“Manong, sure po kayo na maghihintay kayo? Baka matagalan po ako.” pag-aalala ni Bea. Ang paalam niya kay Lucio ay kukuha lang siya ng gamit pero ang totoo ay miss na niya sina Gelo at Ivy kaya naman gusto niyang uminom muna sila bago bumalik ng Cebu. Kaya naman niya ang sarili niya. Sadyang pinasamahan lang talaga siya ng boss niya sa driver nito. “Nako, Ma’am. E kung iiwan ko ho kayo at susunduin ay baka dalawang araw na e hindi pa tayo nakababalik sa guesthouse. May halos bente quatro oras ho ang biyahe natin depende sa traffic.” Napatango naman si Bea. Wala naman kasi siyang intensiyon na magpahintay. Ngunit mukhang masyadong masunurin si Manong Jes. Napahaplos na lamang sa batok ang dalaga nang bumaba sa sasakyan. At lalo lng nanakit ang batok niya sa nadatnan. “Greg?” bago pa man

