Ikaw Na Nga Chapter 2

1082 Words
"Bea, pupunta ako ng bookstore mamaya. Sama ka ha?" aya ni Ivy sa kaibigang si Bea. Isang linggo pa lang ang nakalilipas nang mag-break sina Bea at Greg. Isang linggo na rin silang basag kaiinom. Halos isuka na nga ni Ivy pati ang bituka niya para lang damayan si Bea kahit pa may pasok sila kinabukasan. "Huwag na. Uwi na lang ako." tanggi ni Bea na alam din naman ni Ivy ang gagawin nito. Magmumukmok lang ito sa bahay nito panigurado. "Hay naku. Sumama ka na." pagpupumilit ni Ivy rito. Hindi rin naman titigilan ni Ivy si Bea hangga’t hindi ito pumapayag. "Oo na. Oo na." wala rin namang nagawa si Bea kung hindi ay pumayag rito. Matapos ang trabaho nila ay agad na nagtungo sila sa mall kasama ni Gelo. Usapan talaga nina Ivy at Gelo na ipasyal ang kaibigan nila. Ngunit kung sasabihin nila ang totoo ay tiyak na hindi ito papayag. Magpasama pa nga lang sa mall ay tumanggi na ito. Iyon pa kayang ipapasyal siya? "Nice, narito ka rin?" kunwari ay gulat na gulat na sambit ni Ivy. Ngunit nahalata rin naman ni Bea. "Alam niyo kayo ni Gelo? Palusot. Kunwari pa kayo. Pinagkaisahan niyo na naman ako." ganoon lang din naman iyon pero hindi galit si Bea. Natutuwa pa nga ito at thankful dahil sa mayroon siyang mga kaibigan na katulad ng dalawa. Kapansin-pansin ang pagbabago ng awra ni Bea tuwing makakikita ng malulusog na babae. Naalala niya si Martina. "Hindi ko naman akalain na mahilig pala siya sa lechon." tuluyan nang nanlabo ang mga mata ni Bea. Umiiyak na naman ito. "Ikaw kasi. Dapat talaga sa bahay na lang tayo. Nanood ng movie." nagsisihan pa sina Gelo at Ivy nang makita ang mukha ni Bea na umiiyak na naman samantalang pareho nilang idea ang mag-mall. "Tahan na. Tara. Kain na lang tayo." aya ni Ivy. Sumunod naman si Bea. Ngunit nang papasok na sila ay nakita nila sina Greg at Martina na sweet sa isa't isa. "Aba't talagang tinuluyan ni Greg ang lechon na 'yon!" daig pa ni Ivy ang fiancee na si Bea sa reaksiyon nito nang makita ang dalawa. Halos maggitgitan ang mga ngipin nito nang manggigil sa nakita na pagka-sweet ng dalawa sa isa't isa. "Alam niyo? Umuwi na lang tayo. Ipagluluto ko kayo ng paborito niyo." nagkatinginan naman sina Bea at Ivy sa isa't isa. Pagkatapos ay tumingin kay Gelo. "Ano namang paborito namin?" sabay pang sabi ng dalawa na napapaisip. "Eh 'di popcorn. Manood tayo ng movie habang nagpa-popcorn." napapahalakhak na sabi ni Gelo. Nagkatawanan naman ang lahat. "Ayan. Itawa na lang natin iyan. Ang gaganda tapos naiyak at nakasimangot. Hindi bagay." sabi pa ni Gelo na todo ang ngiti sa dalawa. “Hey, tulala ka na naman. Okay ka lang?” pukaw ni Ivy sa dalagang kanina pa nakatulala sa kanila. Malayo ang tingin nito kahit nakaharap ito sa kanya. “Huh? O-oo naman. Ako pa ba?” sambit niya rito. “Talaga ba? Kaya ba tumulo ang laway mo habang tulala?” pinahid pa ni Ivy ang kunwari at basa ng laway na gilid ng labi ni Bea. “Grabe ka sa’kin a. Wala namang laway e.” angil ni Bea rito. “Kasi naman, gorl, mag-iisang taon na kayong wala ni Greg pero ang mukha mo ganyan pa rin. Tingnan mo nga ‘yong tao, masaya na sa litson niya.” palatak ni Ivy. Sa tuwing nakikita siya nitong tulala o umiiyak ay sinisermunan siya nito na parang bata. Kung tutuusin naman ay halos magkasing-edad lang naman din sila. “Sino ba kasing nagsabi na siya ang iniisip ko?” tanggi ni Bea sa kaibigan. “O, e ano pala ang ikinakatulala mo riyan kung hindi si Greg ang iniisip mo—“ agad namang pinutol ni Bea ang iba pang sasabihin nito. “Don’t say bad words.” inilapat pa nito ang hintuturo niya sa labi nang kaibigan na nakanguso pa dahil sa hindi nito natapos na sasabihin. “Fine. Ano nga kasi ang iniisip mo?” agad na sabi nito nang alisin ni Bea ang daliri niya sa nguso ni Ivy. “E kasi, kailangan kong dumalaw sa warehouse.” napatukod na lamang ang siko ng dalaga sa mesa at ang palad nito sa sariling baba sa sinabi nito. “Oh, e bakit daw?” usisa pa ni Ivy. “Ano’ng bakit? E trabaho ko ‘yon.” napakamot na lamang sa ulo si Ivy sa labong kausap ni Bea. “Oo nga trabaho mo. What I mean is bakit mukhang problemado ka kung dadalaw ka lang naman sa warehouse na trabaho mo naman din talaga?” minsan talaga ay makulit itong si Ivy at trip nitong ulitin ang mga sinabi na ni Bea. “Bumaba raw ang sales sa warehouse sa Bulacan. At may nawawalang mga boxes.” laylay ang balikat na sabi ni Bea. “Dati na namang nangyayari ‘yan. May bago ba?” tila hindi mababakas ang pag-aalala ni Ivy. Normal namang nangyayari iyon talaga. “Mr. Belmonte will be visiting the warehouse too.” naglaki ang bilugang mga mata ni Ivy. “Oh no. Problema nga ‘yan.” naiisip pa lang ni Bea na dadalaw ito sa warehouse ay halos lumabas na ang puso niya. Iyon pa kayang makita niya talaga ito. Si Lucio Belmonte ang CEO ng LB Company na pinagta-trabahuhan nila ni Ivy. Isa itong perfectionist at dominant. Walang nakatatagal dito dahil sa strong personality nito. Kaya naman takot ang mga empleyado rito. Hindi naman literal na takot. Kung hindi ay ilag lang. Kaunting pagkakamali lang ay tiyak na may memo ka kaagad mula sa taas. “Sinabi mo pa. Haist…” isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Bea dahil doon na sinundan din naman ng buntong-hininga ni Ivy. Ilang beses na rin namang nangyayari ang ganoon sa warehouse kaya naman naaalarma sila. Lalo na ang CEO nila. Noon pa mang bago siya dumating sa kumpanyang iyon ay madalas na iyong mangyari. At sa tuwing mangyayari iyon ay hindi lang ang warehouse ang apektado. Pati na rin ang buong logistic company. Paano ay nagkalat na sa social media ang tungkol sa mga nawawalan ng box na ipinadadala. Matapos nilang mag-usap ay bumalik na si Ivy sa desk niya. Kailangan pang gumawa ng report ni Bea tungkol sa mga nawawalang box at kulang na pera. May support na report naman ito sa manager sa warehouse pero iba pa ang report niya na kailangang ipasa sa CEO nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD