pa. Kasoy, cashew e iisa lang iyon. Ingles lang.” Tatango-tango naman si Gelo kau Ivy. Basta sa kalokohan ay magkasundo ang dalawang ito. “Sira nga talaga kayo. Cashew talaga nickname niya. Cashewlita ang name niya at ipinaglihi siya sa kasoy ng nanay niya. Sa kahiligan ng nanay niya sa kasoy e iyon ang ipinangalan nito sa kanya.” Kagat labi si Ivy dahil sa pagpipigil sa pagtawa. “Sa dinami-rami ng puwedeng ipangalan e iyon pa talaga.” natatawa pa ring sabi ni Ivy. “In fairness, bagay sa kanya ang pangalan niya.” Bulong ni Gelo. Nagtawanan ang tatlo. At dahil sa naroon nga sina Warren at Cashewlita, ang ending ay hindi sila kumain ng pizza. Ayaw ni Bea roon dahil baka makita siya ng dalawa. “Pero bakit ang bata ng yaya niya? Tapos buntis pa. E ang tanda na niyang Warren na iyan para mag-yaya pa. Tsk…” napapaisip na sabi ni Gelo. “Pati ba naman iyon e inalala mo pa?” natatawang sabi ni Ivy sa kaniya. “Hay nako, Gelo. Huwag mo nang pagtuunan ng pansin ang Warren na iyan. Kasalanan niya kaya hindi tayo nakapag-pizza.” sabi ni Bea sa kaniya. At busangot naman ang mukha ni Gelo nang sabihin iyon ni Bea. Nang dahil sa lalaking iyon ay naudlot ang pizza nila. “Bakit kasi ang suwerte mo, Bea? Kung hindi ka pang-display ay pang-finance ka. Hindi mo kami gayahin ni Kuys. Singgol pero hindi available. Ayaw ko pa ng jowa.” umandar na naman ang pagiging talakera ni Ivy. Sinimulan na naman siyang talakan nito nang dahil sa mga ex niyang walang kuwenta. “Kailan ka ba makahahanap ng matino? Imagine pati tirador ng lechon e nabihag mo na rin sa taglay mong kagandahan.” umikot na lamang ang itim sa mga mata ni Bea. Umandar na naman ang pang-aasar nito sa kaniya. “Oo, sige na. Ako na ang malas sa jowa. Tse kayo!” hinawi niya ang buhok na akala mo ay pagkahaba-haba at kunwari dinala sa likuran sa may likod niya saka tumalikod sa mga kausap. “Kapag ako nakahanap ng Beatrice loyalist, who you kayo ni Kuys sa’kin!” Sabi ni Bea nang muli siyang humarap sa mga ito at napahinto ang mga ito na muntik pang masubsob sa mukha niya. “Aba dapat lang makahanap ka ng loyalist. Sunog na yata ang bituka namin ni Kuys kakadamay sa’yo na uminom.” Napakamot na lang si Bea sa ulo. Sa totoo ay sobra-sobra ang pasasalamat niya sa dalawang ito na talagang nag-aalala para sa kanya lalo sa mga panahong ganito na broken siya. Hindi niya alam kung paano masusuklian ang pagiging kaibigan ng mga ito sa kaniya. Pero isa lang ang natitiyak niya. Sa panahon na kakailanganin siya ng mga ito ay naroon siya sa tabi nila. Hinding-hindi siya mawawala at hinding-hindi niya iiwan ang mga ito. Kung gaano siya ka-loyal sa relationship ay ganoon din siya sa friendship. “Sunog din naman ang baga ko kasi kasama niyo ako sa pag-inom.” sabi niya sa mga ito na kasunod niya pa rin. Papasok sila sa isang pizza resto. Mabuti na lang at may ibang pizzeria pa bukod sa kinakainan nina Warren at ng yaya nito kaya ngayon ay matutuloy na ang pizza nila na akala nila ay naudlot na. “Sa ngayon ay magpo-pokus muna ako sa trabaho. Wala munang love life-love life. Hinding-hindi na muna ako maghahanap ng jowa.” sabi nito habang paupo sa napili nilang puwesto sa tabi ng pinto. “Dapat lang dahil strict ang boss natin. For sure ay babantayan niyon ang bawat kilos mo. Tsk. Mag-ready ka na.” May pagtaas-baba pa ng mga mata na pang-aasar ni Ivy sa kanya. “Nanakot ba? Matagal naman na akong takot kaya hindi na ako matatakot pa. Sagad na e.” napaismid na lang si Ivy sa ka-kornihan ni Bea kahit hindi naman ito mukhang nagjo-joke. “In fairness kay ex mo e may tiyaga sa lechon. Kung sabagay, may jowa ka na. May ulam ka pa.” malokong sabi pa ni Ivy. “Alam niyo kayo ang kokorni niyo.” sabay na sinamaan ng tingin nina Bea at Ivy si Gelo. Hindi dahil sa sinabi nito. Kung hindi ay dahil sa ginagawa nito ngayon. Habang abala sila ni Ivy mag-usap ay abala rin naman itong si Gelo na magtanggal ng pineapple sa pizza nila na kani-kanina lang ay dumating. “Alam mo hindi kasi dapat hawaiian ang in-order mo kung tatanggalin mo rin pala ang mga pinya.” sita ni Bea kay Gelo. “Hindi ka na nasanay riyan. Lagi namang ganiyan iyan.” Pagtatanggol ni Ivy kay Gelo. “Sabi nga nila e save the best for last. Paborito ko ang pinya at kakainin ko iyan mamaya after ko kainin ang dough.” sabi nito. “Don’t worry dahil hindi masasayang iyan.” pahabol pang sabi ni Gelo. Naiiling na lang si Beatrice sa kaniya. “Ewan ko sa’yo. Kumain na nga tayo.” sabi pa ni Bea. Weird man si Gelo ay weird din naman siya pagdating sa pagkain. Or unique siguro. Kasi ang tuyo ay isinasawsaw niya sa ketchap sa halip na suka at bawang. Madalas ay nagluluto siya ng tuyo kapag almusal at hindi nagtatagal ng ilang minuto ay parang binagyo ang pagkain. “After this uwi na tayo ha. Kailangan kong gawin ang report ko.” tumango naman sina Gelo at Ivy. Iyon ay kung makapagta-trabaho nga si Bea dahil siguradong manonood lang ang mga ito ng pelikula. Pagkatapos ay mauuwi sa inuman kaysa mag-iyakan. Paborito kasi ni Gelo ang mga sad ending movies like may namatay o hindi kaya ay may nagkasakit, hindi nagkatuluyan o kung ano pa mang reason. Basta ang mahalaga ay walang forever ang bida. Parang love life niya na hindi pa dumarating. Nakailang break ups na rin siya at sabi niya ay wala iyon sa kanya pero siguradong idinaraan lang nito sa panonood. Taliwas naman kay Ivy na walang balak mag-jowa. Although nagkaroon na ito ng boyfriend pero hindi ganoon ka-seryoso. Ang lagi nga niyang linya ay, “I don’t see my self walking down the aisle with my groom. Maybe I’m not ready. Most probably I haven’t found my ideal guy.” Nang matapos silang kumain ay kani-kaniyang tungo na sila sa parking lot. Doon na sila sa bahay ni Bea magkikita-kita. Katulad ng napag-usapan ay kailangan gumawa ng report ni Bea. Paano ay sa warehouse siya mananatili ng ilang linggo o baka lumampas ng dalawang buwan. Depende kung mag-iimprove ang sales ng warehouse. “Movie time!” hiyaw nina Ivy at Gelo nang makapasok sa loob ng bahay ng kaibigan nila. Umiling naman si Bea dahil nakikinita na niyang hindi makapagta-trabaho nang maayos. “So ano’ng panonoorin natin?” tanong ni Ivy. “Ako’ng bahala.” agad na sagot naman ni Gelo na confident na confident sa pagpili ng panonoorin nilang palabas. Mabilis pa sa alas quatro na nakapili ito ng palabas. Wala namang kumontra. “Halika na rito, te. Huwag kang magpanggap na naiintindihan mo ang ginagawa mo kasi kanina ka pa palingon-lingon sa tv.” yaya ni Ivy kay Bea na nakaupo sa harap ng mesa habang patingin-tingin sa palabas. “Paanong hindi ako titingin e ang lakas ng volume ng pinanonood niyo.” kunwari ay sabi nito pero itiniklop din naman ang laptop nito. “Kunwari ka pa. Halika na.” sabi naman ni Gelo. Wala nang nagawa pa si Bea kung hindi ay maupo sa carpet kasama nila. Mas trip nila ang lambot ng carpet kaysa sa sofa. Hindi rin naman sila kasya sa sofa dahil pang dalawahan lang ito. Hindi pa man natatapos ang palabas ay tila mauubusan na ng luha si Bea. Paano ay puro alaala na naman ni Greg ang naaalala niya sa pinanonood nila. Kahit pigilan niya ang sarili ay hindi niya mapigilan ang emosyon niya. “Para kang tanga, Bea. Movie lang ‘yan. Makangawa ka naman.” sermon ni Gelo sa kaniya. At naiiling na natatawa pa ang dalawang kaibigan ng dalaga. Alam nilang nadadala lang ito sa sariling karanasan. Naaawa rin sila rito ngunit mas okay nang nalaman agad ni Bea ang panloloko ng ex niya kaysa naman kasal na sila nito bago pa niya malaman ang kalokohan ng lalaking iyon. “Oo na. Pagbigyan niyo na ako.” sumisinghot pa ring sabi ni Bea. Mag-iisang taon na rin ang nakalilipas pero same pain pa rin. “Oo nga, Kuys. Pagbigyan mo na. Hindi na nga nakapagtrabaho ang tao e.” pagtatanggol pa ni Ivy na akala mo naman ay hindi nakikisali sa pagsisita kay Bea. “Nakakainis kasi,” sabi pa ni Bea na hindi natigil ang pagngalngal dahil sa palabas. “G*go rin kasi si Dylan. Ang bait ni Eve para lokohin niya. Imagine that? Almost six years sila together tapos itinapon niya lang para sa isang babaeng naka-one night niya?” litanya pa ni Bea na dalang-dala sa palabas. “She got pregnant. Natural na panagutan ni Dylan si Lacey.” pagtatanggol ni Ivy na nadadala na rin sa emosyon ni Bea. “E bakit kasi nadala siya sa babaeng iyon. Sana nagpigil siya!” nagkatinginan sina Ivy at Gelo sa napapasigaw na si Bea. Dalang-dala talaga ito sa palabas na akala mo ay kakilala nila ang niloko o ang nagloko. Kahit palabas lang iyon ay hindi maintindihan ni Bea kung bakit dalang-dala siya. Dahil ba sa galing ng mga artista na umakting o dahil sa magaling ang direktor ng palabas. Naiiling naman si Kuys kina Ivy at Bea.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD