“Ano ganito na lang ba tayo palagi? Kung hindi iinom at lalaklak ng alak ay magpapapak ng popcorn?” angal ni Ivy sa dalawa. Kanina pag-uwi nila ay agad na nagluto si Bea ng popcorn at dumating naman kaagad ang dalawa matapos niyang magluto.
“Sana lang nga e tinulungan niyo akong magluto ‘no. Pasalamat kayo luto na iyan at kakainin niyo na lang.” sermon ni Bea kay Ivy.
“Oo nga, Vy. Mabuti at masipag magluto si Bea. Kung hindi baka asin ang pinapapak natin habang nagmo-movie marathon. Siguradong luto ang atay natin niyan.” ngumuso na lang si Ivy. Nagkampihan na naman ang dalawa. Kung sabagay, minsan ay si Bea ang pinagtutulungan nilang dalawa.
Pinanonood nila ang palabas na All of Us are Dead. Palibahasa sikat na sikat ito ngayon sa social media. Kahit na-spoil na sila ay pinanonood pa rin nila. Natatawa na lang si Bea dahil si Gelo talaga ang nakaisip na panoorin ito.
“Alam mo parang ewan din ang mga iyan. Imagine mo na may mga zombies na sa paligid nilaxe puro love life pa rin ang inaatupag.” hindi malaman ni Bea kung bakit napaka-bitter ni Gelo sa love kahit kailan. Pati ang walang kamalay-malay na palabas ay pinakikialaman pa.
“Buti nga sila hindi bitter. E ikaw?” kantiyaw niya rito. Tumango naman si Ivy.
“Oo nga, Kuys. Ang bitter mo. Pero okay rin iyang ganiyang palabas. Para naman hindi naaalala ng isa riyan ang pinagluluksaan niyang namatay na feelings.” sumang-ayon din naman si Ivy kay Gelo.
“Kayo talaga. Ako na naman ang pinagtulungan niyo. Manood na nga lang kayo.” nagpokus na lang si Bea sa panonood ng palabas. Aminin man niya sa hindi ay naaalala niya pa rin ang ex niya kahit na ganitong palabas ang pinanonood nila.
“Wuy, bukas pala magmall tayo ha.” yaya ni Ivy.
“Bibili ka na naman ng libro mo.” agad na sabi ni Gelo rito.
“Oo. May bago kasing release ng book ang favorite writer ko.” bukod sa hilig nitong magbasa ng libro ay hilig din nitong suportahan ang paborito nitong writer.
“Um-order ka na lang sa online. Mayroon na siguro niyon doon.” sabat naman ni Bea na walang kahilig-hilig sa pagbabasa.
“Iba pa rin kapag sa bookstore ka bumili. At saka bakit ba? Ako naman ang magbabayad. Not unless ililibre niyo ‘ko.” sabay na tumalikod sina Bea at Gelo.
“Takbo bilis! Ayan na ang zombies!” umarko ang kilay ni Ivy sa dalawa na bigla na lang nagpokus sa pinanonood nila.
“Kayong dalawa talaga. Kahit kailan…” naiiling na sabi ni Ivy.
“Akin na nga iyang popcorn.” agad na dumakot siya rito nang iabot ni Gelo ang popcorn sa kanya.
Mabuti na lang at walang after work task sila. Kaya pagkatapos ng trabaho ay nakapag-ba-bonding pa sila. Hindi naman mabuti na naghiwalay sina Bea at Greg pero nakabuti rin iyon dahil nagkaroon sila ng time nina Gelo at Ivy sa isa’t isa. Unlike noon na parating si Greg lang ang kasama nito.
Hindi nga nila maintindihan kung paanong nakalusot ang isang iyon na mambabae ganoong lagi naman silang magkasama ni Bea. Ganoon nga siguro iyon. Kapag mambababae ay mambababae, kasama mo man palagi o hindi.
“Bukas ha, sa mall na tayo magkita-kita.” paalala ni Ivy nang magpaalam kay Bea matapos manood ng palabas.
“Oo. Sige. Sana magising ako ng nang maaga. Masarap pa naman ang matulog.” kapag kasi off niya ay mas gusto pa niyang natutulog buong adaw kaysa umaalis. Maliban na lang noon sila pa ni Greg. Madalas ay nasa pabas sila kapag hindi sila overtime.
Pakiramdam ni Bea ay kapipikit pa lamang niya nang mag-alarm ang cellphone niya. “Anong petsa na ba?” turan niya sa oras. Nanlaki ang mga mara niya nang makita na halos tanghali na tadtad na rin ng messages ang inbox niya. Mayamaya ay tumunog ito at natawag si Ivy.
“Nasaan ka na?” bungad nito sa kanya na bakas sa tono ang pagkainis dahil anong oras na ay wala pa siya.
“On the way na.” pagsisinungaling niya at agad na pinatay ang telepono. Alam niya kasing tatalakan siya nito dahil ang on the way niya ay maliligo pa lamang siya niyon. Tarantang kinuha niya ang asul na tuwalya niya at nanakbo patungo sa banyo.
Mabilis lang siyang nag-shower at nagbihis. Ayaw na ayaw ni Ivy nang nali-late lalo na ang mga kausap nito. Ganoon din naman siya pero sa trabaho. Kapag sa meet up ng friends ay hindi siya gaanong on-time.
Nang matapos mag-asikaso ay agad siyang nagmaneho patungo sa mall. Okay na rin na late siya. Madalas na maraming tao ang papasok ng mall kapag nakisabay pa siya sa opening. Nakakatamot kaya ang pumila. Halos isang oras din ang lumipas nang makarating siya sa mall.
Nasa b****a lang din naman ng mall ang bookstore at tiyak na naroon sina Ivy at Gelo. Nang makarating ng mall ay agad na tinungo niya ang bookstore at hindi nga siya nagkamali. Naroon nga ang dalawa.
“Kumusta naman? Inabot ka na naman ng siyam-siyam.” sermon ni Ivy kay Bea.
“Hindi kasi ako nakatulog kaagad kagabi. Feeling ko dinalaw ako ng zombie sa bahay.” pagdadahilan niya. Although totoo naman dahil nga sa pinanood nila.
“Tara na. Nakabili na ako ng libro. Hinintay ka lang namin kasi baka kung saan ka na naman mapapadpad kahahanap sa amin ni Kuys.” agad na lumabas ng bookstore ang tatlo at nagtungo sa escalator. Ngunit bago sila umakyat sa susunod na floor ay nagpaalam muna si Ivy.
“Wait lang kanina pa nga pala ako nagsi-cr.” sabi nito.
“Sige, hintayin ka namin dito.” ngunit nagpaalam din si Gelo pagkaalis ni Ivy.
“Punta lang ako ng Oddy,” paalam ni Gelo—shop ito ng mga cd’s and albums ng mga singer.
“Sige,” nag-scroll na lamang siya sa socmed account niya habang hinihintay si Ivy. Ilang minuto pa ay lumabas na si Ivy na parang sinisilihan ang puwet nito.
“Gosh! Bea, hindi ka maniniwala. I saw him!” parang bulate na hindi mapakali si Ivy sa harapan ng dalaga. Kulang na lang ay pulungin ang lahat ng tao sa paligid niya sa lakas ng pagsasalita nito.
“Para kang kiti-kiti. Pumirmi ka nga. Ano ba kasi ‘yon?” Kunot ang noo na sabi ni Bea habang tinatantiya kung ano ang gustong sabihin ni Ivy. Kalalabas niya lang ng banyo ng mall at agad siya nitong sinalubong.
“I saw him,” muling tili nito.
“Sino? Si Greg?” tila nawala ang excitement ni Ivy sa pagkukuwento nang banggitin ni Bea si Greg.
“Nakakawalang-gana ka naman kuwentuhan. Huwag mong mabanggit-banggit ang ex-fiance mo na iyan dahil baka masapak ko iyan kapag nakita ko ngayon.” hindi mapigilan ni Bea na matawa sa kaibigan niyang kakambal na yata ang pagkabaliw.
“E sino nga kasi? Putol-putol naman kasi ang kuwento mo ‘no,” angil ni Bea saka naglakad palayo sa banyo. Nasa loob ng oddy music si Gelong at feel na feel ang pakikinig sa music na libreng pakinggan sa loob ng shop na iyon gamit ang mala-baso sa laki na headset.
“Eto na nga kasi. Naalala mo iyong ex mo na pinerahan ka lang? Yung pinakita mo sa’kin na picture?” napaisip siya. Tatlo lang naman ang naging ex niya kasama ang recent breakup niya na si Greg.
“Grabe ka naman sa pinerahan.” reklamo ni Bea saka muling nagsalita.
“Pero, sino? Si Kael? Saan mo nakita?” Tila tumaas ang dugo niya at agad na namula. Naaalala pa niya ang mga katangahang ginawa niya noon para sa lalaking iyon.
“Naku, teh. Ayun siya sa may fastfood. May kasamang mukhang sugar mommy. Wala na yatang ibang mauto at matanda naman ang hinuhuthutan.” Palatak pa ni Ivy. Matindi rin naman ang mga mata nito. Siya itong kanina pa nakatayo sa harap ng cr pero ito pa ang nakakita sa ex niya.
“Aray naman sa mauto.” Nakataas pa ang gilid ng labi nang bahagya dahil sa sinabi ni Ivy.
“Sorry naman. Totoo naman din kasi.” at napapangising sabi ni Ivy.
“Oo na. Nauto na. Malay ko ba na pera lang ang habol niya sa’kin. Malay ko rin na may asawa na pala siyang buwiset siya.” Napahalukipkip pa si Bea. At inagaw kay Gelong ang headset. Ngunit inalis niya rin agad ito sa tainga niya.
“Grabe, Kuys. Hindi ka naman bingi niyan? Parang sasabog eardrums ko sa lakas ng patugtog mo e.” Reklamo ni Bea na hawak pa rin ang tainga.
“Bakit mo kasi kinuha? Nananahimik ako rito e.” Sabi nito na seryoso at muling isinuot ang headset sa tainga niya.
“So ayun nga. Ibang tao naman ang hinuhuthutan niya.” Singit ni Ivy sa dalawa. Hindi pa siya tapos sa pagkukuwento kay Bea.
Naalala pa niya ang kuwento ni Bea sa kanya noon. Halos tuwing suweldo ay laging naka-bilmoko—Bili mo ‘ko niyon, bili mo ‘ko niyan. Kulang na lang at pati ang brief nito ay siya pa ang bumili. So far naman ay hindi sila umabot sa point na siya pa ang bibili niyon.
Kung sabagay ay hindi rin talaga ito magpapabili sa kanya ng brief dahil may asawa na pala ito. Halos gumuho ang mundo niya nang malaman ang totoo. Ang mas masakit ay ang nagatasan siya nito kahit wala naman siyang gatas na literal.
“Wow! Ibang klase rin siya. Sa tagal ng panahon na panghuhuthot niya sa’kin ay hindi pa rin siya nagbabago. Tsk.” Naiiling na lang si Bea. Kung noon ay nasasaktan pa siya kapag naaalala niya ito at ang katangahan niya, ngayon ay naiinis na lang siya na natatawa. At the same time ay naaawa sa sunod na biktima nito.
Naalala pa niya na halos ibinigay na niya ang lahat dito pati na ang kanyang virginity. Masakit man ay ito ang nakauna sa kanya. Kahit naman magsisi siya ay hindi na maibabalik iyon. Ngayon naman ay wala na sa kaniya iyon dahil naka-move on na siya rito.
Naikuwento lang niya iyon kay Ivy at once lang niya naipakita rito ang picture ng ex niya. Hindi niya akalain na ganoon ito ka-matandain. Para bang may recorder ito sa utak na natatandaan ang lahat ng pangyayari. Maliban sa cellphone nito na laging nakalilimutan kung saan-saan. Mabuti na lang at nahahanap pa niya kahit papaano.
“Wala na yatang pag-asang magbago ang isang iyon. Tara kain na tayo. Nakakagutom dumaldal.” Hawak ang tiyan nito na hinihimas pa. Akala mo buntis na nangangati ang tiyan.
“Huy, kakakain lang natin, a. May bulate ka ba sa tiyan? O baka anaconda?” Napanguso si Ivy. May pagka-korni rin si Bea minsan. Dahil busy pa rin sa pag-lip sync ang kasama nilang si Gelong na nag-iisang bulaklak sa barkada nila ay sila na ang nag-alis ng headset nito at hinatak sa kainan ang binata.
“Saan tayo pupunta?” Usisa nito na may pagka-dismaya dahil nasa kasarapan siya ng pagkanta nang hatakin siya ng mga ito. Kahit na lip sync lang naman ang ginagawa nito. Magaling naman itong kumanta kapag nasa mood ito. Pero madalas ay nakikinig lang ito ng music.
“Saan pa? E ‘di kakain. Gutom na ang mga alaga ni Ivy sa tiyan.” sagot naman ni Bea rito na natatawa pa.
“May bago pa ba riyan? Magtaka tayo kung thirty minutes na e hindi pa nagyayayang kumain ang babaitang iyan.” agad na sabi ni Gelo kaya nagkatawanan na lang ang mga ito sa isa’t isang kalokohan. Kapag talaga nagsama-sama ang tatlo ay daig pa ang mga takas sa mental kung magkulitan.
“Bet kong mag-pizza ngayon. Kayo ba?” tanong niya sa mga ito nang makakita ng pizza resto.
Ngunit napatulala si Ivy nang matapat siya sa pizza resto na iyon. Paano ay isang pamilyar na tao na naman ang nakita niya. Hindi niya malaman kung matalas nga lang ba talaga ang mga mata niya o sadyang nagkataon lang ang lahat.