Ikaw Na Nga Chapter 11

354 Words
“I swear, hinding-hindi ko kakausapin ang antipakong iyon.” nakakaloko namang nagtinginan ang dalawa. “Pupusta ako, Kuys. Isang set ng book ni E.L. James, kakainin niya ang sinabi niya.” mabilis na pumayag naman si Gelo. “Deal. Isang dosenang romance books, magiging close sila.” pinanlisikan niya ng mga mata ang dalawa. “At pinagpustahan niyo pa talaga ‘ko.” napangisi pa ang dalawa. “At least sa harap mo kami nagpustahan. Hindi ka namin bina-backstabb. So ano? Sali ka? Ano pusta mo?” hamon ni Ivy kay Bea. “A, so dapat thankful ako na pinagpustahan niyo ko nang harap-harapan? Grabe talaga kayo sa’kin.” ngunit napag-isip-isip niya rin na pumayag sa pustahan ng mga ito. Kayang-kaya niyang hindi kausapin o tingnan man lang ang lalaking iyon. At isa pa ay one-time visit lang iyon—sa isip-isip niya kaya sure siya na mananalo siya dahil hindi naman niya makikita ang ceo nila. Ilang linggo rin siyang mag-o-observe at mag-o-audit sa warehouse. “Ano nga? Deal or no deal?” umakto pa si Gelo na parang si Luis Manzano. “Sige. Deal. Basic.” agad na sagot ni Bea. Nagtinginan sina Ivy at Gelo na nagtataka. Para bang positive na positive si Bea na mananalo siya. “So ano’ng makukuha namin kapag nanalo kami?” tanong ni Gelo. “One week stay sa mansion ko.” muling nagtinginan sina Ivy at Gelo. “One week lang?” kahit naman hindi manalo ang mga ito ay open na open ang bahay niya pero nagrereklamo pa. “O sige na. One-month.” parang baliw na pumapalakpak pa ang dalawa sabay tusok sa nag-iisang karne sa harapan nila. “Iyo na,” paubaya ni Gelo. “Yieee, ang bait naman ng kuys namin.” kantiyaw pa ni Ivy. “Ayaw mo yata e. Sige akin na.” agad na hinawi ni Ivy ang tinidor ni Gelo. “Wala nang bawian. Akin na e.” natatawa na lang si Bea sa kulit ng dalawang ito. Ngunit kahit papaano ay lumuwag na ang pakiramdam niya dahil nakapaglabas na siya ng hinaing sa mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD